[Megan's POV[
Ang hirap pala nung wala kayong calls at texts. Parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko.
Buong gabi inisip ko yong mga nangyari kahapon. Nilagay ko yong sarili ko kay Darren. Paano kaya pag nakita ko siyang mat kayakap na babae? Malamang ganon din yong gagawin ko o baka nga sobrang lala pa don. Ang tanga tanga ko naman kasi, eh. Bakit kasi nakalimutan ko yong sayaw ni Darren? Hindi ko man lang siya naisip pero ang nakakainis lang, hindi man lang niya 'ko binigyan ng chance na mag explain. Nabalot siya ng selos at galit. Kung tutuusin may mali din ako, hindi na nga ako pumunta tapos nahuli niya pa kong yakap yakap ni Keith. Kaso sapat na bang dahilan yon para sabihin niyang nakikipaglandian ako? Parang sinabi na din niyang malandi ako, ako na girlfriend niya. Wow.
Naisipan ko nalang na hayaan muna siya. Umiyak lang naman ako dahil hindi ko na kinaya yong sakit ng ulo ko, gusto lang naman akong icomfort ni Keith.
Aish, bahala na nga sa mangyayari mamaya pag nagkita kami.
Dumaan ako sa bahay nila Xien, nag almusal na din kami don sa pool area nila. Konting oras napang kasi talaga kaming nag bobonding.
Sabay sabay na kaming pumunta sa Shinyu. Binisitahin daw nila yong boys, nako. Kung alam ko lang, siguro itong si Xien at Kevin na, masyado ng nagiging busy si Xien sa phone, eh.
"Sasama nalang ako sa inyo sa room ni Kevin, may ibibigay din kasi ako." Sambit ko.
Pagdating namin sa Shinyu, dumeretso naagad kami sa room ni Kevin. Kumpleto pala silang tatlo dito. Si Allysa, tumabi agad kay Sky tapos ganon din si Xien at Kevin. Ayoko na sanang pumasok pa dito dahil nandito yong isa kaso nahila na ko ng dalawang babaeng 'to.
"Kevin, pakiabot nalang daw 'to kay Keifer sabi ni Shanna." Inabot ko sakanya yong isang box, wala akong idea kung anong laman yon dahil ayaw ipabukas ni Shanna sakin.
"Sige, ibibigay ko mamaya."
"Sige, salamat." Lalabas na sana ako kaso tinawag ako nung dalawang babae.
"Aalis kana agad? Dito ka muna, Megs." Tinignan ko yong dalawa at iba yong ngisi nila. Nangagasar nanaman sila. Nakwento ko na din kasi yong nangyari samin ni Darren.
"Oo nga, dito ka muna Megan."
Umupo nalang ako sa tabi nung dalawa, malayo layo kay Darren. Tinignan ko siya ng sandali at mukhang okay naman siya kahit hindi kami magka ayos, naka earphone pa siya. Napatingin ako kay Xien st Kevin at mukhang may something na nga sila.
"Kevin, kayo bang dalawa ng bestfriend ko?" Nagulat bigla si Xien tapos hindi makatingin sakin, parang alam ko na yong sagot. Paikot ikot lang siyang tumitingin dito sa room ni Kevin. Hahaha ang cute niya. "Ehem, alam ko na. Hahaha."
"Oo, Megs! Jusko, honey pa ang endearment nila. Hahahaha." Tawa na kami ng tawa ni Allysa. Grabe, hindi nagsasabi.
"Nako ha, Xien kayo na pala ni Kevin. Hindi mo kami sinasabihan, hays." Tawa pa din ako ng tawa dahil namumula na si Xien sa hiya. Ang cute niya talaga, hahahaha.
"Inunahan mo 'ko Allysa ah." Sambit ni Xien. Tumawa lang naman kami ni Allysa.
"Hm, Megan sumama ka kila Xien at Allysa, kasama sila sa performance namin, eh." Sambit ni Kevin. "Sasayaw ka lang naman."
"Oo nga, sumama kana Megs." Sabi nung dalawa.
"Ha, ano---" Hindi pa 'ko tapos sa sasabihin ko nagsalita na agad si Darren.
"Alam mo Kevin, hindi ka dapat nag aaya ng mga mahihina para sa performance natin." Naka earphone siya diba? Bakit naririnig niya pa kami, tch.
"Wag na Kevin, ayokong sumama sa performance niyo lalo na kung may epal kayong kasama. Baka lahat nalang ng kilos ko umepal siya." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
Lost stars
JugendliteraturAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.