Chapter 13: Announcement

34 2 0
                                    

[Megan's POV]

Nakakailang tumingin kay Dorries, walang oras kasi na hindi magbabangga yong mga tingin namin ni Darren. Ewan ko ba pero feeling ko kanina pa niya 'ko tinitignan na para bang may gustong sabihin. Aish, weird. Nandito sila ngayon pero nakaupo sa medyo tagong lugar kaya hindi sila mamukhaan ng mga tao. Isang sikat na artista si Darren kaya mahirap na siyang kumilos ng maluwag sa labas ng Showbiz. Kanina pa sila nandito na parang may pinag uusapan na napaka-importante. Nakaka-curious.

"Hey," Napatingala agad yong ulo ko ng may nagsalita sa harapan ko, si Zach lang pala. "Mukhang stress na stress ka Pipay ha." Sinabi mo pa, kikoy. "Namiss agad kita eh, sandali lang tayong nakapag usap kagabi." Sambit niya. "Namiss ko 'to." Bigla niyang pinisil yong magkabilang pisnge ko.

"Ouch! Masakit ha." umakto pa kong parang baby na nasaktan. Bigla naman niyang ginulo yong buhok ko. "Bakit ka ba nandito?" Bigla siyang nag pout, arte din nito eh. "Nagtatanong lang po ha."

"Masama bang pumunta dito?" Wala silang pinagka-iba ni Nathan. "Gusto ko lang tumambay dito, boring sa bahay eh." Bigla siyang umupo sa tabi ko. "Ano bang iniisip mo? Mukhang stress ka talaga eh, tulungan nalang kita." sambit niya. "Wala naman akong gagawin eh."

"Nako wala 'to," Nginitian ko nalang siya para hindi na siya magtanong. "Wala pa naman akong gagawin, medyo madami pa yong gawa ko eh. Hindi pa ubos." Nakatingin lang siya sakin kaya medyo nailang ako, ibang iba na kasi yong itsura niya sa Zach na kilala ko. Tumingin nalang ako sa mga kamay ko. "Ah, gutom ka? Tara kain tayo."

"Wag kang ganyan Pipay," Hinawakan niya yong baba ko para matingala ako. "Kahit ilang taon tayong hindi nagkasama, kilalang kilala pa din kita. Ayokong naiilang ka sakin Pipay, alam mo yan." Nakatitig pa din siya sakin. "Hindi ako gutom, kakakain ko lang sa bahay." Sambit niya. "Ikaw, kung gutom ka kumain ka lang. Dito lang ako, titignan lang kita."

Nginitian ko nalang siya. "Hindi, hindi ako gutom. Ano ka ba, naisip ko lang na baka gutom ka tumatahimik ka lang dyan." Napaka-lalim ng boses ng lalaking 'to. "Talaga bang wala kang naging girlfriend kahit isa don? Nakakapagtaka naman kasi eh, may itsura ka naman kasi bakit wala kang naging girlfriend don."
"Talagang may itsura, gwapo eh." Napabugtong hininga nalang ako tapos tumingin sa ibang dereksyon. "Alam kong mahirap paniwalaan pero yon yong totoo, ayos lang." Sambit niya. "Ayoko nga sakanila, wala silang respeto sa sarili nila. Kahit mga bata, liberated din."

"O-okay, sabi ko nga eh no." Tumango-tango nalang ako sakanya. "Yong magaling mo palang pinsan? Hindi ko pa nakikita ngayong araw eh. Buhay pa ba yon?" Natawa siya bigla. "Anong tinatawa mo jan?"

"Psh, wala. May lalakarin lang daw siya sa Makati."

Again? Ano  ba talagang pinupuntahan ng Nathan na yon? May hindi ata sinasabi sakin yon ha.

"Pipay," Tinignan ko lang siya. "Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya. "Samahan mo naman ako oh." Tinignan ko lang siya at nag pout siya bigla. "Payag kana oh."

"Hindi ko pa nga alam kung saan kita sasamahan eh, papayag agad ako? Nako, baka mamaya eh kidnapin mo pa 'ko." Bigla naman kumunot yung noo niya. "Saan ba yon?"

"Grabe ka naman Pipay, para namang wala kang tiwala sakin." Nag pout nanaman siya. "Psh. Pag si Nathan naman eh, payag na payag ka." Tumingin siya bigla sa ibang direksyon.

"Ah, kikoy, galit ka ba sakin?" Umiling lang siya pero hindi siya tumingin sakin. Oo, hindi nga kikoy. Psh. Tumayo ako at lumapit sakanya. Tumayo ako sa gilid niya tapos hinawakan patingin sakin yong mukha niya, hindi siya tumitingin sakin tsaka naka pout lang siya. "Ay, nagtampo siya oh." Tinawanan ko nalang siya. "Pst, sorry na oh. Binibiro lang naman kita eh. Cute monkasing maasar." Sambit ko. Kinurot ko yong magkabilang piange niya ng sobrang diin. "Nakakagigil ka Zach, cute cute mo kasi eh jusko." Bigla siyang tumingin sakin na may ngisi sa mukha. "Ayie, hindi na yan galit oh." Inakbayan ko siya para maipit yung leeg niya sakin. "Loveyou bakla, namiss ko 'to, promise."

"A-aray Megan! Yan ka nanaman eh. Wrestling nanaman gusto mo." Bigla akong bumitaw tapos nginitian siya ng malapad. "Oo na, bati na tayo." Tumayo siya tapos inakbayan ako. "Basta samahan mo 'ko sa pupuntahan ko ha, masaya don pipay." Tumingin siya sakin tapos may pataas taas kilay pa siyang nalalaman. Saan naman kaya kami pupunta ng baklang 'to? "Hindi ka mab-bored. Promise!" Tinaas niya pa yong kanang kamay niya. "Ano, sasama ka o sasamahan mo 'ko?"

"Ha? Eh, pareho din yon Zach. Ako ba pinagloloko mo?" Ngnitian niya lang ako. "Okay, may napili na 'ko sa sinabi mo." Sambit ko. "Yong o ba yon? Basta yon." Pag aarte ko. Nag pour nanaman siya, napaulanan pa 'to ng pagiging pabebe? Grabe eh. "Joke lang! Sige na sasama na 'ko, papaalam muna ako kay Tito Arthur." Paalis na sana ako pero hinawakan niya yong kamay ko kaya napalingon ako. "Oh?"

"Hindi na kailangan, basta sumama kana sakin." Pinagsasasabi nito? "Napagpaalam kana namin." Magsasalita sana ako pero hinarang niya 'ko. "Tara na."

"W-wait lang, yong gamit ko nasa loob pa eh. Kukunin ko muna tapos pakihintay nalang ako sa kotse mo ha? Susunod nalang ako don." Ngnitian ko siya pero siya poker face lang. "O kaya much better, susunod nalang ako sayo sa pupuntahan natin tapss text mo nalang sakin yong address. Hindi kasi obvious na excited ka eh, napipigil ko lang yan dahil sa dami kong kaartehan 'diba?" Umiling lang siya tapos ngumiti. "Okay, sabi mo eh. Sure ka jan ha, sige hintayin mo nalang ako sa labas, kukunin ko na gamit ko."

Dumeretso na 'ko sa Locker room para kunin yong bagpack ko tsaka makapagpalit na din, walang tao dito kaya mabilis ko lang maaayos gamit ko. Paalis na sana ako pero nakita ko si Allysa kaya huminto muna ako. "Ah, Allysa, nasa taas ba si Tito Arthur?" Tanong ko. "Hindi ko pa kasi siya nakikita eh."

"Kaninang umaga dumaan dito pero sandali lang, may lakad daw kasi sila. Hindi ko nga alam kung saan pero parang out of town, ganun. Ang dami kasi nilang dalang gamit tsaka porma kanina si Sir Arthur." Sambit niya. "Ah, ikaw saan ka pupunta?"

"Sinong sila?" Tanong ko. "Ah, sinundo ako ni Zach. Samahan ko daw siya eh." Tumango tango nalang siya. "Sige, maiwan na kita dito ha. Una na 'ko Allysa, ingat dito." Naglakad na 'ko palabas ng pinto ng may nakabangga sakin na lalaki kaya nagkahulog mga gamit ko sa bag. "Sorry." Pinulot ko agad yong mga gamit ko sa sahig dahil baka makaabala ako sa mga dadaan na customer dito. Pagtayo ko hinarap ko yong lalaki. "Sorry ha." Nginitian ko siya.

"Sorry din, sige, una na 'ko."

Lim's Family and Mendoza's Family Announcement

Napalingon ako sa TV at nakita ko don yong Daddy ni Darren. Anong Announcement yon? Tumingin muna ako sa TV habang hinihintay yong sasabihin nila.

"Mr. Mendoza and I decided to announce the upcoming engagement party of my son, Darren Lim and his beautiful fiancé, Chasey Mendoza."

Napatingin agad ako kay Darren at nakatingin lang siya sakin. Ewan ko ba, pero oarang may nakatago sa tingin niyang yon. Hindi ko lang alam kung ano, binalik ko nalang agad yong tingin ko sa TV para tignan yong Chasey Mendoza pero walang picture na pinakita. Umalis nalang ako at dumeretso kay Zach. Ang weird lang, feeling ko talafa kasi may gusto sabihin sakin si Darren pero ayoko naman mag assume kasi baka maling akala lang ako.

"Tagal mo ha." Bungad niya sakin.

"Sorry na, may pinanood lang ako na news sa TV, sorry po." Sambit ko. Umiling iling siya at pinagbuksan ako ng ointo. "Thank you Mr. Gentlegay este Gentleman." Nginisian ko lang siya pero siya fake laugh, pikon talaga yon.

Sumakay na siya at nag drive ng tahimik, tahimik lang din ako dito habang nakatingin sa bintana. Ayoko naman na dumaldal sakanya kasi hindi pa talaga ako ganun kasanay na kasama ko na ulit siya. Pero namiss ko siya ng sobra sobra.

"We're here!" Masayang sambit niya.

"Anong lugar 'to?"

---
Yehet yehet! Happy 100reads! Hahaha. Nagagalak lang ako kasi umabot siya ng 100 kaya, thankyoou! Mas sisipagan ko pang mag sulat dito. Always support Lost Stars. Lovelots!

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon