[Megan's POV]
"Take care, baby girl." Niyakap ako ni mama at papa tapos umalis na. Kaya naiwan nalang kaming dakawa dito ni Shanna.
"Nako ate, gustong gusto ka siguro ni kuya Kevin at bumili pa siya ng ticket para sa inyo." Nginitian niya nanaman ako. "Ingat ka don ha? Nako, baka naman..." Nginisian niya agad ako sabay tumawa, abnormal din 'to, eh. "Oh, andyan na pala ang Prince Charming mo."
Lumingon ako at nakita ko si Kevin na bumaba sa kotse. Lumapit naman agad siya samin. "Good morning, Ladies." Bungad niya. Ahm Megan, ready kana? Let's go." Tumingin muna ako kay Shanna sabay sakanya naman. "Ahm okay, ilalagay ko na muna 'to sa kotse." Kinuha niya yong luggage ko at nilagay sa upuang likudan.
"Salamat Kevin." Tinignan ko ulit si Shanna at nakangiti ananman siya. "Aalis na 'ko, wag kang pasaway dito ha. Lagot ka sa kin pag-uwi ko, sandali lang kami don." Sambit ko. "Ingat kayo nila mama."
"Opo boss," tumango tango lang siya. "Nako ate, baka naman isuko mo na ang kabataan. Jusko, magdahan dahan ka sa mga ganyan." Sambit niya.
Tinignan ko agad siya ng masama. "Aish, ano ba Shanna? Hindi ko gagawin yon, mga lumalabas talaga sa bibig mo oh, kinikilabutan tuloy ako sa mga sinasabi mo." Tumawa lang siya. "Oh sige na, bye. Love you." Hinalikan ko siya sa pisnge.
"Have a safe trip, sis! Enjoy!" Sigaw niya bago ako makasakay sa kotse, ngumiti nalang ako.
Dumeretso na agad kami sa Airport at nag Check In ng bagahe, dahil malapit na kaming mahuli sa floght namin. Pinagka-guluhan pa kami pero buti nalang may dumating na mga guard para paligiran kami. Pumunta agad kami sa Airplane namin bago pa kami maiwanan. Buti nalang at nahintay kami kahit papaano.
Sa pinaka-dulo yong kinuhang upuan ni Kevin para daw hindi na kami magulo at malantakan ng mga fans. Kailangan din kasi namin magpahinga dahil puyat kami kaka-asikaso ng mga papel sa Shinyu. May pinaayos kasi samin ang CEO ng company.
Nakatingin lang ako sa bintana habang nagr-relax. Naramdaman ko agad yong kamay ni Kevin sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya, ngumiti agad siya sakin. Natutunaw tuloy ako sa tingin niya, parang araw kasi, eh. Ang hot.
"Matulog ka muna, Megan. Gigisingin nalang kita. Tignan mo oh, namamaga na ang mga eyebags mo. Hahaha." Pagn-aasar niya. "Wag kang mag-alala, babantayan kita. Nandito lang ako para sayo. Kung may fans, haters o bashers ka man na kasama natin dito, sisiguraduhin kong safe ka." Napangiti naman agad ako sa sinabi niya. "Sweetdreams my princess."
"Salamat Kevin, napaka-bait mo sakin." Nginitian niya lang ako. Sinandal ko nalang yong ulo ko sa bintana at pumikit pero pinatong ni Kevin yong ulo ko sa balikat niya. Ngumiti nalang ako at hindi umangal.
Kung iisipin mo sa unang tingin, masungit at mayabang si Kevin pero sa totoo lang ang bait bait niyang tao. Pag nginitian ka niya, mahahawa kana lang dahil parang may malakas na tama sayo yong ngiti niya, parang may meaning ganon. Pag tinignan ka niya at hindi mo pa siya kilala, iisipin mo napaka-brutal niya at walang resperto pero pag nakasama mo na siya, napaka-bait at sweet niya sayo na ituturing ka talaga niyang prinsesa. Kaya pag kasama ko siya, hindi ko na naiisip na baka may mangyari saking masama dahil kasama ko naman siya at alam kong safe ako sakanya.
Napaka-swerte ng mamahalin niyang babae.
Nakatulog nalang ako dahil sa antok at sa iniisip ko. Pagkalapag ng Airplane sa Singapore ginising agad ako ni Kevin. Nakapasok naman agad kami sa immigration dito kaya walang hirap. Buti na nga lang walang mga fans dito si Kevin nag nakakita samin dahil more on Korea at LA siya sikat kaya malaya kaming nakakakilos dito sa Airport. Nagpapalit muna kami ng Sinapore Dollar para may pang bayad kami sa lahat.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.