Chapter 37: Visitor

20 1 4
                                    

[Nathan's POV]

Nagising ako dahil sa kanta sa phone ko. 

"Aish, sino bang baliw ang magp-play ng kanta sa phone ko na kitang natutulog ako?" Pinatay ko agad yong kanta at pumikit ulit. "Istorbo."

"Ako lang naman." Rinig kong boses sa likudan ko. Napalingon agad ako at bumungad sakin si Blue kaya napadilat agad ako, ang lapit ng mukha namin kaya napa-atras ako.. "Hehe. Good morning, Nathan." 

"Ang aga aga nandito ka," Napaupo nalang ako sa kama. "Anong good sa umaga, ikaw 'tong una kong nakita." Biglang nagsalubong agad yong kilay ni Megan. "Hays, joke lang." Dumeretso agad ako sa banyo at kumuha ng toothbrush. "Ano bang ginagawa mo dito?" Nilingon ko siya na nakahiga ngayon sa kama ko. "Aish, wag ka nga dyan! Alis dyan." Sambit ko. 

"Selan nito, psh." Nanaray nanaman siya, aish. "Wala lang, naisip ko lang na dalawin ka kasi miss na kita. Bakit, masama ba yon? Napaka-ano nito, eh. Porket busy ka lang sa mga girlfriends mo, kinalilimutan mo na 'ko. Siguro nga talaga hindi mo na 'ko best friend." Nag sad face siya na parang bata kaya binato ko siya ng tissue. "Aba, sama nito ha!" 

"Ang oa mo kasi, kung ano ano sinasabi mo. High ka ata, eh." Bigla naman niya 'kong binato ng unan. "Bumaba kana nga don, susunod nalang ako." Umiling lang siya, aigh, pasaway talaga. "Bilis na, maglilinis pa 'ko ng kwarto." 

"Sus, wag ka nga. Ikaw pa maglilinis, eh ang tamad tamad mo nga. Hahaha. Ang aga aga nagj-joke ka." Tumawa siya na parang nasisiraan, psh. "Bilisan mo na nga mag toothbrush dyan, kakain pa tayo sa baba."

"Tayo? Hindi ka pa ba kumakain sa bahay niyo?"

"Kumain na pero nagugutom pa din ako, eh. Kaya kakain din ako dito, wala namang masama ah. Hahaha." Napailing nalang ako sa katakawan ng babaeng 'to. "Bilisan mo na nga dyan! Dami nitong daldal, eh!"

"Wait lang, aayusin ko muna 'tong buhok ko." Sambit ko. "Kailangan medyo messy pa dito." Lumapit ako sa salamin.

"Parang ganito?" Lumapit siya sakin at ginulo gulo yong buhok ko. "Oh ayan, lupet. Hahaha." Tumawa siya ng tumawa.

"Aish, halika nga dito!" Hinabol ko siya hanggang baba at sa Living room, tawa pa din siya ng tawa habang tumatakbo. Abnormal talaga. "Pasaway ka talaga, Blue Megan!" Bigla siyang huminto ng makita kami ni mom. Ngumiti naman si mom ng nakakaloko, aish, isa pa 'tong si mom sa nang aasar. "Pinag tutulungan niyo 'ko."

"Haha. Tara na nga, kumain na tayo ng breakfast." Dumeretso agad kami sa Dining Room at naabutan namin don si Dad na nakangiti din samin, aish. "Kumain lang kayo ng kumain."

Kumain nalang ako, nginingisian pa din kasi ako ng parents ko. Inaasar nanaman nila ako, aish. Kasi 'tong si Blue, bigla bigla nalang sumusulpot sa bahay parang kabute, eh. Pinagtutulungan pa talaga ako ng parents ko at ng Blue na 'to.

Dumeretso na agad ako sa taas pagka-tapos ko. Mas maganda ng maunahan ko 'tong si Blue para hindi na agad ako maasar nito. Bago pa 'ko makapasok sa kwarto, tumakbo agad si Blue sa loob non. Aish, epal talaga kahit kailan.

"Labas dito, bawal babae dito." Umakto pa siyang parang walang naririnig. "Bilis! Alis na dito."

"Heh! Ayoko nga, gusto ko kasama kita." Para siyang batang may pinag lalaban, psh ang childish talaga. "Gusto kong makipag kwentuhan sayo, kasi miss na kita. Tsaka, ang tagal na din natin hindi nag-uusap." Sambit niya. "Bilis na, magtanong ka lang."

Hays, pasaway talaga. Nagka-bestfrienf talaga ako ng ganito? Tumabi nalang ako sakanya. "Ano naman kinabi-bisihan mo ng mga nakaraang araw?" Tanong ko. "Okay kana ba ngayon?"

"Ah oo, okay na 'ko ngayon. Ako pa ba? Hahaha." Tumawa siya ng nakakaloko, psh baliw. "Nakaraang araw? Hmm, kahapon nag date na kami ni Kevin. Mabait siya tapos Gentleman, nakakatuwa naman siyang kasama." Sambit niya. "Ikaw, bakit hindi mo man lang nagawang mag reply sa mga text ko?"

Naalala ko yong nakita ko kahapon sa mall. Si Blue at si Kevin sobrang sweet at todo alalay pa nung lalaki sa bestfriend ko, akala mo naman girlfriend niya na 'to. Psh. Naaasar ako sa tuwing naaalala ko yon, ang landi nung Kevin.

Nawala ako sa iniisip ko ng kurutin ni Blue yong pisnge ko. "Aish, ano ba? Masakit ha." Tumawa lang siya. "Ano ba yong sinsabi mo?"

"Aish, wala! Ang dami ko ng sinabi tapos hindi ka pala nakikinig. Nako, masasampal na kita dyan, eh." Tumawa ulit siya, baliw talaga hays. "Nako Nathan, magpa-order ka nga ng pizza tsaka ng Donuts." Sambit niya habang tumataas taas pa yong kilay. "Please? Gutom na kasi ako, eh. Kahapon ko pa gustong kainin yon.."

"Aish, oo na." Nagpa-deliver agad ako ng dalawang box ng pizza at isang box ng donut para sa babaeng kasama ko ngayon. Matakaw talaga 'to sa pizza, eh. Ilang minuto lang dumating na agad yon at inakyat naman samin ni manang. Si Blue agad yong kumuha. "Ang takaw tlaaga." Bulong ko.

"Yey! Salamat Nathan, mahal na mahal mo talaga ako." Ang lapad ng ngiti niya na halos hindi ko na makita yong mata niya. "Hmm, ang sarap talagang kumain." May papikit pikit pa siya habang kumakain ng pizza, parang feel na feel yong lasa. "Oh nAthan, kain ka din. Bukas bibig, baby." Psh, umiwas lang ako. "Dali na, papakainin ka ni mommy. Bilis na Nathan." Mukha siyang abnormal sa itsura niya ngayon. Kumagat nalang ako sa pizza na pinapakain niya sakin. "Ayan, very good si baby." Saad niya at tumawa ng tumawa.

"Aish, saan ka ba pinaglihi ni Tita at ganyan ka ka-abnormal?" Irita kong tanong.

"Pinaglihi ako sa mga masasarap na pagkain." Nakangiting sagot niya. Para talaga siyang abnormal tuwing kumakain ng pizza, hindi ko malaman kung sinasapian ba 'to o sadyang natutuwa lang. "Wag ka ngang ganyan, alam ko naman na ang cute ko talaga kaya wag mo na 'kong tignan." Konti nalang yong laman ng isang box, at siya palang ang kumakain non. "Gusto mo pizza? Kain kana oh, masarap kamo." Sambit niya.

"Salamat nalang, busog ako." Tumabgo tango siya na nakangiti pa din, psh. "Alam mo Blue, nakakapanibago tuwing kumakain ka ng pizza. Para ka kasing babaeng walang kamuwang muwang sa mundo sa sobrang bait pero ang abnormal mo pag tinitignan." Sambit ko. Tumawa lang siya, hays siya lang kilala ko na sinabihan na nga ng abnormal natutuea pa din. "Aish, ang gulo mo talaga."

"Basta, masarap 'tong pizza."

Kumain lang siya ng kumain kaya tinitigan ko lang siya, ang cute niya talaga pag nawawala yong mata. Para siyang batang 6 years old. Nakakatuwa din pakainin 'tong si Blue kasi wala naman siyang arte sa pagkain kaya kahit saan nalang kumakain. Basta daw foods, hindi niya uurungan. Nagtataka nga lang ako dito, 'di man lang tumataba kahit napaka-lakas kumain.

"Hmm, grabe, busog na busog na talaga ako." Naubos niya yong pina-deliver ko, ang takaw talaga. "Hays, ang laki na ng tyan ko oh. Hahaha. Salamat sa pagkain, Nathan!" Nfumiti nanaman siya ng todo kaya nawalan nanaman ng mata. "Lagi mo talaga akonf binubusog. Hahaha."

"Syempre matakaw ka." Tumawa lang siya, aish. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Mamaya na, masyado pang maaga para umuwi ako. Tsaka, busog pa 'ko." Tinignan ko lang siya ng kataka taka. "Gusto ko pag umuwi ako medyo gutom na 'ko para kakain ulit ako sa bahay." Sagot niya.

Abnormal talaga.

Nakinig nalang ako ng music sa kama habang si Blue nanunuod ng Mickey Mouse. Childish pa din niya talaga, tuwang tuwa pa sa pinapanood. Psh, para akong may kasamang bata. Tinalo niya pa ang mga 12 to 13 years old dahil sa ugali niya. Napailing nalang ako habang tinitignan siya.

----------------------------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon