Chapter 32: Party

22 1 3
                                    

[Megan's POV]

Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin, ang laki na pala ng pinagbago ko. Tingin ko tuloy, hindi na ako yong dating Megan. Parang bagong ako na yong ngayon.

"Megan, andyan na si Nathan." Sambit ni manang.

"Sige po manang, baba na po ako." Ngumiti muna ako sa salamin at huminga ng malalim bumaba agad ako at bumungad sakin si Nathan na gwapong gwapo sa suit niya. "Hello!" Bati ko. "Gwapo natin pre ah."

"Little things." Pagmamayabang niya. "Haha. Tara na? Baka ma-late na tayo sa Party." Inabot niya yong kamay ko at hinatid sa kotse niya.

Party pala ngayon ng mga Artist ng Shinyu. Ginawa talaga nila 'tong party para samin samin. Kasama na din ang mga staffs at iba pa. First time kong makakadalo sa party nilang ganito at buti nalang talaga kasama ko si Nathan.

Nag sign na din pala ng contract si Nathan sa Shinyu last week. Para sabay na daw kami lagi at para mabantayan niya ako. Next week, may TV Show at Magazine na agad na gagawin si Nathan. Nakakatuwa lang talaga na may hilig siya sa mga ganito.

Madali lang kaming nakadating sa Shinyu. Maraming tao kung tutuusin, may iba't ibang lights at madaming nag sasayawan. Umupo nalang muna ako sa isang tabi at si Nathan ay may kakausapin lang daw. Kahit papano naman hindi ako bored dahil nae-enjoy ko yong kanta.

Bigla nalang lumapit sakin si Sky na naka-suit din. Medyo nailang din ako dahil ngayon nalang kami nakapag usap.

"Ang ganda mo ngayon, Megan." Bati niya. "Buti naman nakadating ka sa Party na 'to."

"Ah, oo. Pinilit lang din naman ako ni Mr. Punsalan." Sagot ko. "Ahm, bakit nag-iisa ka lang?"

"Mas masaya pag alone? Haha. Hinihintay ko lang sila Kevin." Sambit niya. "Ah sige, mamaya nalang. See you around."

Kumuha nalang muna ako ng drinks kasi nauuhaw na 'ko. Nilibot ko yong mata ko at nakita ko si Dorries na nakikipag usap, napatingin naman agad siya sakin at napa-sigaw. Bigla siyang pumunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Ate Megan! Omg, ang ganda ganda mo talaga." Bungad niya. "Nakita ko na yong magazine mo, pak na pak jusko. Bumili na nga din ako Ate Megan. Hahaha."

Ang hyper niya talaga.

"Nako. Hahaha. Lakas mo mambola." Sambit ko. "Oh, nasaan pala yong kuya mo?"

Bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. "Ayie. Hahaha. Ewan ko din Ate Megan, pagala gala lang si kuya dito. Hayaan mo nalang siya, malaki naman na yon." Sagot niya. "Nasaan pala si kuya Nathan?" Bigla siyang nag-blush. "Hindi ko na siya nakikita, eh."

"Ah, nasa tabi tabi lang yon. May kinakausap, eh." Bigla siyang nag sad face. "Nako, mamaya pag nakita ko siya papalapitin ko agad siya sayo."

"Talaga Ate Megan? Wah!" Tumango naman ako at tumawa. "Ay Ate Megan, may ipapakilala pala ako sayo. Alam mo ba, itong tao na 'to ay crush ka. Hihi. Ang haba talaga ng hair mo Ate Megan!" Bigla siyang lumapit sa isang lalaki. "Tol, tol, ayan na si Ate Megan." Biglang lumingon yong lalaki.

Si Keith?

"Oy Megan, long time no see." Sambit niya.

"Hala! Magka-kilala na pala kayo? Nako, tol hindi mo naman agad sinabi. Nakakahiya tuloy." Sambit niya. "Ikaw din Ate Megan ha."

"Haha. Mag kaibigan kaya kami, Dorries. Nag-aral kami sa parehong school." Sagot ko. "Oh Keith, kamusta kana?"

"Ito, okay lang at gwapo pa din." Bigla kaming umubo ni Dorries. "Aba, pinagtutulungan niyo ko ha." Sambit niya. "Sino palang kasama mo?"

"Si Nathan, pero may kinausap kaya mag-isa muna ako ngayon." Sambit niya. Saktong bigla naman dumating si Nathan kaya nagka-tinginan silang pareho. "Ayan na pala, eh."

"Oy pre, long time no see." Nag-apir sila na astigin. "Ano, may girlfriend na ba? Haha."

"Wala pa pre. Haha. Ikaw ba pre, nakailan na ba tayo dyan?"

"Hindi na mabilang. Hahaha." Sagot naman ni Nathan.

"Out of place." Sabay naming sinabi ni Dorries.

"Ahm, teka lang ha? May kukunin lang ako sa kotse." Sambit ko. "Nathan, pahiram muna akong susi mo." Bigla niyang inabot sakin yong susi. "Salamat."

Naglakad na agad ako papunta sa parking, kukunin ko lang yong wallet ko kasi nandon yong bracelet nung lalaking tumulong sakin. Baka kasi makalimutan ko na kung ipag mamaya ko pa. Kinuha ko yong phone ko habang naglalakad ako dahil biglang may nag text, bigla nalang akong bumanga sa isang lalaki kaya nahulog yong phone naming pareho.

"Hala, kuya sorry."

Pinulot ko agad yong phone ko at phone niya. Napatingin ako sa phone niya na may keychain at nasabit na bracelet. Parehong pareho sa bracelet na nasa wallet ko, na pag mamay-ari nung lalaking tumulong sakin. BMC din, bracelet din at ganon din yong font. Kahit sa keychain ayon din ang nakalagay. Napatingin agad ako sa lalaking nakabunggo ko na nakatayo ngayon sa harap ko.

"Ikaw?" Hindi ko maisip na siya yon. "Ikaw ang may ari nito? Ikaw ang tumutulong sakin tuwing napapahamak ako? Ikaw ba?" Tanong ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Sumagot ka!" Nakatitig lang kami sa mata ng bawat isa. Hindi siya nagsasaoita ng kahit ano. "Ikaw nga?! Ha?! Sumagot ka, ano ba!"

"Darren ikaw ba?"

Hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya sakin. Hindi ko maproseso sa utak ko na siya yon. Ang hirap maniwala lalo na at wala pa naman siyang mga sagot. Ayokong mag assume or what kaya gusto ko munang lumabas mismo yon sa bibig niya. Na kung hindi man siya yon, sino? Alam kong kilala niya yon, kung hindi man talaga siya.

Hays.

"Mahirap ba 'kong sagutin, ha?"

Napatigil nalang ako ng biglang may tumakip na panyo sa ilong at bibig ko. Nakita ko din na ginawa yon kay Darren at wala na. Wala na 'kong maaninang.

Mapapahamak nanaman ba 'ko?

[Third Person's POV]

Bumaba ang binata ng makita siya ni Chasey. Ngumisi ang dalaga kaya nainis bigla ang binata. Kung iisipin mo. Ilang segundo nalang siguro sasabog na sa inis ang binata.

"Ano ba Chasey! Itigil mo na 'to, ayoko ng ginagawa mo." Sigaw ng binata. Ngumisi lang si Chasey kaya mas lalong nainis ang binata. "Hindi kita sasamahan sa plano mo."

"Para satin din 'to, little boy." Sambit ng dalaga.

"Hindi Chasey, sarili mo lang ang iniisip mo!" Diin ng binata na kinainis ng dalagang si Chasey.

"Oh c'mon, magk-kunwari ka pa bang ayaw mo sa plano ko? Haha. Simple lang naman yon, mapupunta sakin si Darren, mapupunta naman sayo ang babaeng mahal mo." Saad ng dalaga. "Simple diba?"

"Tss, wala silang gusto sa isa't isa!" Namumula na ang binata sa inis sa dalaga. "Alam ko yon."

"Paano tayo nakasisiguro? Maganda ang taong mahal mo at imposibleng magustuhan siya ni Darren. Mas maganda ng handa tayo habang maaga pa." Ngumisi nanaman ang dalaga.

"Tss, bahala ka sa buhay mo." Umalis ang binata at ang dalaga ay naiwang mag-isa.

"Pasasalamatan mo din ako sa bandang huli, little boy. Maghintay ka lang." Ngumisi nanaman ang dalaga at tumawa na para ba siyang naloloka.

---------------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon