Chapter 49

3.7K 82 2
                                    

Chapter 49: Her Dream

______________________________________

Alya's POV

(The day after nung nahilo siya)

Nagising ako ay gabi na. Napatingin ako sa buong kwarto. Teka nasa kwarto na ako?

Ang naaalala ko lang ay kumakain kami. Tapos- nahilo ako. Halla, istorbo ba ako kay Ms. Anderson?

Umupo ako sa higaan ko nang may nagsalita, "Alya, gising ka na pala"

Si Amie pala.

"Ah, oo eh. Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Nahilo ka nung kumakain tayo kanina. Kamusta ka na? Masakit pa din ba ulo mo?" Alalang tanong niya. Umiling ako.

"Ayos na ako" sabi ko.

"Bakit ka ba nahilo?" takang tanong niya.

"Parang may naaalala ako eh" pagaamin ko. Napanaginipan ko nalang basta basta.

"Halla! Kung meron pala, dapat sinabi natin kay Simon" sabi niya. Umiling ako.

"Hindi na. Okay naman na ako" sabi ko. May nararamdaman akong kakaiba dun eh.

"Kwento mo nga naalala mo" sabi niya at umupo sa tabi ko. Sinimulan ko naman ang pagkwekwento.

Dream~~~

Nagising ako, bakit ako nandito? Isang kwarto na color light pink. Tumayo ako at inalala ko kung nasaan ako.

Bakit wala akong naalala? Baka siguro dinala ako dito ni Ms. Anderson.

May kumatok naman sa pinto at pumasok. Isang batang babae. Di ko maaninag yung mukha dahil malabo.

"Good morning mommy!" sabi niya. M-mommy?

Napahawak naman ako sa ulo ko.

"Good morning anak" sabi ko naman. Bakit di ko macontrol sarili ko?

"Ma, okay ka na ba? Antaas ng lagnat mo kagabi eh" sabi niya na nagalala.

"Ayos na ako princess. Asan na yung kambal?" tanong ko.

"Andun po, tulog pa din po. Gisingin natin?" nakangiting tanong niya. Napatango naman ako at tumayo na. Di ko na talaga makontrol katawan ko.

Pumasok kami ng tahimik sa kwarto nung kambal ba iyon?

"May earthquaaaaake!" sabay na sigaw namin. Nahulog yung isang lalaki sa kinahihigaan niya.

"Sammy! Mommy! Kapag kayo, nahabol ko!" Sigaw nung lalaking nahulog.

"Waaaaaah! Ma, tara na!" Sigaw nung Sammy kaya bigla kaming tumakbo pababa habang nagtatawanan.

Naghabulan kami sa living room hanggang sa may dumating isang lalaking gwapo. Omg! Ang gwapo niyaaaaa!

Feeling teenager naman ako.

"Honey, nag-prank na naman ba kayo?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. A-ano daw? H-honey? S-so asawa ko s-siya?

"Oo hon. Yung kambal, hinahabol nila si Sammy sa labas." sabi ko bigla. Nakatago kasi ako sa may couch namin eh. Pero, teka. So, siya ang asawa ko?

Omg! Best dream ever!

"Hon naman, baka mapagod yun. Ang kulit pa naman nila" sabi niya. Umiling ako.

"Di yan. Mabilis si Sammy tumakbo, di nila mahahabol yun" sabi ko habang nakangiti. Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko nung hinakawan niya kamay ko at pumunta sa garden habang naakbay siya sakin. Shet, kinikilig ako. Sana totoo ito.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon