Chapter 7: Parents

51 4 0
                                    

[Megan's POV]

Isang linggo na yung nakalipas simula ng magkaayos kami ni Nathan. Maayos pa din naman kami tsaka nawala na din yung sakit niya. Medyo busy lang kaming pareho pero nagkakaroon pa din kami ng bonding.

Pupunta pa kami sa Airport, ngayon kasi yung uwi nila mama't papa. Gusto daw nila dito mag-celebrate ng pasko kasama ako at ang Wang family.

Lahat ng gagamitin sa lulutiin nakaayos na. Dito na din daw magpapasko sila Nathan kaya nandito din yung mga mangluluto nila. Andito din yung mga staff ng Restaurant.

Mas masaya kasi kung mas marami.

Nakabalot na din yung mga regalo ko sakanila. Kila tito't tita, mama't papa, kay Nathan, sa mga staff ng Restaurant, tsaka kila manang. Lahat ayos na, yung kay Dorries nabigay ko pa last week, sa Singapore daw kasi sila magpapasko.

Hindi ko muna nilabas yung mga regalo ko sakanila, susurpresahin ko kasi sila mamaya.

"Iha, baka daw ma-late si Nathan mamaya." Sambit ni manang.

"Lagi naman po siyang nala-late manang eh." Sambit ko. "Mas inuuna niya po kasi yung iba kaysa sakin na bestfriend niya."
Biglang ngumiti si manang ng nakakaiba. "Ano pong ngiti yan manang?"

"Yan ka nanaman, Blue." Sambit ng pamilyar na boses. "Selosa."

Nilingon ko yung nagsalita. "Selosa ka jan!" Pagtataray ko. "Bakit naman ako magseselos ha?"

"Wala." Lumapit siya sakin na may ngiti sa mukha. Ganito ba talaga pag pasko? Ang sasaya ng mga tao. "Aalis na ba tayo?"

"Oo, dadaanan pa natin yung orphanage eh." Sambit ko. "Pwede ka namang isama don diba? Hindi ka naman sensitive sa mga bata."

"Grabe ka naman. Syempre oo, ang cute kaya ng mga bata."

"Cute pala ako." Pagaarte ko.

"Ah, ilalagay ko lang yung mga regalo mo sa kotse." Sambit niya. "Sige, sunod ka nalang." Umasta pa siyang aalis na.

"Change topic ka no," bigla siyang tumawa. "Nagbibiro lang naman eh."

Nilagpasan ko na siya at kinuha yung mga regalo na dadalin sa Orphanage. Binilang ko yung mga bata at madre nung weekend kung ilan yung reregaluhan ko kaya sakto na tong mga binili ko. Ginawan ko din sila ng cupcakes at cake pandagdag sa handa nila mamayang pasko.

"Nathan," tinignan niya ko ng sandali at tumingin ulit sa harapan. "Ahm, saan magpapasko si Lian?" Tanong ko. Bigla namang kumunot yung noo niya. "Ah Nathan, walang halong asar 'to, nagtatanong lang naman ako."

"Ewan ko ba, hindi naman ako concern sa babaeng yon."

Hindi na 'ko nagsalita pa. Napansin ko kasing ayaw niyang pag-usapan si Lian. Nagtataka lang ako sakanya, maganda naman si Lian kahit papano tsaka hindi naman siguro ganun yung totoong ugali niya, baka may dahilan siya.

Sandali lang yung byahe namin papunta sa Orphanage. Hindi naman kasi ganun ka-traffic tsaka magaling sumingit 'tong si Nathan. Binaba agad namin ni Nathan yung mga regalo at yung mga pagkain na ginawa ko. Sinalubong agad kami nung mga bata at ni Mother Vivian.

"Ate Megan!" Sinalubong nila agad ako ng mga mahihigpit na yakap. "Bumalik ka talaga ate Megan." Sambit ni Carla.

"Syempre, mahal ko kayo eh." Sambit ko. "Oh, baka pinapagod niyo sila mother ha."

"Hindi po ate Megan, behave lang po kami." Sabay sabay nilang sagot. "Ate Megan, kasama niyo po si kuya Nathan. Boyfriend niyo po ba siya?"

"Haha. Hi kids!" Bati ni Nathan. Bakit kilala siya dito? Tinignan ko si Nathan at ngumiti lang siya.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon