Chapter 50: Let go

21 1 2
                                    

[Kevin's POV]

"Hahaha. Laughtrip talaga yong mga movie kanina." 

Tawa pa din ako ng tawa ngayon. Tinignan ko si Megan at tumawa din siya pero alam kong hindi siya masaya. Dahan-dahan kong binitawan yong kamay niya, tinignan niya ko ng parang nagtataka kaya nginitian ko nalang siya. 

"May problema ba, Kevin?" Tanong niya. 

Nginitian ko lang ulit siya. "Umamin na si Darren no?" Napatigil siya bigla. Haha, para talaga siyang bata. 

"Hala, alam mo yon Kevin?" Tumango lang ako sakanya. "Ah, ako nalang pala ang huling naka-alam non." Sambit niya. "Sorry Kevin ha, hindi ko alam na alam mo pala yong tungkol don." 

"Haha. Ako pa ba, kaibigan ko yong lokong yon kaya alam ko na gustong gusto ka niya." 

High School palang kami napatunayan na naming gusto ka talaga ni Darren. Nung una, inisip namin na baka may ibang pinagkaka-abalahan si Darren pero nung sinundan namin siya iba na agad yong pumasok sa isip namin ni Sky. 

Tuwing pagtapos ng classes at pag may free time si Darren sinusundan namin siya. Madalas namin siyang nakikita na naka-silip sa Garden at Practice Room, akala namin namboboso yon pala may sinusulyapan at si Megan lang naman yon. Minsan lang naging ganon si Darren at sa isang babae lang yon. 

Sa tagal naming pag sunod sunod kay Darren, nakita na namin yong mga changes niya. Kaya tama nga ako non na change is coming simula ng makilala ka niya. 

Siya din yong gumagawa ng mga banners na makikita mo pag nagp-perform kayo, pinapahawak niya lang sa mga ibang estudyante para full support daw sayo tapos babayaran nalang niya dahil hindi naman niya kayang magpaka-fanboy sayo. Makikita mo nalang yong kwarto niya puro craft papers tapos banners para sayo, noon. 

Nung birthday mo, pinarada niya yong sasakyan niya sa harap ng bahay mo at don natulog hanggang sa malaman niyang masaya yong celebration ng birthday mo.

Ang totoo non, si Darren talaga yong nagligtas nung may nagbabalak ng masama sayo. Siya din yong nagligtas sayo nung muntikan ka ng mabagsakan sa parking ng Shinyu. Siya din yong nagpadala ng box ng chocolates sayo sa tagaytay at siya talaga yong may ari ng Bracelet at phone na nakita mo non. 

Sinabi ko lang na ako yon kasi inakala ko na magr-reklamo siya na ako yong umako ng mga ginawa niyang efforts para sayo. Noon palang gusto ko ng umamin siya sayo kaso wala, eh. Torpe talaga si Darren kaya pinanindigan niya ng ako yong umako ng mga ginawa niya. 

Lahat ng yon plano ko lang para paaminin siya, kasabwat ko na din si Sky dito pero wala talaga. Natatalo ng katorpehan si Darren kaya ito ngayon ang nangyayari. 

Nakatulala lang siya habang naka-nganga. Hahaha. Ang cute niya talaga. 

"Hala. Weh? Seryoso ka ba dyan, Kevin?" Tumango ulit ako sakanya. "Hindi ko maintindihan, ang gulo." 

Ginulo ko yong buhok niya. "Basta ang alam mo ngayon, si Darren ang Prince Charming mo at hindi ako." Sambit ko. Nakatulala pa din siya na parang hindi ma-proseso ng mabuti sa utak niya. "Ano naman sinagot mo nung umamin siya sayo?" 

"Wala..." Biglang lumungkot yong mukha niya. "Hindi ko naman kasi alam yong sasabihin ko o gagawinko. Alangan naman na sabihin kong gusto ko din siya diba? Eh, hindi ko naman masasabi yon kasi walang kasiguraduhan." Sagot niya. 

Napangiti nalang ako. 

"Eh, may nakakatuwa ba sa sinabi ko at nakangiti ka dyan?" 

"Hahaha. Wala, kahit ano kasing gawin mo ang cute mo pa din." Napatingin agad siya sa baba na parang nahihiya. Haha, ang cute talaga ng babaeng 'to. 

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. 

"Siya yong gusto mo, Megan." Napatingin agad siya sakin na parang nagtataka. "Siya at hindi ako." 

"H-ha? Paano mo nasabi yon, nababasa mo ba yong puso ko? Buti ka pa kung ganon, ako kasi hindi." Parang bata 'to sa kakyutan. 

"Alam ko yong nasa isip mo. Crush mo ako at hindi ka sigurado kay Darren. Haha." 

"Hala. Alam mong crush kita? Wala naman akong pinag sabihan non ah." Napakamot batok nalang siya sa parang nahihiya nanaman sakin. "May lahing mang huhula ka ba? Nababasa mo mga nasa utak ko, eh." 

"Pareho talaga kayo ni Darren, manhid. Hahaha." 

Hindi ka naman kasi plastik para maging magaling magtago ng nararamdaman. 

"Oo na, hindi ako sigurado kay Darren.." 

"Kahit baliktadin man ang mundo, kayo pa din ni Darren pagtatag-puin. Crush mo lang ako pero si Darren talaga yong gusto mo." sambit ko. 

"Bawal bang dalawa nalang kayo? Ayoko kasing may taong may masaktan dahil sakin.." Kahit kailan talaga, mabait si Megan. 

"Hahaha. Isa lang dapat," Sambit ko. "Isa lang puso mo, eh." 

Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. "Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo, hindi kita iiwan Megan. Ang mahalaga ngayon, alam mo na yong dapat mong gawin. Si Darren talaga ang para sayo, kayo ang tinadhana ng lokong yon. Hahaha." Sambit ko. "Sige na, puntahan mo na ang dapat mong kausapin." 

"Salamat sa lahat, Kevin." Nginitian niya ako at ganon din ako. "Babalitan nalang kita ha." Tumakbo agad siya palayo sakin at sumakay sa isang taxi. 

Sa tagal ko ng kasama si Megan, nakilala ko na siya ng lubos at walang mali sakanya para gustuhin. Kaya hindi nalang din ako nagtataka kung bakit maraming nagkakandarapa sakanya. 

Oo, gusto ko siya pero ako pa din yong dapat magparaya. Sila ni Darren ang para sa isa't isa tsaka yong unggoy na yon yong nauna sakanya kaya ayokong agawan. Lahat lang naman ng yon para kay Darren dahil napaka-torpe non. 

Kailangan ko nalang munang alisin si Megan sa puso ko para mahanap ko na talaga yong babaeng para sakin. Pag handa na ako, dadating tayo dyan. 

Ito na siguro yong huling araw na aangkinin ko si Megan dahil ngayon alam na niya kung sino ba dapat piliin. Kakalimutan nalang muna kita Megan habang hindi pa malala 'tong nararamdaman ko. 

Gusto kita pero kailangan na kitang palayain sa puso ko. 

Paalam Megan, sana maging masaya kayo. 

--------------------------

Vote and Comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading, loveyah all. 



Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon