[Megan's POV]
Nag-stay nalang kami sa hotel nila Nathan sa Tagaytay, don na din namin pinatuloy sila Mr. Punsalan at yong iba pa. Mas mahihirapan pa kasi kami kung maghahanap pa kami ng matutuluyan tulad ngayon na biglaan yong pasabi samin. Mahirap kumilos ng ganon.
Palakad lakad lang ako dito malapit sa Hotel. Gabi na din naman na kaya okay na lumabas labas ako, nakasuot din naman ako ng cap at salamin para hindi nila ako makilala. Gusto ko lang magpahangin at mag-isip ng mga bagay bagay.
Biglang may kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko agad yong ngtii niya. Nakaka-badtrip. Panira ng gabi, tch. Tinignan ko nalang siya ng masama para alam niyang ayoko siyang nakikita.
"Oh, wala pa nga akong sinasabi galit kana agad." Sambit niya. "Bakit mag-isa ka lang dito? Nasaan yong Nathan ba yon? Yong bestfriend mo."
"Wala kanag pake." Tipid kong sagot. "Tigilan mo nga ako, ayaw kitang kausap!"
"Sus, bilis na kausapin mo na ako." Pangungulit niya sakin. Nakangiti pa siya na halos mawala na yong mata niya. Psh.
"Titigil ka o titigil?!" Sigaw ko. Napatingin nalang yong mg tao. "S-sorry po."
"Ano bang nagawa ko? Gusto ka lang naman kausapin ha."
"Siguro wala kasi napahamak lang naman ako ng dalawang beses ng dahil sayo. Inatake ako ng Asthma at nabangga lang naman ng sasakyan, wala ka talagang nagawa. Walang wala nga talaga, eh."
"Ginusto ko ba yon? Pinag sabihan ko naman na si Chasey, eh. Kaya hindi na niya yon uulitin pa." Saad niya.
"Anong pake ko? Psh, napaka-arte ng girlfriend mo. Bakit ba kasi kinausap mo pa 'ko ng gabing yon? Nakakaasar kayong dalawa! Bagay na bagay kayo, psh perfect match." Sambit ko. "Isang nagm-mukhang tinik dahil sa payatot niyang katawan tapos nagm-mukhang manok dahil sa haircut mong ganyan." Umakto akong kinikilig. "Gosh."
"Hala, fashion 'tong buhok ko. Uso 'to, hindi mo ba alam yon? Psh, ang dami ngang nai-inlove sakin ngauon dahil sa new haircut ko, eh." Sagot niya. "Ang bitter mo. Hahaha. Crush mo ko no?"
"Asa ka naman." Sambit ko. "Hindi naman ako tutulad sa mga fans mong nabubulag sa haircut mong yan. Ang panget panget."
"Parang ikaw lang?"
"Oo, na mas ikaw." Iniwan ko na siya pero sinundan pa din niya ko, kaasar. "Wag mo nga akong sundan!" Sigaw ko. "Pag hindi mo ko tinigilan, isisigaw ko dito na ikaw si Darren Lim!' Hindi ko na napigilan yong sarili kong mapalakas ang boses kaya nagtinginan ang mga tao.
"Isisigaw ko din na ikaw si Megan Castillo!"
Ugh, sinigaw nga!
Pinakiramdaman ko yong mga tao at halos lahat ay teenager. Ang sama ng mararamdaman ko dito. Dahan-dahan kong inabot yong kamay ni Darren at ngumiti sa mga tao. "Takbo!" Sabay ng pag-takbo namin ang pag-takbo ng mga tao. "Ugh! Bilisan mong tumakbo!"
"Darren! Darren Lim! Megan!"
"Wah! Nagd-date sila!"
"Wah! Holding hands while running ba 'to?!"Puro ayun ang naririnig ko, nakakarindi sa tenga lalo na yong sigaw nila. Argh. Nakakainis naman kasi 'tong Darren na 'to. Halos ang lakas ng hampas ng hangin sa mukha ko, medyo malamig na nakaka-sakit.
Tumakbo kami sa lugar na madilim para hindi na nila kami makita. Sa kakatakbo namin, hindi na din kami nasundan ng mga babae. Hingal na hingal na din ako na parang mawawalan na 'ko ng hininga.
Tinignan ko si Darren at hingal na hingal din siya. Sinamaan ko siya ng tingin, napansin niya ata yon kaya medyo umatras siya. "Nakakainis ka talaga! Tignan mo 'tong ginawa mo, gumawa ka nanaman ng bagong issue! Ang malas ko sayo!" Pinaghahampas ko siya sa braso. "Nakakainis ka talagang lalaki ka! Yah!"
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.