Chapter 79: She's back

12 1 0
                                    

[Nathan's POV]

Halos isang araw ng walang malay si Blue simula ng operahan siya. Successful naman daw pero kinakabahan pa din ako hanggat hindi siya gumigising.

Nandito lang ako sa tabi niya habang hawak ng mahigpit ang kamay niya. Wala pa akong tulog pero wala akong pake, gusto ko pag gising palang niya makita ko na agad siyang may malay.

Hays, Blue gumising kana oh.

Pinipisil pisil ko ang kamay niya habang nakatiitg lang skaanya. Ang ganda niya pa din talaga kahit simpleng natutulog lang. Hays, hindi ko ba alam kung bakit ba ang lakas ng tama ko sa babaeng 'to.

Pangalawang beses na 'tong nangyari pero ayoko pa din siyang nakikitang ganito. Alam ko naman na hirap na hirap na siya.

Kinakabahan pa din talaga ako pag ganito siya. Iniisip ko na baka mawala siya sakin at ayokong mangyari yon. Tanggap ko naman na hanggang bestfriend nalang kami pero ayoko pa din siyang mawala sakin sa ganitong paraan.

Mahal kita, Blue. Kahit na anong mangyari, asahan mo akong nandito lang para sayo.

Napabuntong hininga nalang ako. Miss ko na 'tong pusang 'to.

"Hoy Blue. Gumising kana. Pang ilang beses mo na yan na nagf-feeling kang si sleeping beauty? Aish, bumangon kana. Mag iikot pa tayo dito sa New York oh." Salita lang ako ng salita kahit wala namang sasagot sakin.

"Hoy pusa, miss na miss na kita. Ang panget mo talaga, bumangon kana." Sinundot sundot ko pa yong tagiliran niya nagbabaka sakaling magising siya sa kiliti.

Aish!

Mag isa lang ako ditong nagb-bantay sakanya. Sila tito at tita kasi kakausapin daw yong doctor ni Blue. Si Shnna at Zach naman bumili ng pagkain para saming lahat pero wala pa din akong gana. Paano ba naman? Itong lakas ko, natutulog pa sa harap ko.

Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad yon. Si Allysa.

"Hello." Sambit ko. Hawak ko ang phone sa kaliwang kamay ko at yong kanang kamay ko naman nakahawak lang sa kamay ni Blue.
["Kamusta na dyan? Okay na ba siya?"] Tanong agad ni Allysa sa kabilang linya.

"Uh, hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon." Sagot ko.

Narinig ko nanaman silang bumuntong hininga. ["Ah, hehe. Magigising yan si Megs, malakas siya eh."] Napailing nalang ako dahil alam kong pinipigilan niya lang umiyak. ["O-osige na. Nandito na si Kevin, eh. Baka makahalata pa 'to. Balitaan mo nalang ako mamaya."] In-end na niya yong call.

Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa din siya nagigising. Argh, mababaliw na ata ako.

Naglakad lakad muna ako dito sa kwarto niya. Aish, wala akong magawa. Walang Blue Megan na nangungulit sakin ngayon. Hindi ako sanay.

Halos huminto ang oras at pati ang galaw ko ng makita kong gumalaw ang kamay niya. Dahan dahan siyang dumilat na kinagulat ko. Gising na siya.. Gising na siya! Lumspit agad ako sa kama at kasabay non ang pag upo niya.

"B-blue? Kamusta kana? Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sayo? Ano?" Alalang alala kong tanong.

Nakatingin lang siya sakin ng naka straight face. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Tinitignan niya ako ng paulit ulit mula ulo hanggang paa. Ngayon, nakatingin na siya sakin sa mata.

Napatakip siya bigla sa bibig niya. "N-nathan? Ikaw na ba yan? Pero paano? P-parang kahapon lang ang liit liit mo pa tapos natulog lang ako ganyan kana." Ha, anong pinag sasabi nito? Kakagiaing lang may trip na agad.

Napatakip ako ng mata ng hawakan niya yong dibdib niya pero binitawan niya agad. Tumingin siya sakin na parang gulat na gulat sa kung anong meron man.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon