--------------------
Victoria's POV
Pumasok ako sa loob ng cave. Dilim. Yan ba lagi kong makikita sa buhay ko? Di ba pwedeng liwanag muna?
Nagingat ako sa bawat hakbang ko at ginamit ko yung senses ko kung may trap man dito or may nakabantay. Tahimik lang ako gumalaw.
Ilang saglit, may nakita naman na akong mga ilaw. Sinundan ko lang ito hanggang sa napadpad ako sa mga batuhan. Di kalayuan, may nakita akong building na kulang nalang ay tore na kung tawagin.
"Bakit merong ganito dito nang walang nakakaalam?" Tanong ko sa sarili ko.
Pumasok na ako sa toreng iyon. Dumaan lang ako sa gilid, lumusot ako sa ilalim which is yung mabahong kanal, umakyat ako at nakarating ako sa isang room na walang ka-tao tao. Walang pintuan, wala ding bintana.
"What kind of room is this?" Tanong ko sa sarili ko. Kala ko mushroom lang walang pintuan at bintana eh.
Naghanap ako ng butas at may nakita ako sa taas. Pinaglapit ko yung boots ko at tinama sa duluhan. Lumabas naman yung stickiness ng boots ko.
Umakyat ako sa pader papasok sa butas na iyon. Habang naglalakad ko ay nakatagilid pa din ako. Feeling ko, naglalakad ako ng nakahiga.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko naman dun yung butas. Ah, siguro prisoner ang nasa loob nito? Tapos nakalabas siya? Ganun siguro? Tss, pake ko ba.
Lumabas ako sa pintuan na yun, ang hirap ngang buksan. Buti pala nasa bag ko yung device na pwedeng malaman kung ano yung code. Siyempre, kahit anong device, di malalaman yung code ko noh!
Sumilip ako left and right saka ako lumabas ng tuluyan dahil wala namang tao dito. May mga pintuan dito at bintanang maliliit pero iniiwasan ko, baka mamaya kwarto pala ng mga tauhan dito noh!
Habang naglalakad, may narinig ako sa isang kwarto na ikinahinto ko. Isang batang babaeng umiiyak. Lumapit ako dun sa kwarto na iyon at nakita ko siyang nakaupo sa higaan saka nakatingin sa isang picture.
"Mommy, kelan ka babalik? Sabi mo pag natapos mo na yung pinapagawa ng mga gagong nandito eh babalikan mo ko at lalabas tayo ng ligtas" sabi niya.
"Pst. Ssh, wag kang maingay" sabi ko. Napatingin naman agad siya sa akin at nagulat,"s-sino k-ka?"
"Ilalabas kita ng buhay dito. Makikita mo mommy mo. Pero promise na wag kang maingay ah" sabi ko. Tumayo naman siya at ngumiti bigla saka tumango tango.
Kinuha ko yung devise ko at hinack yung code. Pumasok naman agad ako sa loob at sinara yung pinto. Alam ko naman na yung code eh.
"Teka, ikaw po si deadly viper diba?" Gulat na tanong niya.
Tumango ako, "oo, wag kang maingay. Ilalabas kita dito" sabi ko.
"Sabi po ay lahat po ay pinapatay ni deadly viper. Eh bakit hindi niyo pa po ako patayin?" Tanong niya. Nagulat naman ako. Lahat? "Oo, lahat pinapatay ko. Lahat ng masasama. Pero hindi mga inosenteng katulad mo at mga nadamay lamang" sabi ko.
"Ah, salamat po deadly viper" sabi niya.
"Ayusin mo na lahat ng dadalhin mo. Ilalabas kita dito" sabi ko. Ngumiti naman siya saka tumakbo papunta sa isang drawer. Nilagay niya lahat ng damit niya dun sa isang bagpack pero agad din niyang inilagay sa drawer.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Acción[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...