[Megan's POV]
Literal akong napanganga ng makita ko siya. Jusko. Nababaliw na ba siya? Ano ba 'tong ginagawa niya? Hays.
Bakit ganon ang suot niya? Nahihibang na ba siya?
Hindi ko alam kung totoo ba 'tong nakikita ko. Si Darren, naka-snow white na damit? Jusko. Kung panaginip lang po 'to. Gisingin niyo na ako. Ang mga fans ay sobrang kinikilig kay Darren. Ewan ko ba. Pero ang cute niya pa ding tignan.
Umubo ubo muna siya at ngumiti sa mga fans. Nakatingin lang ako sakanya at tinitgnan ang ginagawa niya.
"Ah, hello. Ang kantang 'to ay para kay Blue Megan Castillo. Alam kong naririnig mo ako kaya sana pakinggan mo ang kantang 'to, Megan ko." Sambit niya habang nakatingin sa mga fans at hindi tumitingin sakin. Aish, andito lang naman ako oh.
Biglang tumugtog ang It Girl ni Jason Derulo. Jusko. Ang ganda ng boses niya. Kahit ayoko siyang tignan, agaw pansin pa din ang maganda niyang boses. Nakatitig lang ako sakanya habang kumakanta. Ang sarap sa tenga ng boses niya. Parang dumadaloy sa mga ugat ugat ko ang kada lyrics na sinasabi niya. Wah, nababaliw na ako Darren! Binabaliw mo ako!
Pagtapos niyang kumanta tumingin siya sakin ng nakangiti at kumindat. Naagaw ko tuloy ang mga atensyon ng mga fans na ngayon ay kinikilig kay Darren.
Sorry, sa akin pa din si Darren.
Nagulat ako ng biglang may nag play na video gamit ang projector sa screen. Hala? Ano 'to? Lumabas na agad ang mga pictures naming magkasama ni Darren at mga stolen pictures ko. Background song pa non ay Give me one more Chance ni Derrick Monesterio. Nagbubulungan tuloy yong mga fans nila. Nilalait ba nila ako? Grabe, ano ba 'tong ginagawa niya? Suhol dahil nakipag kiss siya? Ha? Tch.
Akala niya ba makakalimutan ko agad yon? No hindi, kahit anniversary pa namin ngayon.
Still, Happy one year of love Darren.
"I have a girlfriend, her name is Megan." Sambit niya. "She's childish and a bit loud specially when she's mad." Medyo natawa pa siya sa sinabi niya.
Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ba 'to ginagawa sa harap ng mga fans niya? Alam kong hindi siya showy kaya nakakapag taka ng ginagawa niya.
"She may not be the most beautiful girl in this world but she's the only one who makes my world beautiful."
Tumitig siya sakin na kinalambot ng mga tuhod ko. Ang hirap magpigil na ayaw ko ang ginagawa niya dahil ideny ko man, sobra akong kinikilig sakanya. Feeling ko tuloy namumula na ang mukha ko. Patuloy lang na may tumugtugtog na love songs habang nag sasalita siya.
Nakatitig lang ako sakanya. Jusko, eye to eye 'to!
"Your beauty got my attention, but your personality got my heart." Sambit niya. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. "I'm so happy you're mine."
Biglang may nag pop up sa stage na malaking box galing sa baba kaya nagtilian at naghiyawan na ang mga fans. Sobrsng ki ikilig sila sa nangyayari ngayon.
"Megan ko, pwede mo bang buksan ang box na yan para sakin?"
Nakatitig siyang nakangiti sakin. Tumango naman ako na mas kinalapad ng ngiti niya. Naglakad ako palapit sa boc para buksan, nang nasa tapat na ako ng box tumingin ako kay Darren na hanggang ngayon pala ay nakatingin pa din sakin. Dahan dahan kong binuksan yong box at may lumabas ditong mga lobo. Light pink balloons ang bumungad sa akin. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita ko, hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Hinalungkat ko pa ang mga laman ng box at may nakita akong pink envelope din. Kinuha ko agad yon at kinuha ang laman. Mas napatakip ako sa bibig ng mabasa ko ang nasa loob nito.
'I want to be with you, forever and always.'
Tumingin ako sakanya at ngumiti. Inisang tabi ko muna yong nangyari noon, ang mahalaga yong ngayon. Ngayon na masaya kami. Nang gigilid na ang luha ko dahil sa saya. Hindi ko ba alam pero naiiyak ako sakanya.
Naglakad siya papalapit sakin, tawa iyak ang nagagawa ko dahil sa itsura niyang snow white. Lumapit siya sakin na may malapad pa ding ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko na din naiwasan na mapangiti.
"Stop crying, babygirl. I'm here. Happy first anniversary." Pinahid ng mga daliri niya ang luhang pumapatak sa pisnge ko.
"Happy anniversary din, Darren. Hindi ko akalain na gagawin mo 'to para lang sakin." Hindi ko mapigilan ngumiti dahil siya ang lalaking mahal ko.
"Importante ang araw na 'to sakin at satin, Megan ko." Ngumiti nanaman siya. Yong ngiti na mas nagpapahulog pa sakin. Bigla akong kinabahan na ewan.
"Ha, bakit?"
"Noon hindi ako naniniwala sa Destiny o happily ever after, sabi ko pa sa sarili ko kalokohan lang ang lahat na pinaniniwalaan nila. Pero ng makilala kita damn, nagbago ang lahat ng yon. You're my Queen, and I want to be your King."
Nagulat ako ng sobra ng lumuhod sa harap ko si Darren. Hindi ko nanaman napigilan umiyak. Alam ko na ang gagawin niya pero parang ayaw pa din maniwala ng sarili ko.
"Nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko ng dumating ka kaya kung mawawala ka pa sakin, hindi ko na alam kung para saan ang buhay ko."
"Megan, let's make our fairy tale love story."
"Darren.." Hindi ko alam ang sasabihin ko, hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
May kinuha siyang box kay Kevin at pagbukas niya palang non, nakita ko agad yong singsing na may dyamante sa gitna. Sobrsng ganda non, napaka ganda.
"Blue Megan Castillo, will you please marry me?"
Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako, sovrang saya ko. Sa mga kOrean Novela at movies ko lang 'to nakikita pero ngayon ginagawa na sakin ni Darren.
Marami na kaming napagdaanan ni Darren at kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal namin sa isa't isa. Sobrang mahal ko siya. Sa isang lalaki ko lang 'to naramdaman at kay Darren yon, sa isang lalaking una at huli kong mamahalin.
"Yes, Darren. I want to be with you everyday until my last breath. I love you forever."
Lahat ng fans ay nagpalakpakan at nagsigawan. Sobra silang kinikilig. Tinignan ko sila Xien at Allysa at pareho silang naiiyak.
Sinuot sakin ni Darren ang singsing at tumayo.
"Thank you for saying yes, Megan." Hinawakan niya ang mukha ko at unti unting lumapit, ang alam ko nalang ngayon ay hinahalikan niya ako na puno ng pagmamahal.
Lumayo na din siya at tumingin ng deretso sa mata ko na may ngiti sa kanyang mukha. Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil sa saya na nararamdaman ko.
Thank you for treating me better, Darren Lim. Iloveyou.
-----------------
Vote and comments are really apprecuated, thank you! Enjoy reading, lovelots!
BINABASA MO ANG
Lost stars
Novela JuvenilAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.