Chapter 65: Hold On

12 1 0
                                    

[Megan's POV]

[Megan's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hey."

Ang gwapo ng nilalang na nasa harap ko. Kaya palang pang bad girl na damit ang pinasuot sakin nito para pareho kami. Grabe, bagay na bagay sakanya yong mga pormahang badboy,. Parang sobrang perfect ng lalaking nasa harap ko ngayon. Makatulo laway na nga, eh. Buti nalang naalala ko na boyfriend ko palang 'tong lalaking 'to. Hahaha.

"Hm, saan tayo pupunta?" Sumakay ako sa kotse niya at nilagyan ng seatbelt niya. Ang lapit ng mukha niya sakin, tumingin siya sa mata ko sabay sa labi ko kaya napaatras ako sa sandalan, akal ko hahaliakn niya 'ko sa labi pero sa pisnge lang pala, aish napahiya ako don. Feeling ko tuloy namumula na yong mukha ko.

"Magd-date tayo boo." Sagot niya.

"Saan naman tayo magd-date boo?"

"Secret."

Pinaandar niya na agad yong kotse. Grabe, sa sobrang bilis parang nahihigop na yong mga hangin sa loob ng katawan ko. Napapahawak na ako sa sinasandalan ko ngayon sa sobrang bilis niyang mag pa takbo. Hindi ko alam kong sadya ko nananadya lang 'tong si Darren..ang bilis makaharurot. Kahit nasa stop light dere-deretso pa din siyang nag drive. Aba, ang badboy talaga nito. Sinamaan ko agad siya ng tingin pero tumawa lang. Sabi niya chill lang daw ako. Kahit sa no parking, nagp-park siya. Wala talaga 'tong sinusunod. Kahit ano nalang ginagawa aish.

Nung malapit na kami sa pupuntahan namin, don ko lang nalaman kung saan yon. Napangiti agad ako, may memories din kami dito.

"Namiss ko 'to boo, dito mo ako binagsakan sa balikat hahaha." Sambit ko.

Pinag buksan niya agad ako ng kotse. Tinsnggal niya yong seatbelt tapos hinalikan nanaman ako. Hindi talaga siya nagsasawang manghalik hahaha. Pagbaba ko, ang dami na agad na mata ang nakatingin samin. Yong mga ibsng babae nag bubulungan at yong iba naman ang sasama ng tingin. Ganon ba kagwapo ang boyfriend ko? Ganon ba kagwapo ang isang Darren Lim? Grabehan ah. Inakbayan ako bigla ni Darren tapos naglakad na kami. Buti nalang hindi kami ginugulo ng mga tao.

Naglakad lakad lang kami dito sa Sonya's Garden. Grabe, namiss ko dito. Ang ganda ng mga bulaklak, ang dami tsaka ang sarap sa pakiramdam pag nandito ka. Parang ang luwag ng paghinga mo pag tinitigan mo yong mga bulaklak.

Hinawakan niya ng mahigpit yong kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa magka hawak naming kamay. Napangiti din ako, nahahawa ako pag ngumingiti siya sakin.

"Alam mo bang ang saya ko non ng sinundan mo ko dito? Haha sino ba naman kasi ako noon sayo? Isang lalaking hindi mo kinakausap ng maayos." Napatawa nalang ako ng bahagya sa sinabi niya. "Kaya isa 'to sa mahalagang lugar para sakin. Sinundan mo na nga ako, kinausap pa ng maayos haha." Sambit niya.

"Eh, syempre. Nakakasawa din naman kung lagi kitang susungitan hahaha. Pasalamat ka nga kinausap kita non." Tumawa pa ako kaya natawa na din siya. "Inalagaan pa kita non. Ehem, kinikilig." Sambit ko. "May nangangamatis pong tenga."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon