P54-First Official Day

3.6K 76 4
                                    

--------------------------

Kei's POV

Witwiw! Andaming magaganda dito sa southern isle recreational park *.*

"Daming sexy" bulong ko na narinig ni irish. Binatukan niya ako, "hoy. Shonga ka. Andito tayo para maglaro. Hindi para gumana yang pagka-playboy mo" sabi niya.

"Tss, pake mo? Andaming maganda eh. At di pa naman kami maglalaro" sabi ko. Inirapan naman niya ako. "Kulang nalang, iisipin kong girlfriend kitang nagseselos eh" sabi ko. Binigyan naman niya ako ng death glare sabay tingin ng parang nandidiri, "yuck! Ampangit mo! Bakit naman ako magkakagusto sayo? Feeling mo!" Sabi niya at umalis.

"Aso't pusa kayo ah?" Sabi sakin ni darren at umakbay. Umakbay din naman si Karl, "oo nga. Madaming nagkakadevelopan diyan" sabi naman niya.

Tinanggal ko yung pagkaakbay nila sakin, "di ako pagpatungan ng kamay niyo, kaya tigil tigilan niyo ko. Tss" sabi ko sa kanila.

"Hay nako. Bahala ka diyan. Magiging lonely ka niyan" sabi ni darren. "Bakit naman?" Tanong ko.

Nginuso naman niya yung nasa likod ko kaya napatingin ako dun. Si irish, may kausap na iba. Tss, pinapainit niya yata ulo ko ah? "Sabi niya kanina nandito tayo para maglaro. Tignan mo nga naman ang nangyari" bulong ko.

"Inlab ka na yata pre" sabi sakin ni Karl.

"Hoy hindi ah" sabi ko. Tumawa naman sila, "kulang nalang iisipin ka naming boyfriend niyang nagseselos" sabi nila. Yan lang sinabi ko kanina ah?

"Aish! Bahala kayo diyan" sabi ko at umalis. Huli na nung malaman kong papalapit na ako kila irish.

"Available ka mamaya?" Tanong nung lalaki sa kanya. Tss, anlandi naman nitog lalaking ito. Ngumiti naman si irish, "oo naman. Bakit?" Painosenteng tanong niya. Kala mo naman hindi niya talaga alam eh.

"Kita sana tayo sa ma--"

"Sorry pre, hindi siya pwede" sabat ko at inakbayan si irish. Nagtaka naman siya, "sino ka naman?" Tanong niya.

"Keifer nga pala, boyfriend nitong babaitang ito" sabi ko at ginulo yung buhok niya. "Aish! Bwisit ka. Hindi kita boyfriend!" Sabi naman ni irish.

"Sorry na kasi. Tara na dun. Huwag ka nang magtampo" sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng glare at umalis na yung lalaking kausap niya.

"Ito naman, hindi mabiro" sabi ko sabay tawa.

"Tss, dahil sayo umalis na siya! Tss, sayang naman. Gwapo pa niya" sabi niya. Napatigil naman ako sa pagtatawa at tumingin sa kanya, "andito naman ako eh. Gwapo na nga, macho pa" sabi ko at nagtaas baba ng kilay.

Bigla niya akong sinuntok sa tiyan kaya napa-upo ako. Shet, anlakas niyang manuntok....

"Hayop ka. Wag kang feeling! Aish" sabi niya at umalis na. Lumapit siya dun kay tory, buti naman at hindi na lalaki ngayon. Ay, ano bang nangyayari sakin?!

"Ayos ka lang ba pre?" Tanong ni jarred at naglahad ng kamay. Inabot ko naman ito at tumayo na. "Anong nangyari?" Tanong niya.

"Anlakas manuntok ni irish. Suntukin daw ba naman ako sa tiyan?" Sabi ko. He chuckled, "yeah right. Isang babaeng playgirl? Don't think so" sabi niya.

"Tss, edi wag kang maniwala. Kung ikaw lang ang nasuntok, ganyan din sasabihin mo" sabi ko at napairap sa kawalan. Nagiging bakla na yata ako ah?

"Oo nga pala. Punta daw tayo sa meeting room" sabi niya. Tumango nalang ako at umalis na kami.

Dumiretso kami sa meeting room na sobrang lawak. Nandun na kaming lahat. Andaming estudyanteng taga-ibang school ang nandito. Nakita ko naman yung mga kasamahan namin kaya sumama na kami dun.

"Welcome, students to the univeristy sports festival! I am glad to announce that starting this day will be the first day of USF. As you all know, this will last four daysp, so it will be until friday.

For now, i would like to congratulate you for entering this USF. Now, i want all of you to know the schools participating this USF and their leaders with co-leaders" sabi nung emcee.

"I would like to call Ashley Zamuro with their leader, Zac Estevans from the school of Antarte University" sabi niya ulit. May tumayo naman na dalawa at pumunta sa harap.

"Kaycee Anne Devarnes with their leader, Edward Jobhert Domingo from the school of Malaneste University" sabi ng emcee. Tumayo din naman sila at pumunta sa harap gaya ng kanina. Edward joseph? Ito yung malanding kausap ni irish kanina ah? Kaya siguro Malaneste yung univeristy na pinasukan niya, Malandi plus Peste. Tss...

"Manuel Lacson with their leader, Ashton Greyson Dipante from the school of Greathills University" sabi nung emcee at pumunta sa harap yung dalawa. Makalakad akala mo astig. Di porket maraming tumitiling babae, gwapo na siya sa paningin ko! Mas gwapo pa din ako noh.

"Last but not the least, Jeydon Vincent Jimenez with their leader Victoria Anderson from Jimenez University!" Sabi nung emcee.

Tumayo naman si leader (tory) at si boss (jeydon) at pumunta na sa harap.

"Sure silang hindi sila nagkamali?"

"Isang nerd ang leader? Tss, talo itong mga ito"

"Yuck! Ampanget ng leader! Bakit di nalang siya tanggalin! Sayang yung co-leader oh!"

"Oo nga, gwapo pa naman ng co-leader!"

Yan ang mga maririnig mong bulungan ngayon. Tss, kala mo ang gaganda nila. Kapapanget naman nila -.-

"Okay, now you all know. Students, this is the first official day of USF! You may now get ready with the upcoming sports. Thank you for listening" sabi ng emcee. Yun lang pala, pinapunta punta pa kami. Tss.

Bumaba naman na si leader na nakapoker face, as usual, kasama si boss na tumitingin tigin kay leader. Nadevelop ba itong dalawang ito? Ayie naman! Buti pa sila xD kailan kaya sakin?

"Follow me" sabi ni leader kaya sinundan namin siya. Pumasok kami sa isang room kaya nagsiupuan na kami.

"There are rules listed in front. Hope na basahin niyo at sundin niyo lahat ng iyan kung hindi ay madi-disqualified tayo" sabi niya. Geeze, ang cold na naman niya :(

May nangyari bang away kay leader at boss?

"Sa araw na ngayon ay may mga nagkasabay na sports, merong hindi. Ganun din ang mangyayari sa mga susunod na araw. Kung meron mang double plays, ang mangyayari ay school vs school at kung sino ang mananalo dun ay kakalabanin yung nanalo sa kabilang laban. For now, ito ang mga sports na ngayon gaganapin:

8:00 Chess

        Table tennis

10:00 Lawn tennis

11:00 taekwondo

2:00 volleyball

3:30 archery

4:30 basketball (first match. Malaneste univeristy Vs. Greathills University)"

"Eh paano kung may game ako sa chess then may game din ako sa table tennis?" Tanong nung isang babae. Napatingin naman sa kanya si tory, "apparently, mamimili ka kung alin dun. Matatanggal ka sa isa at mag-aassign ako ng iba"

"Ah. Thanks" sabi niya at nanahimik na.

"Any questions?" Tanong ni tory. Wala namang sumagot. "Okay. Walang may tanong. Lahat maghanda na para sa mga maglalaro. Meeting adjourned" sabi niya at lumabas na.

May binigay naman sa amin na papel yung si amie at si alya.

Tinignan namin ito, ahh, yung map lang pala.

Nagsilabasan na din naman kami at naghanda na.

---------------------

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon