Chapter 33: Pain

15 1 2
                                    

[Megan's POV]

Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa pisnge ko. Pagka-mulat ko nakita ko agad ang sarili ko sa salamin sa harapan ko, nakatali sa poste at may hiwa sa psinge. Ang hapdi, sobra. Ayaw tumigil ng dugo na parang ngayon pa lang ginalusan.
Naiiyak ako sa lagay ko ngayon, nanghihina na din ako dahil sa dugo sa mukha ko ngayon. Feeling ko mauubusan na agad ako ng dugo.

"Nasaan ako?"

Biglang may pumasok na mga lalaki sa abandunadong school na 'to. "Oh, gising na pala ang prinsesa." Nilapitan niya ako at hinawakan ang pisnge ko kung saan ako may hiwa. "Kawawang prinsesa, hindi mailigtas ligtas ng kanyang prinsepe." Bigla silang nagtawanan. "Ano magandang prinsesa, may magliligtas ba sayo?" Tanong niya. "Mamamatay kana dito."

Kahit naghahapdi ang sugat ko dahil sa paghawak niya, naglakas loob pa din akong duraan siya sa mukha. "Wag kang mag-matapang." Saad ko.

Napapikit siya ng sandali at ng dumilat siya tinignan na niya ko ng masama. Bigla niya kong sinampal sa pisnge kong may sugat. Mas lalong humapdi yong sugat ko, hindi ko alam pero parang maiiyak na talaga ako. Ang hapdi hapdi niya. "Umayos ka, Megan. Siguradong mauubusan ka ng dugo dito." Sambit niya. "Ipasok niyo na yong isa."

Pinasok ng mga lalaki si Darren na nakatali din pero walang kagalos galos. Tinulak agad nila 'to sa sahig. Nakita ko nanaman yong tingin ni Darren na naiinis. "Tumigil na kayo! Wag niyong saktan si Megan! Babae yan!" Sigaw niya. "Pwedeng ako nalang!"

"May lalanggamin ata dito mga pare, haha." Sagot nung lalaki. "Si Megan lang ang pwedeng saktan dito. Wag ka ng umangal, wala ka namang magagawa eh. Mahina ka."

"Paanong makakalaban? Eh, tinali niyo psh." Bigla niya agad akong tinignan ng masama. "Baka kayo yong mahina, haha. Natatakot ba kayo na matalo kayo ni Darren? Psh, kawawa naman kayo." Sambit ko. "Mga bakla."

Sinampal nanaman niya ko, mas sumakit nanaman yong pisnge ko pero hindi ko pinakita sakanila yon.

"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo, Megan." Sa lagay niya ngayon parang inis na inis na siya. "Sinasabi ko sayo, ikaw ang mas kawawa dito."

"Eh, malamang sinasaktan niyo ko." Tinarayan ko lang sila. "Alam niyo ba? Mga bakla lang kaya ang nananakit sa babae tsaka nagtatali sa lalaking pwede kayong matalo. Duh, nakakababa sa sarili." Sambit ko. "Oh baka naman may gusto kayo kay Darren? Hahahaa-ha." Tumawa lang ako ng tumawa. Bigla niya agad akong sinuntok sa tyan, napayuko agad ako dahil sa sakit. "Mga bakla!"

"Sinong bakla ha?" Inuntog naman niya ko sa poste kung saan ako nakatali, nakalog bigla yong ulo. Ang sakit. "Wag mo kong pikunin ha."

"Hindi ka pa ba napipikon sa lagay na yan?" Bulong ko.

"Megan, tama na. Wag mo na siyang patulan." Napatingin agad ako kay Darren, parang alalang alala siya sakin sa mga tingin niya palang. "Baka mas masaktan ka pa, tama na.."

"Wag mo kong isipin Darren, pake ko ba sa lalaking 'to? Psh, mas babae pa nga ata 'to sakin eh." Sinampal nanaman ako nung lalaki. Ang sakit sakit na ng pisnge ko, nakaramdam ako bigla ng dugo sa gilid ng labi ko. "Aba babae o pusong babae lang ang madalas manampal. Nakailan kana ha, nako, bakla ka talaga girl." Sambit ko. "Oy mga lalaki, bakla pala 'tong tropa niyo eh."

Biglang nag tinginan yong mga lalaki. Tinignan ko yong lalaki at nginisian. Namumula na siya sa inis sakin na parang kamatis, kinuha niya agad yong tubo sa tabi niya at tumayo. "Ayaw mong manahimik ah." Bigla niya kong hinampas ng tubo sa ulo, napayuko agad ako sa sobrang sakit. "Ano, magsalita ka pa! Maldita ka diba? Haha." Hinampas nanaman niya 'ko ng tubo pero mas malakas na.

Hindi ko na din napigilan na umiyak, hindi ko na ata kaya. Ang sakit sakit na ng katawan ko, buong katawan. Para akong ginigiling na buhay, naawa na din ako sa sarili ko ngayon. Bakit ko ba kasi kailangan maranasan 'to? Wala naman akong inaway o ano ah. Bakit nagkaka-ganito  ako ngayon?

Tinignan ko yong lalaki at hahampasin na niya ulit ako ng tubo kaya napayuko nalang ako, natatakot na 'ko. Wala naman magagawa ang pagt-taray ko. Napapikit nalang ako at umiyak, hindi ko na alam ang mangyayari sakin pagka-tapos ng gabing 'to. Baka siguro oras ko na. May mga dugo na din sa ulo ko na tumutulo sa damit ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang tumama o dumaplis sakin na tubo. Dahan-dahan kong minulat yong mata ko at nakita kong si Darren na ngayon ang nakatayo na may hawak na tubo at yong mga lalaki naman yong nakahiga at walang malay.

"Sabi ko sa inyo, tumigil na kayo. Ayaw niyong makinig, eh. Psh." Bigla niyang binitawan yong tubong hawak niya at lumapit sakin. "Megan, kaya mo pa ba? Megan, wag kang matutulog ha. Wag muna, dadalhin kita sa Hospital." Pumunta siya sa likudan ko at tinanggal yong tali sakin. "Megan, makinig ka sakin, wag ka munang matutulog."

"D-darren. Hi-hindi ko na ata ka-k-kaya." Wala na kong lakas para makapagsalita ng malakas, tanging bulong nalang ang kaya ko. "Da-darren, mamamatay na siguro ako."

"Ssh Megan, wag kang magsalita ng ganyan. Hindi mo pa oras." Hinawakan niya yong mukha ko para mapatingin sakanya. "Megan, aalis ma tayo dito."

Dahan-dahan niya kong binuhat na parang bagong kasal, hindi nalang ako umangal dahil wala na talaga akong lakas. Lumabas kami sa abandonadong school na yon at pumara nalang ng taxi. Tarantang taranta siya na para bang masisiraan na siya ng ulo, nakikita ko sakanya kung gaano siya nag aalala at naa-appreciate ko naman yon. Kahit hinang hina na 'ko, mugtong mugto ang mata, at duguan napangiti nalang ako dahil may nag aalala sakin ng ganito ngayon.

"Megan, kaya mo pa naman diba? Malapit naman na tayo sa Hospital, eh. Wag ka munang pipikit ha, bawal. Kaya mo yan, Megan. Wag kang susuko, alam kong kaya mo yan. Diba masungit ka tapos matapang dapat malakas ka din."

"Para kang batang nagsasalita sakin..." Napangiti nalang ako. "Wag mo na kong isipin."

"Manahimik ka na nga lang, aish. Basta, pupunta na tayong Hospital." Sagot niya.

Pagka-dating namin sa Hospital, inasikaso na agad ako ng mga nurse. Alalang alala pa din si Darren, hindi pa din siya mataranta hanggang ngayon. Medyo nang lalabo na din yong paningin ko dahil sa sakit ng ulo ko. Pulang pula na din ang damit ko dahil sa dugo, awang awa na talaga ako sa sarili ko. Bago ako ipasok sa ER, nagpa-hingo muna ako kay Darren.

"Wag ka ng mag-alala sakin, salamat Darren.." Tuluyan ng lumabo yong paningin ko.

---------------------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon