Chapter 4: Twin brother
______________________________________
Nagising ako kinabukasan ng mga 5. Nakasanayan ko na yan, kahit 3 na ako matulog ganyang oras pa din ako magigising dahil sa panaginip ko.
Bumaba na ako at may naaamoy akong may nagluluto ng waffles. Pumunta agad ako sa kusina at nakita yung dalawang lalaking andun. What the hell?!
Dinaplisan ko silang dalawa gamit ang shuriken ko sa braso, at boom sapol!
"Ouch!" Daing nila.
No wonder they're twins. Napatingin sila sakin at nagulat.
Ako? Poker face.
Anong meron at gulat sila? Di ba sila nasanay na nagigising akong maaga kapag may napanaginipan akong hindi maganda?
"Anong ginagawa niyo diyan ng ganyan kaaga?" Tanong ko. Bukod sa tamad magluto ang dalawang ito, hindi marunong magluto si Seth.
Napangiti naman silang dalawa. What now?
"Nagluluto. Hindi ba halata?" sabi ni Seth. Hinagisan ko siya ng shuriken pero sinalo niya ito. Tss, ambagal.
"Ambagal niyo na. Training tayo lagi sa saturday since andito na din naman kayo. And ops! Walang kokontra. This is my house, so my rules" sabi ko. I train them even for self defense.
"Oo na. Tss. Pinaglutuan ka na nga ng breakfast. Tss" sabi ni Seth. Although si Jayce lang ang nagluto.
Niyakap ko naman silang dalawa, "I miss you both! It's been so long!"
Niyakap din nila akong pabalik, "Yie! Yan na si sam oh! Anlaki na niya! Miss ka din namin! After 2 years, nagkita din!"
Humiwalay na ako sa yakap at ginulo yung buhok nilang dalawa. Alam kong laging naiinis sia kapag ginaganun eh. Haha. And by the way, hindi ko pa pala siya naiintroduce sa inyo.
Si Seth Joey Anderson, 18 years old, and he is my older brother. Tinatawag ko siyang Seth.
Si Samuel Jayce Anderson naman ang twin brother niya, or should I say oppossite twin.
Si Seth ang super madaldal, playboy, mapangasar at kung ano ano pa. And Jayce, well, he is the exact oppossite of him. Tahimik, but he talks to me with long sentences sometimes, serious type, smart. Ang pagkaparehas lang nilang dalawa ay bad boy looks at pagiging OA kapag may kasama akong iba bukod sa mga kapamilya at gangmates ko. And super protective. But I never want to call them kuya anyways. No thanks.
Kumain lang kami at nagkwento naman si seth patungkol sa mga nakilala niya sa america.
Well, gaya nang sabi ko, hindi kami parehas ng tinitirahan at malayong lugar nila sa amin, pero sa america pa din sila, kaya hindi kami nagkikita for almost 2 years.
Natapos na kaming kumain ng breakfast at nilagay na namin sa sink yung pinagkainan namin. Pumunta kami sa living room at umupo ako sa couch habang nakataas yung paa ko.
"What brought you here?" Tanong ko. Curiosity kills. Baka naman mamaya may problema na.
"Eh, miss ka na namin eh!" Sabi ni seth habang may kinakain pa.
Nerds yata yun? Hm, basta ganun.
"Besides that" sabi ko. Napatingin naman ako kay jayce, but he shrugged.
Hmm, I guess yun nga lang.
"Fine. How long will you stay?" tanong ko sa kanila. No offense, ayokong may nangugulo sa akin kaya ayaw kong nandito sila.
"Just for 3 days. I have concert that will be held in hawaii and he has modelling there, too. Kaya ayun, sabay nalang kami" sagot ni seth.
Yep, famous singer si Seth while si Jayce ay famous sa modelling. Pag pinagsama sila, they are famous for dancing. Well, kasama ako dun and we are called trios kaso I quit kaya duo nalang sila.
"Ahh, well. Gotta go. School is waiting" sabi ko at tumayo na.
Muntikan ko na ngang nakalimutan eh. Mabuti na nga lang at may gana akong pumasok sa first day. Nakakamiss na rin naman kasi magaral.
"You're going to school again? I thought you're a graduate student already?" Tanong ni jayce. I shrugged.
"I dunno. Sabi ni tanda eh" sabi ko. Napatawa naman sila ng mahina.
"Tanda pa din talaga ang tawag eh" sabi ni jayce na nagpalakas lalo sa tawa nila.
I smiled at the thought that they are happy despite the things we are in between. Hindi naman nila ako nakikitang nakasmile since nakatalikod ako sa kanila.
Umalis na ako dun at dumiretso sa kwarto ko. Naligo lang ako at nagbihis na ng school uniform. Tinali ko yung hair ko into a bun style at sinuot yung contacts with nerdy glasses. No worries, I dyed my hair into black para hindi ako masyadong stand out.
I hate attention.
Kinuha ko na yung susi ng veyron ko at lumabas na ng kwarto. Nasaktuhan naman ako ni Seth. Gulat na gulat nga eh.
"Hoy, sino ka? Isa ka sa stalkers ko noh? Well sorry ka. Jayce, may ibang tao dito sa loob ng bahay!" Sigaw niya at dumating naman si jayce.
Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang narecognize niya ako dahil nakasmirk siya.
"Hoy jayce, kita mong may ibang tao sa bahay tapos nakasmirk ka? Don't tell me na type mo itong panget na ito?" Sabi niya habang nakatingin kay jayce. Napatawa naman kami ng konti.
"Relax Seth" sabi ko lang at lumabas na. Sumakay naman ako sa kotse ko at dumiretso na sa likod ng bahay na bagong bili.
Pinark ko yung sasakyan ko sa underground parking na nirequest ko sa workers kahapon. Umakyat na ako sa bahay and viola! Nasa first floor na ako.
Tss.
Nilagay ko yung mga damit sa cabinet since simple nga ang style ko dito at humarap ako sa salamin.
Actually, para sa akin, parang wala pa din pinagbago looks ko. Halatang halata pa din na ako ito. Nilagyan lang ng contacts, nerdy glass, black hair, then long school palda and blouse.
Ooopps, muntikan ko na makalimutan.
Kinuha ko yung magic cream at inapply ko sa batok ko. I have a tattoe there -a crown tattoe- that symbolizes i'm the queen. Nilagyan ko din ng magic cream yung sa leeg ko -a broken hearted shape - that symbolizes i am deadly viper.
Tinignan ko yung sa may right wrist ko. Lalagyan ko pa ba? Wag na. 3 circles lang naman siya na color black. Sinunog siya gamit yung cigarrette-like at diniinan para bumakat yung bilog.
I can't deny the fact na masakit, but I can deny the fact na nasasaktan ako.
Lumabas na ako ng bahay at nilock ito. Tatawid sana ako sa kanto ng may humarurot na sasakyan sa tabi ko.
Hindi naman ako natamaan because of my speed pero hininto niya yung sasakyan niya. Binaba naman nung lalaking nag-drive ng dodge viper ang bintana at sinigawan ako.
"Hoy miss, next time huwag kang humarang sa daan!" sigaw niya sa akin with his deep voice that is trying to stay cold.
Hindi ko siya makita kasi nakayuko ako, pinipigilan kong sumuntok eh.
Narinig ko na pinaandar niya na yung kotse niya at umalis na. Phew, buti umalis yung gago na yun, kundi ay hindi na ako makakapagtimpi.
Tinuloy ko ang lakad ko. Dumiretso na ako sa loob ng campus, at gaya ng nasa isip ko ay madaming nakatingin sakin.
And even now, I still got their attention....
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...