---------------------
Victoria's POV
Nagising ako ng mga 4 dahil nagalarm ako. May 4 akong baon na alarm clock eh, ayun, sira na ngayon yung isa. Haha, lol.
Naligo na ako at nagpalit ng loose t-shirt at saka kogging pants plus cover ko. Naglagay lang ako ng 2 extra shirt at jogging pants sa backpack at siyempre, yung usual kong dala.
Lumabas na ako ng unit ko ng mga 4:48. Mabilis ba ako? Hindi. Mabagal pa yan. Tinatamad pa nga ako eh.
Dumiretso agad ako sa breakfast hall at nandun na yung mga cook at nagluluto na sila. Very good.
Dahil naiinip na ako dito ay pumunta ako sa cctv room. Bawat kwarto dito ay may cctv. Siyempre except sa bathrooms. Nakita ko naman natulog pa sila.
Ganun ba sila kabilis matapos maligo kung 20 minutes nalang ay dapat nandun na sila sa breakfast hall at ayos na gamit nila?! Tss. Manggigising na ako kung 5 minutes nalang ay 5:20 na.
Pasalamat sila at mangigising pa ako. Sa mga susunod na araw, hindi na. Nang maranasan nila ang oil spitting.
Naglaro lang ako sa swivel chair at hinihintay silang magising. May mga nagising na din, mga 6 lang at nadagdagan ng 4. Kasama na dun si irish, ynah, at jansen. Nakita ko na lumabas agad ng room si irish at ynah at ginising pa yung tatlo kaya ngayon ay 13 na.
Naligo na sila at nagayos ng gamit at minadali nilang pumunta sa breakfast hall. Aba ah. Naranasan kasi nila yung oil spitting sakin nuon. Hehe, *insert evil smirk* lol.
Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa ng jogging pants ko at sinaksak sa player ng 4'th hanggang 6'th floor. Hahaha, bwisit mga reaction nila, hahaha, nakakatawang panoorin!
Nirecord ko mga reaction nila at sinave ko sa cd. Bumaba na din ako at pumunta sa breakfast hall pagkatapos nilang magising lahat. Now they know my alarm.
Anne's POV
Gosh! Buti ginising ako ni irish kundi late ako sa pag-gising. Baka maranasan ko ulit yung oil spitting na yan or yung alarm niya! Nakakairita talaga yang dalawang yan, promise! Shems....
"Gising na siya kanina pa" sabi ni yra.
"Paano ka nakakasigurado?" Tanong naman ni jansen. Tinuro niya yung bag na nasa isang upuan. Bag niya nga ito. "Aga niya. Asan kaya siya?" Sabi ni ynah.
"Asan pa ba edi nasa cctv room. Alam mo naman yun. Tss, naalala ko na naman yung pinanood natin. Akala ko movie pero yun lang pala paggising niya" sabi naman ni irish.
I admit, pati kami natawa sa reaction namin pero nakakainis pa rin kapag ginawa sayo yun. Sakit sa tenga eh.
"5:26 na. Malapit na!" Sabi ko biglaan ng malakas kaya narinig ako ng mga kasamahan namin. 13 nga lang kami dito eh. Lumapit sa amin sila at nagtanong, "malapit na ang alin?" Tanong nung babae.
"Hahaha, yung alarm ni iya. Malalaman niyo din mamaya" sabi ko. Napakunot naman noo nila, "iya? Sino iyon?" Tanong naman nung isa nilang kasamahang babae.
"Si tory. Yung leader natin" sabi naman ni irish. Napa-ahh nalang sila.
"Btw, ako si trixie. 3'rd year" sabi ng isa. Nagpakilala nga silang lahat eh.
"Jasmine. 3'rd year"
"Ashley. 1'st year"
"Grey. 2'nd year"
"Austin 2'nd year"
"Mackenzie. Mack for short. 1'st year"
"Eman. 1'st year"
"Lahat kami 4'th year. Ako nga pala si roanne, pwedeng anne nalang. Sila naman si irish, yra, ynah, at jansen. Huwag na rin pala kayo mag-ate. Okay lang samin"
"Wala na kayong ibang close? Kayo lang?" Tanong ni yra. Umiling naman sila, "tulog pa sila" sabi ni ashley.
"Bakit di niyo sila ginising?" Tanong ni ynah. Nagpigil naman sila ng tawa, "para makita namin kung anong mangyayari sa amin kapag na-late kami ng gising" sagot nila. Tss, talino. Buti nalang at ginising kami. Nyahahaha xD
"Oh, 5:47 na pala. I wonder kung tapos na?" Sabi bigla ni irish. Oo nga noh. Di namn napansin. Hahaha.
May bigla namang pumasok, si tory.
"Tory, good mood ah?" Biglaang sabi ni yra. Tumango lang siya at binigyan kaming lahat ng cd. "Loko ka tory. Hahaha, ito na yun" sabi naman ni ynah.
"Panoorin niyo ito ahh, nang malaman niyo kung anong nangyari" sabi ko sa iba. Ngumiti sila at tumango.
Dumiretso naman agad si tory sa upuan niya. "Dito muna kayong lahat nang malaman niyo" sabi ni tory kaya nagsilapitan kaming lahat sa kanya.
Nilabas niya yung laptop niya na cd player. Sinaksak niya dun yung cd niya at napanood namin yung mga reaction nila. Si jarred nagising lang at agad na nagtakip ng tenga saka napapikit lalo. Ang cute niya! Nyahahaha xD.
Si jeydon naman nagtakip din ng tenga. Kinapa kapa niya yung side table niya at may nakuha niya cellphone niya. Binagsak naman niya ito at nasira pero hindi pa rin tumigil yung alarm akala niya siguro yun yung alarm! Wahahahahaha.....
Natawa lang kami sa nangyari sa kanila at kumain naman na agad nung sinerve nila yung breakfast. Ilang minuto, nagsidatingan yung mga kasama namin at naiinis pa. Lalo na si jeydon. Wahahaha xD.
"Shit, sakit nun sa tenga!" Sabi nung isa. "Oo nga. Tumagal ba naman ng 10 minutes?! Kairita" sabi naman ng isa.
"Makarinig ka ba naman na pinaghalong tinidor na iniiscrath sa blackboard at lobong halos puputok na yata!" Sabi naman nung isa. Napatawa naman kami. "Tss, parang masisira nga yata ngipin ko kanina eh" sabi naman ng isang lalaki.
"Kapag nalaman ko kung sino ang may gawa nun, lagot sa akin yun" sabi ni jeydon. Napasmirk naman kami, "i wonder kung kanino yung cellphone na nabagsak?" Pagpaparinig ni irish.
"Nabagsak? Hindi kaya..... Binagsak?" Pagpaparinig ko.
"Tss, kayo yata may pakana nito ah" sabi ni jeydon. Natawa naman kami. "Hindi. Andito kami nung nangyari yun. Di nga namin narinig eh" sabi ni irish.
"Oo nga" sabi ko.
"Eh paano niyo naman nalaman?" Sabi naman ni jarred my loves! Lol xD wala pala akong pagasa diyan. Mukhang natamaan kay tory eh :( pero okay lang yan. Di naman siya gusto ni tory xD
"Lol. Hahaha, bwisit yung reaction mo steve! Hahaha" sabi ng isang lalaki. "Tss, sige lang. Panoorin mo lang!" Sabi naman nung steve.
Lumapit naman sila jeydon dun at kinuha yung cd ni iya at sinira. Napasmirk naman si jeydon, "ayan, para wala na kayong mapanood" sabi niya.
"Really?" Mapaglarong tanong ni iya saka naglabas ng bagong cd. Kinuha agad niya ito at sinira. "Yep" sabi naman niya.
"Guys...." Sabi niya. Nilabas naman agad namin yung cd na binigay niya sa akin. Meron din siyang nilabas na cd niya, aba! Ilang cd ba ang meron siya?
Napapoker face naman agad si jeydon saka umupo na sa upuan niya. Nagdabog na si baby jeydee ni tory! Wahahaha, rhyming! <3
Kumain lang kami after ng nangyaring iyon. Wahahaha, di ko pa rin mapigilang mapangiti nung nakita ko si jarred na ganun ang nangyari! Ang cuuuuuuuute niyaaaaaa!
------------------------
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...