Chapter 72: Always and Forever

12 1 0
                                    

[Megan's POV]

Walong kanta lang natapos na yong event. Nakakatuwa na lahat ng fans sumaya sa buong event.

Naka-akbay sakin si Darren habang tinitignan namin na lumalabas na yong mga fans sa venue na 'to. Sobrang saya ko na hanggang sa matapos 'tong event na 'to siya ang kasama ko.

Hindi ko maalis ang ngiti ko, sobra akong napasaya ni Darren.

"Oh, inaakbayan lang kita kinikilig kana." Napatingin ako kay Darren na nakangisi pala sakin.

"H-hala! Hindi no. Masyado ka," Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang tignan ang kagwapuhan niya. "Hindi ako kinikilig ano."
"Pft. Sabi mo, eh." Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko nalang yon pinansin.

Ayos na ang mga gamit namin kaya dumeretso na kami sa parking lot. Si Allysa hinatid ni Sky, si Xien naman hinatid ni Kevin. Nako talaga ang dalawang couple na yon. Ako naman? Syempre! Sabay kami ng Darren ko hehe. Sa condo namin kami ngayon matutulog kasi ayun ang gusro niya kaya pinag bigyan ko nalang. Isa pa, pagod na din ako eh.

10 minutes.

25 minutes.

Nakadating na din kami sa condo. Naligo muna kami. Syempre ako sa kwarto ko at siya don sa kwarto niya. Hindi naman pwedeng sabay kami ano? Hehe. Ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin bago lumabas ng kwarto.

Bumungad naman sakin si Darren na nakaupo sa sofa na chill na chill lang.

"Ang tagal mo." Nakakunot na noo niyang isnabi. Aish, ito talagang lalaking 'to. Susungitan nanaman ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nginitian niya ko bigla. "Joke lang, wifey. Tara na nga."

Hinila niya ako papunta sa kwarto niya. Feeling ko namumula ang mukha ko. Nararamdaman ko ang init, parang sasabog din ang dibdib ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Natigil ako sa iniisip ko ng halikan ako ni Darren. Nakita ko naman siyang ngumisi at nauna ng humiga sa kama niya.

"P-para saan yong kiss na yon!?" Tanong ko habang nasa ibang direksyon ang tingin. Nahihiya ako, eh!

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "Para matauhan ka. Ang lalim nanaman kasi ng iniisip mo wifey." Sagot niya. Yah! Bakit ba puro siya wifey? Tumahimik nalang ako dito.

"Pst." Rinig kong tawag niya sakin.

"Hm?" Tinignan ko siya na nakatingin din pala sakin.

"Upo ka dito, wifey. Tabihan mo ko." Tinap niya pa yong bakanteng kama na nasa gilid niya. Naglakad naman ako papunta sa kama at tinabihan siya. Pinatong niya yong ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang kamay kong may singsing.

"Bagay na bagay talaga sayo yong singsing, wifey." Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong may sasabihin pa siya, ngumiti nalang ako ng bahagya. "Nang makilala kita, sigurado na ako non na sayo ko maisusuot ang singsing na yan." Sambit niya.

Tumingin siya sakin, nginitian ko naman siya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Halos manlambot ang tuhod ko pag nakikita ko ang tunay niyang ngiti. Parang may part sakin na nasasaktan.

"Matulog na tayo, wifey." Aya niya. "Bukas na bukas aayusin ko na ang kasal natin." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bukas agad? Seryoso ba siya?

Tumawa siya ng bahagya at umayos ng higa. Pinikit na niya ang mata niya kaya napaisip ako bigla.

Alam ko kung gaano niya ako kamahal pero nasasaktna ako para sakanya. Nasasaktna ako na ako pa ang babaeng minahal niya ng sobra. Bakit ako pa kung pwede naman ang iba?

Iba na mabibigay ang lahat ng kailangan at gusto niya. Mapapakasalan siya ng hindi nag aalinlangan. Sasamahan siya sa lahat ng bagay.

Hindi tulad ko na delikado sa mga sakit. Natatakot ako para sakanya pag dumating ang araw na mawawala na ako sa buhay niya. Ayoko man mawala pero kinakailangan din, Darren.

Para sayo, para sakin, para satin.

Umayos na din ako ng higa at tinitgan ang maamo niyang mukha. Hindi ko maisip na ang maamong mukha na 'to ay psgka masungit pag gising hahaha. Para siyang maamong pusa na mahimbing na natutulog.

Ngumiti ako sakanya kahit alam ko na tulog na siya. "Iloveyou, hubby." Binigyan ko siya ng isang kiss sa lips at pumikit na. Matutulog na nga ako dahil pagod na din naman ako.

~~
Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Kinusot ko ang mata ko para mas magising, tinignan ko ang orasan at tanghali na pala. Hm, hindi ko napansin. Napatingin ako sa gilid ko at wala na si Darren.

Nasaan yong lalaking yon?

May nakita akong papel at bulaklak sa unan na katabi ko kaya kinuha ko yon. Maya nakasulat na message sa papel.

Good morning wifey! Sorry kung hindi na kita ginising. Aasikasuhin ko lang ang kasal natin. Iloveyou!

-Darren

Aba. Desidido talaga siya na ngayon agad niya gagawin yon. Grabe, masyado siyang atat ah.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko aa kama at kinuha ang towel ko. Duemretso na ako sa banyo at naligo. Ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin. Sinuot ko ang simpleng shirt at jeans lang.

Kailangan kong umuwi sa bahay para sabihin kay mama at papa ang balita. Ayokong hindi nila alam ang bagay na 'to.

Pag dating ko sa bahay sinalubong nan agad ako ni mama sa garden. "Megan," Niyakap agad ako ni mama ng sobrang higpit. Ilang segundo lang ay naglayo na kami. "Narinig ko na sa balita ang nangyari." Sambit niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Mama, hindi ko alam ang gagawin ko.." Walang lakas na sinabi ko. Nasasaktan talaga ako.

"Babygirl," Tumingin ako kay mama ng tawagin niya ako. Bakas sa mata niya na nasasaktan siya. Hays. "Habang maaga pa kailangan mo na siyang iwan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niama. "Babygirl, ayun lang ang makakabuti sa inyo." Sambit niya.

Hays. Ang hirap. Ang daming tao ang naaapektuhan ko.

"Babygirl, pag isipan mo ang sinabi ko. Para habang maaga pa ay hindi kayo makaiwan ng malaking galos sa isa't isa." Hinalikan ni mama yong noo ko at pumasok na sa loob.

Naiwan ako ditong literal na tulala. Tama si mama, pero ang hirap. Ang sakit. Naguguluhan ako.

Ibig sabihin totoo nga ang iniisip ko kagabi? Kinakailangan ko talagang lumayo..

Napabuntong hininga nanaman ako. Ano bang gagawin ko? Hirap na hirap na ako.

Mahal ko si Darren, mahal na mahal.

-----------------
Vote and comments are really appreciated, thank you. Thank you for reading! Lovelots!

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon