[Megan's POV]
Para kaming mga runner na naghahabol ng hininga pag ahon namin sa tubig. Jusko, halos maputulan na ako ng hininga. Dinikit ni Darren ang nook niya sakin at ngumiti, ganon din ako. Sobrang ganda ng mga oras na 'to. Kung mahihiling ko lang na sana wag ng matapos 'to.
"Tara na, wifey. Namumutla kana sa lamig." Tumango nalang ako at ngumiti. Umahon na kami at bumalik sa bangka. Nagpatuyo muna kami ng kaonti bago magbihis.
Grabe, sobrang lamig dito na parang may yelo na sa paligid ko. Feeling ko tuloy nasa isa akong fridge hehe. Ang lamig lamig naman kasi.
Nag sagwan na si Darren pabalik don sa gilid. Anong oras na din kasi kaya ang lamig na ng hangin. Tsaka baka mamaya may mumu pa dito. Nako, ayokong makakita non.
Habang nags-sagwan siya hindi ko maiwasan na titigan siya. Napapaisip ako paano pag nawala na ako sakanya, anong mangyayari sakanya? Hays. Hindi ko alam.
"Nagugutom ka ba wifey? Gusto mong kumain muna tayo bago umuwi?" Umiling nalang ako, medyo busog pa naman ako. Tsaka gastos nanaman niya pag umoo ako sakanya. Aba ano 'to? Sugar daddy ko siya? Ghad hahahahaha. "Anong nakakatawa wifey?" Tanong niya.
"Wala, may naisip lang ako hehe." Palusot no. Alangan naman sabihin ko sakanyang nagmumukha na siyang sugae daddy sakin diba? Hahahaha.
Pag dating namin sa kotse sumakay na agad kami. Tulad ng lagi niyang ginagawa, pinag bubuksan niya ako ng pinto at kinakabitan ng seatbelt. Oh diba, hindi lang siya sugar daddy, assistant ko pa. Hindi ko mapigilan matawa sa loob loob ko dahil sa naiisip ko sakanya.
Ano kayang itsura niya pag sugar daddy siya no? Tsaka pag nakasuot ng uniform ng isang security guard? Tsaka ng doctor at body guard? Hehe gwapo pa din naman syempre. Kahit ano naman isuot niya gwapo pa din siya, eh. Hihi. Yong snow white nga bagay sakanya, yong mga nakakalaking damit pa kaya diba? Hehe.
Biglang pumapasok sa isip ko yong kiss namin kanina. Ghad. Kinikilig pa din ako don. Hindi ko maiwasan mapangiti pag naiisip ko yong moment namin kanina sa lawa. Parang sa mga fairy tale lang hihi. Ang cute namin ni Darren. Kahit wala siyang abs, ang gwapo pa din niya. Tsaka isa pa, hindi ko naman kailangan na magkaroon siya ng abs hays. Siya lang naman 'tong nangangarap diba? Feeling may pandesal hehe.
Tinitgan ko ang singsing sa kamay ko na may pasimpleng ngiti. Baka pag nakita niya ako sabihin pa nitong nababaliw na 'ko hehe. Nababaliw lang naman sakanya at wala ng iba pa. Jusko, feeling ko namumula ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init kahit na nakabukas yong aircon ng kotse.
Ano ba kasing ginagawa sakin ng lalaking 'to? Mukha na tuloy akong baliw. Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon.
"Wifey?" Bumalik ako sarealidad ng kalabitin niya ako. Napatingin ako sa bintana, nandito na pala kami sa tapat ng building ng condo. Ngumiti naman ako bilang tugon. "Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?" Tnaong niya.
Umiling naman ako at mas ngumiti. "Wala hubby, masaya lang ako." Sagot ko.
Bumaba na siya ng kotse at sumunod naman ako, hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Nakakahiya naman diba hehe. Boyfriend ko siya, hindi assistant o ano.
Hinawakan niya yong kamay ko ng mahigpit at naunang maglakad, sumusunod naman ako sakanya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
Feeling ko napaka perfect ng kamay ko lalo na pag ang kamay niya ang hawak nito.
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya. "Hubby." Nilingon niya naman ako na parang hinihintay ang sasabihin ko.
Ngumiti ako sakanya at niyakap siya. Yakap na sobrang higpit na gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. Na ayokong may lumagpas na segundo na hindi ko maparamdam yong nararamdaman ko sakanya. Napangiti ako ng yakapin niya din ako. Yakap na laging hinahanap hanap ko. Yakap na nakakapag pagaan ng loob ko.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.