Chapter 48: Advice

18 1 0
                                    

[Megan's POV[

"Baby girl, alam mo, makikinig naman si mama sa provlema mo kaysa sa nakikita kitang ganysb." Napa-buntong hininga nalang si mama. "Ano ba yon, baby girl?"

"Mama, ano po kasi.." Hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula, huminga muna ako ng malalim. "Mama, si Kevin at Darren po nag confess sakin.. Pero hindi ko alam yong gagawin ko ma, wala pa naman akong gusto sakanila pero nahihirapan po ako."

"Nako baby girl, ang hirap naman ng problema mo. Hays, baby girl, piliin mo yong tingin mong tao para sayo. Kung sino ba talaga ang nagpapasaya sayo, susuportahan ka lang namin ng papa mo sa lahat ng gusto mo." Sambit ni mama. "Sa ngayon, pag-isipan mo muna ang mga desisyon mo."

"Tingin mo ma, magiging tama yong desisyon ko?"

Tumango lang si mama. "Oo naman baby girl, alam kong magaling ka sa mga ganyan. Kaya mo yan baby girl." Nginitian ako ni amma at niyakap. "Maiwan na muna kita baby girl, mag-ayos kana lang muna dito."

Lumabas na si mama at naiwan na akong mag-isa dito sa harap ng salamin.

Napaka-ganda ko ba para maging ganito ka-hirap ng gagawin kong desisyon? Bakit kasi ako pa yong ginusto ng magkaibigan, marami namang ibang maganda dyan tsaka sexy. Ako pa talaga, hays.

Bakit kasi madaming pwedeng magka-gusto sa tao? Dapat isa naalng para hindi na ganito kahirap, marami din kasing taong naaapektuhan, eh. Ang hirap ng kumilos lalo na pag ipit na ipit na ko.

Biglang may kumatok kaya kumalma muna ako. "Tuloy ka! Bukas po yan!" Niluwa ng pintuan si Shanna na malungkot din. "Oh Shanna, bakit nandito ka? May kailangan ka bs?" Tanong ko.

"Hays, ate naman, eh. Alam ko na yong problema mo, wag mo na kong plastikin na okay lang ang lahat dahil napaka-gulo." Tinignan niya lang ako. "Grabe ate, nag confess na pala sayo si kuya Kevin at hindi ko inaasahan na pati pala si kuya Darren ha. May feelings din pala siya para sayo. Ang hirap hirap kayang maipit sa pagitan ng mag bestfriend lalo na kung pinag aagawan ka ate. Hays, bakit kasi ang ganda ganda ng ate ko?" Pinipilit niya pa din magpatawa kahit alam niyang may problema, hindi talaga nawawala kay Shanna yon. "Paano ba umamin sayo si kuya Darren, ate?"

"Sinabi niya na gusto niya ako, na hindi naman talaga si Chasey ang gusto niya kun'di ako. Hindi ko alam gulong gulo ako nung mga time na yon, basta ang alam ko nag confess siya sakin." Sagot ko. "Ayoko na din naman balik balikan Shanna, eh. Nasasaktan lang ako para sakanila kung iisipin ko pa yon."

"Ate ang gawin mo lang, mag-isip ng mabuti. Hindi sa timbangan kung ano na yong mga nagawa sayo ng isa sakanila ha. Timbangin mo ba kung sino ba talaga yong taong tingin mo nagpapasaya sayo na parang hindi mo kaya kung mawawala siya sayo. Parang ganon, tingin ko ate sa paraan non malalaman mo kung sino ba talaga yong pipiliin mo." Sambit ni Shanna. "Basta ate, susuportahan ka lang namin ni mama sa mga desisyon mo, basta sumaya ka lang ulit." Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Salamat, Shanna. Lagi kang nandyan para sakin." Niyakap ko din siya at lumabas na siya ng kwarto ko.

Inalis ko nalang lahat ng mga gumugulo sa isip ko, kailangan kong mag fouc sa ibang bagay. Naglagay lang ako ng lip tint at pinilit ngumiti sa harap ng salamin. Kaya ko 'to, kaya mo 'to Megan.

Bumaba agad ako at bumungad sakin sila mama ar Shanna na nasa living area. Nginitian ko nalang sila at dumeretso na agad sa kotse ko. Pupuntahan ko nalang si Xien at Allysa, gusto ko munang makalimot kahit ngayon lang. Alam kong matutulungan ako ng dalawang yon.

Nag drive agad ako papunta sa Condo ni Allysa at tama yong hinala ko na nandito din si Xien. Nagpa-deliver agad kami ng maraming pagkain para mag party party, ikakain naalng namin 'to masaya pa. Lalo na ako, kailangan ko 'to.

Bumili naman si Xien sa Convenience Store sa labas ng wines at beer in can, hindi ko alam don pero mas kailangan daw namin yon. Hindi nalan gako umangal dahil pera naman niya daw yon, eh.

Sinabi ko sakanila lahat ng gumugulo sa isip ko. Lahat ng sagot nila gumawa daw ako ng mabuting desisyon, wala naman pumapasok sa isip ko kahit isa man lang na idea. Hays, hindi ko na nga talaga alam yong gagawin ko, eh.

"Basta para sa akin, tingin ko si Darren ang bagay sayo." Sambit ni Allysa.

"Oo nga, si Darren yong bagay sayo." Singit naman ni Xien.

"Ayoko muna silang intindihin ngayon, gusto ko muna ngayon makalimutan sila kahit isang araw lang. Matutulungan niyo naman ako diba?" Kain lang ako ng kain dito. "Magaganda pa din tayo!" Kinuha ko yong isang beer in can at binuksan yon. Tinaas ko yon tapos ininom. "Bakit ganito lasa nito? Bakit parang ang pait na ewan? Nakakasuka." Sambit ko.

"Beer nga yan, eh." Sagot naman ni Xien.

First time ko palang uminom nito dahil hindi naman talaga ako umiinom. Ang panget pala ng lasa tapos nakakasuka, sumasakit agad yong ulo ko.

"Alam mo ba yang mga lalaki na yan, nananakit lang naman yan, eh. Kaya nga hindi ko sila iniintindi. Hahaha. Kaya ikaw Allysa, pag sinaktan ka ni Sky, sabihin mo lang sa amin ni Xien ha? Kami ng bahala don. Haha." Medyo masakit na din yong ulo ko dahil sa tama ng beer na iniinom ko. "Wala naman silang ginagawa na magaganda."

"Ang bitter mo na, Megan." Sambit ni Allysa. "Tama na nga yang kadramahan."

"Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Hays, tinawagan ko na si Zach. Papunta na siya dito para ihatid si Megan sa bahay nila. Pasaway naman kasi 'tong babaeng 'to." Sambit ni Xien.

Narinig ko nalang bigla yong boses ni Zach at tinayo ako. Nilabas na nila ako sa Confo tapos si Zach inaalalayan ako. Napangiti analng ako ng nakita ko yong mukha niya. Miss ko na 'tong bestfriend ko na 'to.

"Mga nananakit lang yang mga lalaki na yan diba? Wala naman silang gagawin na mabuti diba?" Tinutusok tusok ko yong dibdib ni Zach pero wala siyang imik. "Iiwan lang pag nakuha na ang mga gusto, diba? Ganon kasi yong mga napapanood ko sa novela."

Hindi ko alam pero naiiyak nanaman ako, hindi ko na alam yong nangyayari sakin. Masisiraan na ata ako ng ulo kakaisip ng mga bagay bagay, ang hirap hirap pala ng ganito no. Yong kaialngan maging independent at matured kana sa pagd-desisyon.

"Megan, tama na. Lasing kana, eh." Sambit ni Zach.

"Nako, ako? Lasing, hindi naman ako uminom ah? Nako, hindi ako lasing. Wala sa dictionary ko yon, Zach." Sagot ko. Narinig ko lang siyang nag buntong hininga. Tiningan ko siya at parehong pinisil ang magkabilang pisnge niya. "Alam lo Zach? Na-miss ko 'to. Na-miss kita Zach, sorry ha? Hindi na kita masyadong napapansin. Sana hindi ka galit." Nginitian niya lang ako. "Sorry talaga."

Sinakay niya 'ko sa kotse niya at nilagyan ng seatbelt. "Ssh, tama na Megan. Wag ka ng umiyak ha? Magpahinga kana dyan, ihahatid nalang kita sa bahay niyo." Sambit niya. "Matulog kana."

Ngumiti nalang ako kay Zach na concern na concern sakin.

Grabe talaga, na-miss ko siya ng sobra sobra, mas pa nga sa sobra, eh. Nawalan na din kasi ako ng time sa lahat ng kaibigan ko at hindi ko na din napapansin si Zach.

Nakatulog nalang ako dahil sa sakit ng ulo ko at hilo.

"Piliin mo ang taong nagpapasaya sayo." Ayun nalang ang narinig ko bago ako makatulog.

------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading, loveyah all.






Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon