Chapter 30: New students
___________________________________
Victoria's POV
Natapos na din ang meeting. Finally.
Pinacancel ko na din pala yung meeting bukas na magaganap sana ngayon. Ginawa kong sa saturday, tapos pinasurvey ko nalang kay Amie yung mga workers. Nalaman ko din na baguhan lang siya. And I still don't effin care.
"Who the fuck placed an alarm clock outside my room?!" Sigaw ko habang pababa at pumunta sa living room. May mga naglilinis dun eh.
"Ah-eh, si--"
"Don't worry, ako lang naman" sabi ni-
"What the hell are you guys doing here?" I said coldly.
"Relax. Ang hirap mong gisingin kaya! Hindi kami makapasok sa kwarto mo kaya nilagyan nalang namin ng alarm clock at microphone" sabi ni Roanne. Totoo yung sinabi nila.
"Aba't improving na langguage mo conyo?" Asar ko. Sumingit naman si Ynah, "Wag kayo, pinagaralan niya yata yung buong dictionary kahapon. Hahaha, nakita namin ni Yra na nagbabasa siya"
Nagtawanan naman sila kaya nakitawa na din ako. Of course, usual tawa ko na nakasmile lang ng onti na parang naka-smirk.
"What? Sabi niyo improve ko langguage ko eh" sabi niya at inirapan niya kami. Dumiretso naman kami sa kusina at kumain. After nun, pumasok na ako sa kwarto ko at naligo.
Nagsuot lang ako ng short at t-shirt at saka lumabas na. Wala naman sila sa living room kaya dumiretso na ako sa simple kong bahay. Dun ako nag-bihis ng uniform at naglagay ng eche bureche. Pumasok na ako sa school ko pagkatapos.
Nagkwekwentuhan lang kami ni jansen, by I mean kwentuhan... Siya taga-salita at ako taga tango o comment ng "mhm" at "ah". Ilang saglit lang ay dumating na yung magaling kong pinsan at may silay pang ngiti. I don't like this, by the looks of it.
"Good morning class! So... May bago ulit kayong classmates" Masaya niyang sabi. Bahala sila diyan. Iidlip muna ako.
"Good morning classmates!" Sabay sabay nilang sabi. Apat sila at kilala ko kung sino sila. Napamulat agad ako ng mata.
"What are you doing here?!" Bigla kong naisigaw with matching tayo pa.
And....
Napahiya si Yory dahil naalala ko na hindi ako si Samantha, si Tory ako.
"Nevermind" sabi ko at umupo ulit. Napatawa naman sila ng mahina lalo na yung apat sa harap.
"I am Shainah Jasmine Montefalco! Ynah for short"
"I am Shairah Janine Montefalco! Twin ko si Ynah and Yra for short"
"I am Irish Catelyn Zallejo. Irish"
"I am Roanne Paula Valdez. Roanne or Anne if you like" sabi niya at nag-wink pa.
Nagsigawan naman yung mga walang hiyang lalaking classmates ko. Mga walang hiya nga naman. Kasama na din dun ang Phantoms.
"Okay newbies, you may take your seat on the second row. So as I tod--" sabi ni pinsan nang may kumatok sa pinto. Buti nga. Makarma sana yung apat mamaya.
Kinausap lang ni insan yung nasa labas at saka pumasok din.
"Okay. So may tatlong classmate pa kayong naliligaw" sabi niya in a bored tone. Aba't first day ba ngayon at ngayon sila nagsisipasukan? Di nila ako ininform, sa end ng school year nalang sana ako pumasok.
"Good morning! I am Catherine Pascua, from Saint Hemmintons in California. Glad to meet you" sabi nung isang babae. Wala, di ko kilala mga ito.
"I am Joshua Michael Saliento, 17 years old and still single. But my heart is taken" sabi niya at nag-wink kay Roanne. Nako. Conyo girl pa ang gusto. Inirapan naman siya ni roanne. Good luck sayo.
Pumasok naman yung isang lalaki. Infairness, gwapo pero may sugat gaya ko. Sakin sa cheeks lang, sa kanya ay malapit sa mata tapos parang may paso sa kamay? Bakit parang familiar siya?
Matangkad, blue eyes, maputi pero mas maputi ako, mukhang mayaman.....
"Good morning. Calvin Jearick Suarez. 17 years old" sabi niya. Napaupo ako ng maayos and he looked at me. That is the moment when my world has turned up side down.
C-calvin......
H-he's a-alive......
Nginitian niya ako at umupo na siya. H-he...
He doesn't remember me?
"Nerd, okay ka lang jan?" Tanong nung katabi ko. Napatango nalang ako ng dahan dahan. Yumuko na lamang ako at hindi na nakinig.
Lumipas ang oras at nasa loob lang ako ng room. Pinauna ko nalang si Jansen at pinasama ko siya kila Roanne. S-should I t-talk to him? I think it is best to talk to him now.
Lumabas ako ng room at pumunta sa canteen kaso wala na siya dun. Sakto ding nag-bell. Ganun ba ako katagal para mag-space out?
Wala akong choice. Bumalik na ako ng room at andun rin siya. Hindi kami m-magkakilala...
I miss my best friend...
Lunch time na nang tinawag ko siya, "Uhm.... Calvin wait!"
Huminto naman siya sa paglalakad at napalingon sakin. Nilapitan niya ako at napangiti, "Yes?"
Those smile....
Those smiles Ihave been missing. And the one who smiled, I missed him so much! Mature na ang best friend ko! Kaso...
Naaalala niya pa kaya yung kasalanan ko sa kanya?
I just did it to protect him...
"Uhm... Kilala mo ba ako?" Tanong ko. Umiling siya, "Kami lang naman ang naabutan kong mag-introduce eh. Pwede ko bang malaman?"
No... Ayoko na mawala ulit siya sakin. I won't let him remember my nickname....
Our nickname.....
"I'm Victoria Anderson. Tory for short" sabi ko at nakipagkamayan sa kanya.
"Oh, hi Tory. Calvin nga pala" sabi niya at nakipagshake hands sakin.
"Uhm... Okay lang ba kung maging friends tayo? I mean nerd ako. You're one popular guy" sabi ko. Tumango naman siya, "Oo naman. Wala namang problema dun, kahit nerd ka pa. No betrayal?"
Tumango nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Gusto ko siyang maging kaibigan ulit eh.
"May kasabay ka bang kumain?" Tanong ko. Napailing naman siya.
"Gusto mong sumabay samin?" Tanong ko.
"Osige, basta payag mga kaibigan mo" sabi niya. Tumango naman ako at napangiti.
"Tsk" rinig kong sabi nung epal na si Jeydon na sinadyang maglakad pa sa gitna namin.
Papansin nga naman.
KSP.
********
Sabay kaming pumunta sa canteen at nagbulungan na naman sila. Kesyo bakit daw kasama ng isang nerd ang isang hottie?
Tss.... Pake ba nila?
"Yow! Tory-- and friend, Calvin" sabi ni ynah.
Ngumiti si calvin, "Hello. Pwedeng makisabay sa inyo?"
Tumango naman sila kaya ayun, sabay sabay na kaming kumain.
***************************
Me- Calvin- Roanne
-----------------table------------------
Jansen- Irish- Ynah- Yrah
***************************
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...