Chapter 75: Stay

21 1 0
                                    

[Darren's POV]

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock sa side table ko. Argh, ang lakas lakas katabi ko lang naman.

Tch, pasalamat ka alarm clock maganda panaginip ko haha.

Umupo ako sa kama ko at nag inat. Hindi ko maiwasan ngumiti, hanggang sa panaginip ko nandon si Megan. Hinalikan niya daw ako at sobrang ramdam ko yong labi niya. Uh, parang totoo. Pero parang umiiyak siya sa panaginip ko dahil may tumulong mga luha sa mukha ko. Hm, hayaan na nga. Panaginip lang naman yon.

Bumungad agad sakin ang madaming pagkain sa lamesa. Hm, mukhang masasarap 'to ah haha. Nag toothbrush muna ako at naghilamos bago kumain. Oh god, ang dami ng niluto ni Megan.

Lahat ng pagkain nilagay ko sa plato ko lalo na yong fried rice. Hm, ito ang pinaka gusto ko sa luto niya. Ang fried rice haha. Hm, walang pinag babago ang sarap. Hindi pa din talaga nakakasawa, mas nagugutom lang ako pag kumakain ako ng fried rice niya. Kumain lang ako ng kumain, ninanamnam ko yong sarap ng luto niya hahaha. Ugh, ang galing niyang magluto.

Napatingin ako sa isang cake. Sa isang chocolate cake! Damn, gumawa pa siya nito. Napangiti agad ako ng mabasa yong nakasulat sa cake, ang seeet talaga niya kahit kailan. Walang kupas. Nag slice na agad ako ng cake at kumain. Hm, yong tamang tamis ng cake na gusto ko. Kuhsng kuha niya pa din.

Napakaswerte ko sakanya. Hindi lang siya basta maganda, magaling pa sa lahat.

Teka, nasaan nga pala yong babaeng yon? Bakit wala man lang akong marinig na ingay niya? Hm. Mahanap nga.

Pumunta ako sa kwarto niya para tignan siya pero wala naman. Malinis lang ang kwarto niya at walang kalat. Tinignan ko din sa mga banyo pero wala siya. Nasaan na yon? Hindi kaya pinuntahan niya sila tita? Baka don natulog. Uh, oo tama. Wala naman ibang pupuntahan yon bukod sakanila o kaya sa puso ko haha.

Matawagan nga.

Dumeretso ako sa kwarto ko para kunin ang phone ko pero may biglang may umagaw ng atensyon ko. Ano 'tong mga 'to? Alam ko binibigyan lang ng mga babae ang lalaki pag monthsary o anniversary nila diba? Kakatapos lang naman namin ni Megan pero bakit meron nito dito?

Pft nag effort pa siyang gumawa nito sakin hahaha. Eh siya lang naan ayos na ko. Hindi ko ns kailangan ng ganito pa, pero pinsg hirapan ng girlfriend ko 'to kaya naaappreciate ko.

Kinuha ko agad yong papel. Ito muna babasahin ko hahaha. Bago ko pa buksan yong papel may napansin akong kakaiba sa kamay ko. Bracelet? Tinignan ko yon at may nakita akong engraved na Megan. Pft, pati ito. Damn, ang sweet talaga niya.

Dear hubby,

Good morning hubby ko. Alam ko ngayon hinahanap mo na ako pero sana wag mo ng ituloy. Oo, wag na Darren. Mapapagod kalang at ayokong mangyari yon. Ayokong hanapin mo ako. Ayokong mag aksaya ka pa ng oras sakin. Darren, mahal ko, sorry kung ginawa ko 'to. Para satin 'tong ginagawa ko. Wag mo sanang isipin na ginagawa ko 'to dahil hindi na kita mahal. Kung alam mo lang Darren, sobra sobra ang pagmamahal ko sayo pero kinakailangan ko talaga 'tong gawin eh. Hindi lang para sakin kun'di para sating dalawa. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako pero sana makahanap ka ng kapalit ko. Ayokong ako ang mahalin mo. Ayokong hintayin mo. Ayokong umasa ka na babalik ako sayo. Darren, mahal ko, mahal na mahal kita. Gusto kong maging masaya ka kahit hindi na sakin. Oo Darren, tinutulak na kita sa iba. Ito ang gusto ko Darren, gusto ko maging masaya ka. Please, wag na ako. Ayokong ikulang ka sakin. Hindi kita masisi kung magagalit ka sakin, mahal ko. Pero sana lagi mong tandaan na mahal na mahal kita at ikaw lang ang laman ng puso ko. Sana maintindihan mo ako, mahal ko. Sana mapatawad mo ako mahal ko. Paalam.

-Megan

Halos malukot na ng kamay ko yong papel. Hidni ko maintindihan, basta ang alam ko lang galit ako. Galit na galit. Napasuntok ako sa pader sa harap ko. Hindi ko na napigilan umiyak sa nabasa kong sulat niya. Napaupo nalang ako sa sahig at napasabunot sa sarili ko.

Anong nangyayari? Bakit niya yon sinulat? Bakit niya ako iniwan? Damn! Saan ako nagkulang, Megan!? Bakit niya ako tinutulak sa iba? Hindi niya ba alam na hindi ganon kadali na ipagpalit siya? Pero letche bakit niya ako ginaganito!?

Dinayal ko ang number niya pero hindi siya matawagan. Sarado yong phone niya. Napasuntok nanaman ako s apader sa inis. Kahit dumudugo na ang kamay ko wala akong pake. Siya ang iniisip ko!

Alam ko wala naman kaming problema. Ayos lang kami kagabi ah. Pero bakit ganito na ngayon? Ano bang rason niya? Para samin? Haha anong para samin dito? Letche para samin 'tong sakit ng nararamdaman ko? Loko ba.

Dumeretso ako sa kusina at nagwala. Wala na akong pake kung mabasag man lahat ng gamit dito. Ano pa bang silbi nito? Tch. Binato ko ang mga plato at mangkok dito pati na din mga baso. Wala akong pake sa mga katabi kong condo. Wala silang pake. Ako naman may ari nito.

"Megan!" Sigaw ko. Pinagbabato ko ang mga gamit dito sa kahit anong parte ng bahay. Mabasag na kung mabasag. Bwiset wala ng silbi 'tong condo na 'to! Wala naman na siya!

Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya napatigil ako. Siya na kaya yon? "Sir, ano po bang nangyayari?"

"Argh!" Nabato ko ang isang vase sa gilid ko ng marinig kong hindi siya yon.

Kinuha ko ang isang wine sa ref at ininom agad yon sa bote. Mamatay na kung mamatay, wala akong pakialam. "Megan!" Sigaw ko. Hindi ko mapigilan umiyak, hindi ko kayang wala siya.

Mahal na mahal ko siya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'to ng biglaan. Napasuntok nalang ako sa lamesang nasa harap ko ng hindi siya ang nakita ko. Si Dorries ang nandito.

"Ghad. Kuya! Anong nangyayari?" Lumapit siya sakin na puno ng pag aalala yong mata niya. Hindi ko lang siya pinansin. "Hala kuya! Dumudugo ang kamay mo!" Sambit niya at kinuha ang kamay ko na naliligo na sa dugo.

"Tch, bitawan mo ko. Hayaan mo 'tong kamay ko." Inilayo ko skaanya ang kamay ko at uminom nanaman. Gusto kong magpakalasing. Ito lang makakatulong sakin.

May dumating na nurse at lumapit sakin. "Sir, amina po ang kamay niyo. Gagamutin ko po." Sambit niya. Tinignan ko naman agad siya ng masama, kita ko ang takot sa mata niya.

Tch, ang lakas mong kausapin ako ngayon.

"Kuya, ipagamot mo naan yang kamay mo oh." Singit ni Dorries. Nabato ko ang basong nasa harap ko kaya napa atras silang parwho.

"Iwan niyo na ako! Hindi ko kayo kailangan! Hindi kayo ang kailangan ko!" Sigaw ko. "Si Megan! Siya! Siya ang kailangan ko.." Sinipa ko ang lamesa sa harap ko.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kakayanin na wala siya sa buhay ko. Hindi ko inasahan na dadating kami sa ganitong sitwasyon.

Ayoko ng mabuhay pa kung wala naman na siya sakin. Wala ng silbi ang buhay ko kung wala na ang babaeng mahal ko. Siya lang ang gusto ko, siya lang ang buhay ko. Ngayon na wala na siya, hindi ko na alam kung saan pa ba pupunta 'tong buhay ko.

Bakit pa ako tatayong buhay kung wala naman na ang rason para harapin ko ang mga umaga? Siya lang ang buhay ko, wala ng iba. Siya lang ang kailangan ko. Siya lang ang gusto ko.

Megan, mahal na mahal kita. Bumalik kana sakin please.

------------
Vote and comments are really appreciated, thankyou! Enjoy reading, iloveyoooou!

Last 7chapters.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon