Chapter 80: New life

15 1 0
                                        

[Megan's POV]

It's been two weeks. Dalawang linggo na simula ng lumabas ako sa Hospital.

Pag gising ko talaga wala akong maalala sa mga nangyari at ayoko na din alamin kung ano yon. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan.

Masaya na ako ngayon, bakit pa kailangan balikan ang dati diba?

Masaya na ako sa buhay ko ngayon dito sa New York. Kasama ko ang parents ko, si Shanna, sila Zach at tito at tita pati na din si Nathan. Sila lang ayos na ako. Sobra sobra na ang natatanggap kong pagmamahal sa kanila feeling ko nga nabuo na ako ng pagamamhal na yon.

Kung masaya man o malungkot ang nakaraan ko, ayoko na talaga yong balikan. Hindi sa takot o ano. Wala lang talaga akong nararamdaman na gusto kong alamin yon. Parang wala akong pake, ganon.

Kung dumating man ang araw na maalala ko ang lahat, hindi ko sila sisisihin. Dahil ginusto ko 'to, ginusto 'to ng sarili ko. Ang mahalaga na sakin ay yong ngayon.

Goodbye to the old me.

Nakatingin lang ako kay Nathan habang nagd-drive siya. Hihi ang cute niya. Hindi ko ba alam pero nung pag gising ko palang gwapong gwapo na ako kay Nathan. Para akong nakakita ng artista nung mga panahon na yon hehe. Ang gwapo niya.

Kanina ko pa napapansin na parang hindi mapakali si Nathan. Galaw siya ng galaw na parang may kung anong sumusundot sakanya tapos pinag papawisan pa siya kahit na ang lamig naman dito sa loob ng kotse. Ano kayang nangyayari dito? Napanguso nalang ako at nag isip. Baka naman nal-lbm siya? Ah oo tama tama. Baka nga ganon hihi.

"Nathan, pwede mo naman itabi ang sasakyan sa isang gasoline station para maging okay kana." Sambit ko. Bigla namang kunot ang noo niya. Hala? Hindi ba magandang idea ang sinabi ko?

"Ha?"

"Eh diba nal-lbm ka? Kaya ka nga pinag papawisan dyan at hindi mapakali, eh." Sagot ko. Bigla naman napalitan yong ekspresyon niya. Bigla siyang tumawa ng malakas. Hala. Ano bang mali? "Bakit ka tumatawa? Tama naman yong sinabi ko ah." Dagdag ko pa.

"Hahahahahahaha."

"Hoy! Nababaliw kana?" Sabat ko.

"Hahahahahahaha."

Hala!? Nababaliw na ata 'tong si Nathan. Lagot lagot. Nakakabaliw ba yong sinabi ko!? Wah! Lagot ako kay tito at tita nito pag nalaman nilang nabaliw si Nathan sa sinabi ko. Wah!

"Hahahahahaha. Manahimik kana lang dyan okay?" Sambit niya. Tumango nalang ako at sinunod yong sinabi niya pero hindi ko pa din inaalis yong tingin ko sakanya.

Ohmygosh, ang gwapo.

Ay oo nga pala. Totoo kaya yong sinabi niya na madami akong pictures niya? Hihi natutuwa kasi ako simula ng marinig ko yon sakanya. Bakit kaya ako may pictures sakanya? Crush niya kaya ako? Hahahaha. Oh baka naman.. Wah! Wag naman sanang gusto niya akong ipakulam!? Napailing nalang ako sa naisip ko. Erase erase. Hindi naman niya yon magagawa sakin hehe.

"Anong iniisip mo?" Umiling nalang ako sakanya hehe.

Ito na! Nakadating na din kami sa pupuntahan namin. Sa wakas nakadating na din kami! Kanina pa ako gutom, eh. Hahahaha. Nandito na kami sa Chinatown! Dito ko talaga muna gustong pumunta kasi madaming Chinese foods hehe.

Naghanap muna ng pagp-parkan 'tong si Nathan ng kotse. Ang dami kasing tao dito jusko, buti nalang talaga hindi mainit ngayon kaya hindi hassle.

"Tara na bilis."

Hinila ko agad si Nathan ng nakapag park na siya ng kotse. Gutom na gutom na kasi ako. Tapos amoy na amoy pa dito sa Chinatown yong mga pagkain. Ang dami naman kasing kainan dito grabe. Hindi ko pa mahanap yong gusto kong kainan. Nag search pa ako kagabi ng masarap kainan dito sa Chinatown pero tingin ko naman lahat ng pagkain dito masasarap.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon