Chapter 41: Rock, Paper, Scissors
______________________________________
Victoria's POV
May nararamdaman akong kumakapa sa cheeks ko.
"Gising na, andito na tayo" sabi ng isang lalaki gamit ang isang malambing na boses. Bakit ganun? Nakakaantok yung boses nung lalaki?
Kinusot ko mata ko at binuksan ng ilang saglit. Nakita ko naman agad yung mukha ni Jeydon kaya napaayos na ako ng upo. Shit, oo nga pala. Nasa bus pala kami.
Nakita ko naman na andaming nakatingin sa amin. Si Anne nga eh pinipicturan na ako tapos parang kinikilig pa.
"What?" Sabi ko nang nakakunot ang noo.
"Ang cute niyo. Bagay kayo!" Sabi niya sabay pakita yung picture na tulog kami.
Yung kamay niya ay nakapatong sa shoulders ko tapos nakasandal siya sa ulo ko. Nakasandal naman ako sa shoulders niya. May nakasaksak naman na earphones sa tenga ko at yung isa naman ay nakasaksak sa tenga ni Jeydon. Tapos may kumot din at share kami.
Wow, ganyan pala kami kanina.
Wait, saan galing yung kumot?
"Tss" sabi ko at in-off na yung tugtog. Tinago ko na yung phone ko at headset sa bag at tumayo na. Nandito na pala kami sa airport.
Pumasok na sila at nagpaiwan na muna ako sa labas. Hinahanap ko yung kotse kong si Dark.
"Dark, come here" sabi ko sa relo ko. Lumapit naman agad siya.
May lumapit naman sa akin na staff ng airline namin at namukhaan ako. Yumuko naman siya, "Welcome Ms. Anderson, may kailangan po ba kayo?"
"Dadalhin ko itong kotse ko sa Southern Isle" sabi ko.
"Masusunod po" sabi niya saka nag-bow at umalis. Tatawag siguro ng mag-drive.
Iniwan ko nalang yung susi ni Dark ko at pumasok na sa loob ng airline. Nandun naman yun mga kasamahan ko sa isang dulo.
Habang papunta dun ay madaming staffs ng airline ang yumuyuko sa akin. May mga nakakakilala sakin kahit nakadisguise ako, yung iba hindi kaya binubulungan sila then mag-bow sila sa akin.
"Tagal ah?" Sabi ni Ynah.
"May inasikaso lang. Car ko" sabi ko at tumango naman sila. Naiintindihan naman na nila siguro iyon kaya hindi na sila nagtanong.
Naglalakad kami para kunin na nila yung baggage namin at nagbobow talag sila sa akin. Tinapik naman ako ni Kei, "Bakit sila ang nag-bobow sayo?"
Dahil ako ang may ari.
Yan sana gusto kong sabihin kaso I just shrugged. No one must know yet.
Sumakay naman na agad kami sa eroplano. And guess what? Katabi ko nanaman si co-leader. Ang maganda lang dito ay katabi ko yung window.
Window-- Me-- Jeydon-- Calvin-- space-- Jarred-- Anne-- Jansen-- window
Window-- Kei-- Irish-- Darren-- space-- Ynah-- karl-- Yra-- window
(The rest)
Nag-ring yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bag at sinagot ito.
"Ma'am, nandito na po kami sa airplane. Asan po kayo?" Tanong ni Amie. Tumayo naman ako at tinignan yung mga nasa likod. Nakita ko naman siya, "Nakatayo ako. Black hair at nakaeye glass"
Nilingon naman niya bawat estudyante at nakita niya ako, "Nakita ko na po kayo. Dito po kami naassign"
Tumango nalang ako at umupo. Sumandal muna ako sa window at pumikit habang nagpapatugtog sa earphones.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Hành động[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...
