Chapter 43

4.1K 90 0
                                    

Chapter 43: Alya's Sudden Headache

______________________________________

Victoria's POV

Nakarating naman agad kami sa hotel ko. At pagbaba namin ay pumasok na kami. Nasa may desk ako at tinanong ko kung anong room number namin. Nakilala naman ako ng staff at yumuko siya.

"Ms. Anderson, room 59 po kayo" at binigay yung card ko. Buti nalang sa mga ibang staff ko ay nakikilala ako.

Kinuha na rin naman nila card nila at umakyat na kami papunta sa rooms namin. Sa fifth floor ako samantala si Jansen ay fourth kasama si Irish. Yung tatlo ay nandun sa sixth naman.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Natulog nalang muna ako.

*****

Nagising ako dahil may kumatok sa pintuan. Well, nag-doorbell na siya infact. Bumangon ako at pumunta sa pintuan, pagkabukas ko ay nagsipasukan silang lahat. Mga kaibigan ko kasama ang phantoms.

"Hoy, sino nagsabi na magsipasukan kayo sa kwarto ko?!" asar na sabi ko.

"Ito naman, wala kami sa kwarto mo. Nasa unit lang kami" sabi ni Anne habang nakaupo at nakataas ang paa sa lamesa saka in-on yung TV. Pilisopo.

"Anong meron at dito kayo nagsipasukan sa kwarto ko?" Sabi ko habang nakapoker face at lumapit sa kanila. Nagsitinginan naman sila at ngumiti.

"Night swimming!" Sabay sabay nilang sabi.

"Sige na. Alam naming isa sa mga favorite sports mo ang swimming" sabi ni Irish habang nakasmirk. Inirapan ko siya, "Kahit favorite ko yan, sa Friday nalang"

"Aish, kj naman nito oh" sabi ni Ynah. Umagree naman sila Yra, "oo nga"

"Ganito nalang. Kayong lahat mag-swimming. Mauuna na ako kumain ng dinner" sabi ko. Umiling sila, lalo na si yr6a, "no way. Dinner muna rin ako. Then stroll tayo sa tabing dagat"

"Great idea! Bon fire!" Sabi ni Anne.

"Oo na. Bonfire. Labas" sabi ko. Sumunod naman sila. Lumabas silang lahat at nahuli si Jeydon. Tinaasan ko siya ng kilay, "Labas"

"Nandun ka mamaya ah? Wag kang matutulog agad. Hinatyin kita" sabi niya sabay kindat. Umalis na din naman agad siya. Anong meron sa kanya at bumait? Halla, baka nasapian?

Pumunta ako sa bathroom ko at nag-shower lang. Nagbihis lang ako ng jogging pants at loose shirt. No worries, naka-sando ako at shorts sa loob. Then sinuot ko na contacts ko, eyeglass, magic cream, at necklace ko. Nag-wig nalang din ako. Tinatamad akong magkulay ng buhok, saka matagal kasi. Wig din gamit ko kanina pati last week. Umiiral ang katamaran ko.

May kumatok naman sa kwarto ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita si Alya. Feeling ko nakita ko na siya somewhere eh. Yung feeling ko na close ko siya at sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Ms. Anderson, sorry for interrupting pero you're spacing out" sabi niya. Napabalik naman ako sa realidad na kausap niya nga pala ako.

"Ahh.. Uhm... Bakit ka napunta dito? Anong room niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ms. Anderson, kaka---"

"Kahit Tory nalang. Remember yung sinabi ko sa inyo kanina? Tory dahil Victoria Anderson ako sa school" sabi ko. Tumango siya at nag-bow, "Sorry po este sorry Tory. Uhm.... Kakain na daw ng dinner sa baba. And ibibigay na daw po bukas yung time and plays para sa Tuesday. Then sa Tuesday niyo po kukunin yung para sa Wednesday"

Nagets ko naman agad. Duh, di naman ako slow or tanga.

"Ah, sige. Okay lang ba na kayo nalang ang kumuha ng time and plays? And kayo na rin muna pumunta sa meeting?" Tanong ko. Tumango naman siya, "Opo"

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon