[Megan's POV]
Pababa palang ako ng kotse nakita ko na si Nathan sa loob ng Restaurant at sobrang busy sa ginagawa niya. Bumaba agad ako at pumasok sa Restaurant hindi nila ako napansin lahat sila busy sa mga ginagawa nila. Umupo ako sa katapat na upuan ni Nathan.
"Nakakainis ka naman eh! Hindi mo ko sinundo sa bahay." Nag pout ako kahit hindi siya nakaharap. Hinintay ko yung sagot niya pero ni isang word walang lumabas sa bibig niya. "Nathan." Tawag ko sakanya. Hindi pa din siya tumitingin. "Ano ba yan! Kinakausap ka eh, hindi ka naman namam--" Tinapos agad ni Nathan yung sasabihin ko.
'Check your phone." Seryoso yung tono ng boses ni Nathan. Tumayo agad siya na hindi man lang tumitingin sakin. Ano bang problema niya? Wala naman akong ginagawang masama eh. Kinuha ko yung phone sa bag ko at nakita ko yung 19 messages ni Nathan. Sinundan ko siya sa kitchen, nakita ko siya na umiinom ng Moo habang nakatingin ng seryoso sakin.
"Nathan." Sambit ko. Tumabi ako sakanya at nag pout ulit. "Sorry na. Hindi ko naman alam na may text ka pala akala ko text lang ng load kasi sunod sunod, eh." Hindi ko alam kung naririnig niya ba ko, hindi man lang kasi kumibo. "Uy, sorry na." Tinusok tusok ko yung kaliwa niyang bewang kaya napapaasog siya.
"Oo na." Tipid niyang sagot. Tinignan niya ko at nag pout ulit. "Bati na tayo, baka kaya kitang matiis." Pagbibiro niya. "Minsan kasi matutong mag check ng text mamaya jan eh, si Mr. Kupido na yung nag text sayo hindi mo pa alam."
"Baliw 'to!" Pang aasar ko. "Penge nga ako nyan. Share your blessings dude." Kinuha ko agad yung Moo na hawak ni nathan at uminom. Ten years old palang kami favorite na namin 'to hanggang ngayon na malaki na kami.
Biglang bumukas yung pinto at niluwa nun si Allysa, staff ng restaurant. "Sir, may naghahanap po sa inyong babae sa labas." Tinignan ko si Nathan at binigyan ng 'Sino yun?' Look. "Sige po sir, una na po ako."
Hindi na-gets ni Nathan yung tingin ko at dire-diretsong lumabas ng Kitchen. Sinundan ko siya hanggang labas, may nakita akong isang babae tinignan ko agad si Nathan at ang sama sama ng tingin niya sa babae. Sino kaya yun? Nang makita agad nung babae si Nathan naglakad agad 'to papunta sakanya.
"Hi Nathan. Miss me?" Hinalikan nung babae si Nathan sa pisnge at pumalupot na parang snake sa braso ni Nathan. "Ang ganda naman ng Restaurant niyo, pwede tayong mag date dito." Ang laki ng ngiti niya. Teka, tama ba yung narinig ko? Date daw? Umubo ubo ako kunwari para mapansin nilang may tao na nakikinig sakanila. Tinignan agad ako nung babae mula ulo hanggang paa. "Miss pwede bang umalis ka jan? Nag uusap kami ni Nathan my baby. Wag kang tsismosa, Okay? Staff ka lang."
Umalis agad ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa harap nila ni Nathan. Tinignan ko yung babae mula ulo hanggang paa, mukhang maarte. "Hindi lang ako staff dito, Miss." Umalis siya sa pagkakapalupot niya kay Nathan at tumayo ng deretso, yung para bang pinagmamalaki niya yung hinaharap niya.
"Edi ano ka pa?" Mataray niyang tanong.
Ayoko sa inaasta niya ngayon. Masyado siyang mapagmataas pero seriously, ang liit niya. "Nathan, who's that girl?" Sabay kami nung babae. Pareho kaming nakatinggin kay Nathan at nakaturo kami sa isa't isa.
"Lian, pwede ba umalis kana, istorbo ka eh." Sambit ni Nathan. Nagulat yung babae sa sinabi ni Nathan at parang hindi siya makapaniwala.
"But nathan my baby-"
"Wag mo kong isama sa list ng mga baby mo, Lian." Pagtatapos ni Nathan sa sinabi nung Lian. "Okay, pwede ka ng umalis. Sinira mo yung pag uusap namin ng babe ko." Lumapit siya sakin at inakbayan ako. Pareho kaming nagulat nung Lian sa mga kinikilos at sinasabi ni Nathan. "Let's go babe." Naglakad kami papasok ng Restaurant naiwan yung Lian sa labas ng nakatulala.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.