Chapter 56: Engagement

16 1 0
                                        

[Megan's POV[

Mamaya na pala yong engagement Party nila Darren at Chasey. Hindi ko talaga alam kung pupunta ba ako o dito nalang ako sa bahay. Ano ba naman kasing gagawin ko don? Pupunta ako sa mismong Engagement Party ng taong gusto ko? Psh. 

Biglang may umagaw ng atensyon ko ng nilibot ko yong mata ko dito sa kwarto, yong picture namin ni Nathan.. 

Miss na miss ko na yong bestfriend ko, Human diary ko, kababata ko, secret keeper ko, manong ko, utusan ko at tatay tatayan kung pagalitan ako. Si Nathan lang naman yon, full package na agad ako don sa lalaking yon, eh Hays, bakit ba naman kasi ngayon niya lang sinabi? Kung kailan may mahal na ko. Mahal ko bestfriend ko, mahal na mahal. Oo, mahal ko si nathan pero hanggang bestfriend lang talaga ang kaya kong ibigay sakanya. 

Bigla nalang tumulo yong luha ko, kahit anong punas ko ayaw tumigil. Hindi na kasi ako pinapansin ni Nathan kaya masakit, nasanay na din kasi akong siya yong kasama ko. 

Biglang pumasok si Shanna kaya pinunasan ko agad yong luha ko.

"A-ate, umiiyak ka ba?" Tanong niya.

"Nako, hindi ah." Sagot ko. "Ah, anong kailangan mo?"

"Pinapasabi lang ni kuya Darren na pumunta ka daw mamaya sa party. Hindi ka daw niya mapupuntahan." Sambit niya. "Sige ate una na ako."

Grabe talaga. Pupunta ba talaga ako? Kainis naman kasi talaga. Parang wala namang balak na itigil yon ni Darren. Baka pinapaasa niya lang ako, baka pinag titripan niya lang ako. Baka laro lang 'tong lahat ng 'to.

Daddy niya yong nag desisyon, may laban ba siya don? Malamang Megan, wala. Ano pa bang ieexpect ko? Puntahan nga lang ako dito sa bahay ngayon hindi niya magawa.

Teka. Bakit ganito ako mag react? Aba Megan, nililigawan ka palang hindi mo pa siya boyfriend. Wala kang karapatan. Hays, pero kasi may damdamin din ako no. Hindi ko naman maiwasan na magselos na kahit wala naman talaga akong karapatan.

Mukha naman na akong tanga dito. Kinakausap ko na yong sarili ko, hays.

Pupunta na nga lang muna ako sa Shinyu. Magf-focus nalang muna ako sa trabaho. Sasanayin ko muna yong sarili ko incase na matuloy talaga diba? Hindi ako mahihirapan tanggapin.

Pagdating ko sa room ko nakita ko agad yong manager ko na nakasimangot kaya tinabihan ko siya.

"May problema ba Mr. Punsalan?" Tumango lang siya. "Ano yon?"
"Yong bestfriend mo, titigil muna daw siya.." Walang ganang sagot niya.

Teka, si Nathan? Hala, bakit?! Hindi niya naman gagawin yon kasi nandito pa ako. Pero ano 'tong sinasabi ni Mr. Punsalan? Titigil na si Nathan?

Hindi ko matanggap yong narinig ko. Feeling ko kasi ako yong dahilan kung bakit siya titigil dito. Alam kong ako din yonf dahilan kaya sumali siya dito pero hindi ko alam na ako din pala pag ganito. Hays, nag-guilty na talaga ako.

Inaasahan ko pa naman na makikita ko siya dito na hinihintay ako tapos magb-bonding ulit kami kaso nagkamali ako.

Ang gulo ng mga sitwasyon.

Napa bugtong hininga nalang ako. Grabe, bestfriend ko. Bakit? Hays. Hindi ko na din siya ma-contact. Paano ko siya kakausapin nito? Natatakot naman akong humarap sakanya.

Buong araw lutang ako. Hindi ko alam mga dapat kong gawin, nakatulala lang ako. Ang alam ko lang kasi eh napaka dami na ng problema sa paligid ko. Hays. Hindi ko na alam. Gulong gulo na ko. Isa lang ako tapoa ang dami nila, aba hindi ko sila kaya.

Nagising nalang ako sa reyalidad ng tumama ako sa poste. Argh, ang sakit ng mukha ko. Sumapol daw ba naman don? Aish, tanga tanga mo talaga Megan. Naglalakad na nga lang ako dito sa gilid, aish. Ayoko na nga dito.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon