P80- For Protection?

2.7K 72 0
                                    

Kei's POV

Parehas kaming nagulat ni tory nung nagring cellphone ko. Narinig kong tinanong niya kung sino ang nandito kaya agad akong sumakay ako sa kotse ko. Habang nagmamaneho ay sinagot ko yung tawag, "pre? Asan ka? Biglaan ka naman nang umalis. Si red andito. Nandito kami malapit sa arena" sabi ni karl.

"Grabe kayo. Nice timing talaga kayo kanina. Bwisit kayo" sabi ko sabay iwas dun sa kotse. "Pre, nasaan ka ba?" Tanong naman ni red

"Manahimik nga muna kayo. Nag-da-drive pa ako" sabi ko. Buti isa lang yung kotseng nandito. "Nasa racing ka?" Tanong niya. "Wala. Teka lang muna" sabi ko.

Napatingin ako sa kotseng nakalampas sa akin, shet si tory na ito! Patay tayo dito.....

Bigla ko naman agad hininto yung sasakyan ko nung pinarada niya yung kotse niya sa harap ng kotse ko. Bigla naman siyang bumaba ng kotse niya saka tinutok sa akin yung baril. "Labas ka diyan sa kotse mo kung sino ka man" sigaw niya.

Binuksan ko naman yung pintuan ko ng kotse, "teka kang. Hinay ka lang tory. Ako lang ito" sabi ko. Nagulat naman siya pero hindi niya binaba yung baril niya. "Bumaba ka diyan at sabihin mo sa akin kung ano ang mga narinig mo kanina" sabi niya.

Bumaba naman ako ng sasakyan ko, "uhm... Lahat.... Lahat ng sinabi mo kanina narinig ko. Magmula nung kadarating mo lang sa puntod ng daddy mo" sabi ko.

"Pre! Kasama mo si tory? Asan ba kayo? Ang gulo niyo. Anong pun--" sabi ni karl sa cellphone ko. Ngunit nagulat ako nung nagpaputok siya. Yung cellphone ko ang pinaputokan niya.

Tinago naman niya yung baril niya sa likod niya. Sakto naman nakalampas yung kotseng nilampasan ko kanina saka niya nilabas ulit. "Teka lang ha. Anong meron at may baril ka?" Tanong ko.

"Dark. Lock" sabi niya. Ewan ko kung anong nangyari nung sinabi niyang yun pero meron sigurong nangyari.

"Steady ka lang" sabi niya saka inikutan niya ako. Kinapkapan naman niya yung bulsa ko. "Anong mga device dala mo?" Sabi niya. Nagtaka naman ako, "device? Cellphone lang dala ko" sabi ko.

Pumunta naman siya sa kotse ko at binuksan bawat drawer dun. Lalapit sana ako ng tinutukan niga ako ng baril niya, "woah, easy lang. Nerd na superstar na may dalang baril. Tell me, sino ka ba talaga?" Tanong ko.

"Ako yung hindi mo na kailangang pansinin" sabi niya saka lumabas na ng kotse ko pagtapos niyang pagkakalkalin drawer ko. Tinaasan niya ako ng kilay, "playboy. Kadiri ka" sabi niya.

"Hoy. Anong kadiri ka diyan? Baka ikaw" sabi ko naman. Nilabas naman niya yung box kong nakatago dun.

0.0

"Tell me, anong ginagawa mo sa mga condom na ito? Tagal na nito ah?" Sabi niya. Di naman ako nakasagot kaya napasmirk nalang siya, "playboy" sabi niya. Tinapon naman niya yung box ko sa isang gilid saka pinaputukan ng ibang klaseng baril kaya nagapoy. Nice. Saan ba siya nakakakuha ng ganung baril?! Bakit ba meron siyang ganun?!

"Nakita mo naman siguro yung nangyari sa condoms mo noh?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at tumango. Nagulat nalang ako ng nakalapit nalang siya biglaan sa akin, "ganun ang mangyayari sayo kung ipagkakalat mo mga sikreto ko" bulong niya sa tenga ko.

Biglaan lang, naramdaman kong she's creeping me out. I am shivering. The hell?! Siya palang at yung gangster princess ang nakakagawa sa akin nun ah! Sino ba talaga ito?!

"Teka, anong mangyayari sa akin? Yung papatayin mo ako o yung gagawin mo akong condom?" Tanong ko. Tinapat naman niya yung baril sa mukha ko, "ano ba sa tingin mo? Maling sagot papatayin kita"

"Sabi ko nga. Uhm.... Ano nga ba? Uhm..... Papatayin mo ako?" Hula ko.

"Tang ina lang. Pinapahirapan mo pa ako eh. Anyways, ingat ka nalang sa buhay mo. Bantay sarado ka na ngayon" sabi niya saka pumunta sa kotse niya.

Kukunin ko sana yung frrezer ray kong maliit kaso wala na pala sa bulsa ko. "Oh, looking for these?" Sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya at hawak hawak na niya yun saka nakasmirk, "told ya. Bantay sarado ka na ngayon. Hindi lang sa akin, kundi sa iba. Ingat ka nalang, pati sa mga kaibigan mo" sabi niya saka tumalikod sa akin.

"Dark, unlock" sabi niya saka binuksan naman niya yung pintuan ng kotse niya.

"Tell me kung bakit kailangan mong itago ang sarili mo sa lahat? Kaibigan mo ay nandiyan, handang tumulong sa iyo... Pero pinagtataboy mo lang sila. Wala nga din silang alam patungkol sa pamilya mo, bakit di mo pa ipaalam?" sigaw ko sa kanya.

"All i need is for everyone to understand. Gaya ng sabi ko kanina, bantay sarado ka at ng mga kaibigan mo. Lahat ng mga nakakahalubilo mo. Kahit nakausap mo lang na hindi kilala. Maaari na nilang patayin. At sa bawat nakakaalam nito, wala na silang pake kung may makakakita sa kanila, pero papatayin ka na nila agad" sabi niya saka umalis na.

Is that it? For protection? Kaya siya umiiwas na sa kanila, sa amin kanina ay para lang maprotektahan kami? This is a complicated situation. Wala dapat makakaalam nito. Delikado na din si red sa pagreresearch dito.

Sorry guys, sabi ng isip ko ay mas dapat paniwalaan ngayon dito si tory. Hindi ako sigurado pero dito ang tinuturo ng isip ko. I think i trust tory for this kind of situation kahit di ko siya ganoong kakilala.

I need a year to be alone. I need to be alone hanggang maayos na ni tory ang lahat ng mga nangyayari. For now, i am gonna risk my life rather than to risk my bestfriends life.

Wala na din naman akong magagawa kundi sorry nalang ng sorry gaya ng ginawa ni tory dahil wala naman ng makakaintindi sa kanya eh.......

So, i am so sorry guys.....

------------------------
Next update on saturday :)

~Ishia<3

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon