Chapter 16: Orphanage

37 4 0
                                    

[Megan's POV]

Bumaba na agad ako matapos kong mag-ayos. Ready na kong pumunta sa mga bata para bisitahin sila, miss ko na din sila eh.

Bumungad sakin yong mga tulog na kaibigan ko sa sofa. Mga antukin talaga sila, hindi kayang gumising ng maaga. Kinalabit ko agad silang dalawa.

"Hoy gumising na nga kayo! Aalis na tayo matutulog pa din ba kayo?" Bigla silang gumising. "Ah sige, ako nalang mag-isa pupunta." Hinawakan agad nila yong braso ko.

"Ito na nga po babangon na. Ito naman oh."

Dumeretso agad ako sa kotse ni Zach at humiga sa likudan na upuan, seriously mas antok pa 'ko sakanila. Papikit na sana ako pero biglang dumating yong dalawa kaya umakto akong nagr-relax lang.

"Kunwari ka pa," Bulong ni Zach pero narinig ko pa din. "Abnormal talaga yan Nathan no."

"Sus, sinabi mo pa."

"Trip niyo ko no? Mag-isip nalang kayo ng iba niyong topic kaysa ako pinag-uusapan niyo." Pananaray ko. "Pilayan ko kayo jan eh! Pati ako dinadamay niyo." Hindi lang sila nagsalita. "Psh, che!"

Ewan ko ba, bakit ang sungit ko ngyon. Siguro kulang lang ako sa tulog kaya ganito ako ngayon. Hindi, chill lang Megan. Kailangan maayos ka pag dating mo sa Orphanage.

New year, new life.

Kinuha ko yong mga listahan ng Schedules ko para sa month na 'to. Nakalimutan ko na kasi yong iba. "So yon, kailangan kong mag-bake bukas sa Restaurant para sa surprise grand anniversary para sa lola at lolo na may forever." Ang sweet talaga ng lovelife nila. "Tapos, magb-bake nalang ako para sa mga orders ng mga kakain sa Restaurant." Sambit ko. "At huli yong sa birthday cake ng Debut princess ng Lim's Family."

"Walang may pake." Sabay nilang sinabi.

"Whatever! Hindi ko naman kailangan ng pake niyo, eh! Kausap ko sarili ko!" Sigaw ko. "Oo baliw ako! Ano titigil na kayo? Pakielamero 'tong mga 'to."

Tumahimik nalang kami at naghintay ako na makadating sa Orphanage. Ang sungit ko ngayon..

Pagpasok ko sinalubong agad ako ng mga bata. "Ate Megan!" Niyakap nilang akong lahat.

"Ang sweet niyo talagang mga bata kayo." Nginitian ko sila, namiss ko sila. "Oh, bagong gising palang kayo ha? Paamoy nga paamoy," inamoy amoy ko sila sa makulit na paraan. "Oh, anoy unan at kumot pa kayo. Maligo na kayong mga bata okay? Magluluto ako ng tanghalian para sa inyo."

"Opo ate Megan!"

"Ah, good morning po sister. Happy New Year po."

"Happy New year din iha." Sambit ni Sister. "Good morning sa inyo." ang bait talaga ni sister. "Tara sa loob ng makapag usap tayo ng maayos."

Pumunta kami sa loob ng Orphanage at naglakad-lakad. "Ah, sister mga kaibigan ko nga po pala." Sambit ko. "Ito po si Zach, ito naman po si Nathan."

"Good morning po sister." Sinabi ng magaling na magpinsan.

"Good morning din mga iho, ang ga-gwapo naman ng mga batang ito."

"Sister, namamalik mata lang po siguro kayo." Sambit ko. "Pag-usapan nalang po natinyung balak niyo dito sa Orphanage." Umupo kami sa Sofa na nasa hallway. "Sister, meron na po ba tayong maluluto? Ako nalang po magluluto para sa inyo."

"Oo iha meron, nasa kusina." ngumiti muna ako dahil alam kong may gusto pang sabihin si Sister. "Salamat Megan, ang bait bait mo sa mga bata." Sambit ni Sister. "Ang swerte ng magiging pamilya at anak mo."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon