[Megan's POV]
Dalawang araw na yong nakalipas pero hindi pa din makamove-on si Allysa, Thank you pa din siya ng Thank you sakin. Masaya ako na masaya siya, hindi ko talaga inakala na gagawin yon ni Sky dahil jindi naman siya pumayag ng mag usap kami.
Pero okay na din, dahil napasaya niya si Allysa kahit sa ilang mga salita lang. yong ngiti ni Allysa nung gabing yon ang hindi ko makakalimutan, ang gandang tignan na kahit sinong tao mahahawa sa ngiti niya. Yon ang pinaka-magandang ngiti ang nakita ko sa buong buhay na makilala ko si Allysa. Salamat nalang din kay Sky at ginawa niya yon.
Flashback
"May request lang ako sayo."
"What is it? Deretsuhin mo na Megan." Seryosong sambit niya. Nakakatakot siya.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "May kaibigan akong mahal na mahal ka, at ang manotice mo siya ang magpapasaya sa kanya." Umpisa ko, nakatingin lang siya sa harap. "Alam ko, wala akong karapatan na mag request sayo pero sana pagbigyan mo 'ko, gustong gusto niya na manotice mo siya. Kahit isang Hi lang sana sa araw ng concert mo." Sambit ko.
Tumingin siya sakin ng deretso. "Then? Pag ginawa ko yon ipapa-inggit niya sa mga fans ko? Psh. Ayokong masaktan at magselos ang mga fans ko dahil sa walang kwentang kaibigan mo. Wala akong pake kung talikuran niya yong fandom ko, isa lang naman siya na mawawala sa mga fans ko." Sunod sunod niyang sinabi.
"Wala kang karapatan para sabihan siya ng useless!" hindi ko na napigilan na mapalakas yong tono ng pananalita ko, sobra kasi siya. "Hindi ikaw ang bumuhay at nagpapakain sakanya kaya wala kang karapatan na pagsalitaan siya! Psh. Ganyan pala yong ugali behind the camera, ang plastik mo Sky. Kawawa yong mga fans na nagpapakabaliw sayo, sana magising sila sa reality na ibang tao yong iniidolo nilang Sky Villanueva." Sambit ko. "Thank you nalang." Lumabas na 'ko ng kotse at sinarado ng malakas yong pinto.
"Hey!" Rinig kong tawag niya sa likudan pero hindi ko siya nilingon. "Megan!"
End of flashback
Sa naging pag uusap namin ni Sky hindi ko inakala na mapapapayag ko siya. Gusto ko sanang mag sorry sakanya nung gabing concert niya kaso huli na 'ko dahil nakaalis na agad siya. Susubukan ko next time na makausap ko siya, grabe naman kasi yong mga sinabi niya eh. Sobra sobra na sa Hi yong sinabi niya.
Biglang may tumakip nung mata ko kaya bigla akong kinabahan. "Wah! Sino 'to?" Sigaw ko. "Mama!" Hinawakan ko yong kaliwang kamay niya tapos hinila ko para makawala ako sa hawak niya tapos pinalupot ko. "Ano ha? Trespassing ka ha! Sino ka ba? May pamask mask ka pang nalalaman jan!"
"A-aray aray! Bitawan mo na 'ko!" Sigaw niya. "B-blue a-aray!"
"Nathan? Nako, Nathan sorry. Sorry talaga, natakot kasi ako akala ko may pumasok ng masamang tao dito sa bahay, sorry talaga."
Napaupo siya sa ahig tapos huminga ng maayos. Tinanggal na din niya yong mask tapos tumingin sakin. "Grabe ka talaga Blue, akala ko hindi ka makakalaban." Hinilot niya yong braso niya. Alam ko ba kasing siya yon. "Ang sakit, akala ko mapuputol na braso ko."
Umupo din ako sa sahig para magkatapat kami, inabot ko yong braso niya para hilutin. "Sorry na, hindi ka naman kasi nagsasalita eh. Alam ko ba kasing pupunta ka dito? Ang alam ko kasi may lakad ka, sorry Nathan." Sambit ko. Biglain ba naman daw ako? "Sorry po."
"Oo na, hindi naman kita matitiis eh." Tinignan niya ko na parang nagtataka. "Ano nanaman?" Tanong niya. Hindi ko pa din inaalis yong ngisi sa mukha ko, may balak lang akong maganda. "Sabihin mo na, alam kong may gusto ka."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Fiksi RemajaAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.