[Dorries' POV]
Ohmygad, 18 years old na 'ko ngayon. Hala, medyo kinakabahan ako na excited. Hindi ko kasi alam nangyayari sa baba, mamaya pa 'ko baba pag makadating na lahat ng importanteng bisita. Hindi ko pa din alam yong itsura sa baba dahil sa likod ako pinadaan kaya kinakabaham talaga ako. May naka detect lang sa phone ko na Camera sa labas ng mga dumadating, wah.
"Ohmygosh! Why so pretty?!" Sigaw ko ng makita ko si Ate Megan na dumating na. "Ang ganda ganda niya hala! Kabog, pak ganern!" Ang simple niya lang. "Nakaka-inlove, gosh." Naka-red dress lang siya na parang tiger chuchu at simpleng make up. "Asdfghjkl."
Ang ganda ganda niya talaga! Kabog na kabog, hala. Sana pumasok na agad siya dito sa loob tapos puntahan ako, ang dami kasing kaartehan ng kuya ko. May pa-photographer photographer pa ang tagal pa tuloy ni Ate Megan sa baba, hays ganda kasi niya pak na pak, haha.
Ayos na yong damit ko, makeup ko tsaka yong buhok ko. Ang cute cute ko nga eh, kabog din! Nagr-relax lang ako dito habang naghihintay kay kuya na pababain na 'ko. Aba gutom na kaya ako, gusto ko ng kumain ng bake ni Ate Megan, omg ang sarap niya kayang gumawa ng Cupcakes. Hindi ako nagkamali na siya ang pinili ko, pak.
Si Mom at Dad nasa baba kinakausap mga naga-gandahang bisita ko, aha ganon! Gusto ko ng matuloy dito dahil ang lamig here, madali pa naman akong makatulog sa mga ganito, hihi. Ang tagal naman kasing mag start.
Tinignan ko ulit yong Phone ko at bumungad sakin yong malditang fiancé ng kuya ko. Psh, pakitang tao pa kahit minsan hindi ko siya magugustuhan. Ang sama ng ugali niya tapos ang arte pa, hindi pa kami nagkakasundo sa mga bagay duh. Ayoko sa mga ganon, hays nakaka-badtrip tuloy siya. Akala mo talaga ang bait eh.
Ang panget ng suot niya, parang kinuha lang sa Carpet psh. Ang ganda niya sana ang sama lang ng ugali, bakit kasi siya yong naging fiancé ng kuya ko, eh? Aish badtrip!
Biglang may kumatok sa pintuan kaya nag relax muna ako. Ayoking makita nila akong nagagalit sa babaeng pakitang tao na 'to psh. Biglang bumukas yon at niluha non si Ate Megan na ang ganda ganda.
"Omg Ate Megan!" Tumayo agad ako at niyakap siya. "Ang ganda ganda mo Ate Megan, Dyosang dyosa!" Natawa naman siya bigla, ang cute niyaa. "Wah, na-miss kita." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Fiksi RemajaAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.