Chapter 36: Tita Stella and Caddie
______________________________________
Victoria's POV
Nagising ako at naalala ko na nandito pa pala ako sa bwisit na mansion ni Jeydon. Naligo naman agad ako. Napaisip ako kung anong mas magandang gawin, dito muna or lilipat na sa bahay?
In the end, napagdesisyunan ko na lumipat nalang sa bahay ko, sa mansion. Mas mabuti na yun at baka mamaya mabuko na ako ng tuluyan.
Nagimpake na ako ng damit ko nang may kumatok, binuksan ko yung pinto only finding out that it was Nick.
"Anong ginagawa mo dito Nick?" takang tanong ko sa kaniya ngunit napatingin lang siya sa akin ng pagtataka.
"Ate, saan po kayo pupunta?" talang tanong naman niya sa akin.
"Uuwi na muna ako. Uhm... H-homesick. Kasi nga may homesick ako dito, hehe" sabi ko na lamang.
"Pwedeng sumama ate?" tanong niya habang kumikislap pa ang mata niya.
"Ha?" Nasambit ko nalang. Nagpout naman siya at nagpuppy eyes, "Please.... Pretty please"
"Sige na nga lang. Basta, wag mo ipagkakalat kung ano ang mangyayari dun ah" sabi ko at parang nagaalanganin pa ako. Hindi naman niya siguro ako ibubuko kay kuya niya diba?
"Yes ate! Yehey!" Sabi niya. Napatingin ako sa suot niya at nakapantulog pa din ito.
"Magbihis ka na. Di kita isasama kapag hindi ka nagbihis" sabi ko kaya nagmadali siyang dumiretso sa kaniyang kwarto.
Kinuha ko yung phone ko na nag-vibrate sa bulsa ko at sinagot ito.
"Sam" sabi ng boses sa kabilang linya.
"Napatawag ka po Tita Stella? kamusta na po?" panimula ko.
"Ok lang naman ako, Sam. Ipapaiwan ko muna si Caddie sa mansion niyo mamayang 10. Balita ko kasi nasa Philippines ka" sabi ni Tita Stella sa akin. Great. Dalawang bata pa pala ang aalagaan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Osige po tita. Anong oras po niyo siya ipipick-up?" tanong ko. Wala akong takas kay Tita Stella, at isa pa ay mabait naman siya.
"Mga 8 na. May aasikasuhin lang kasi kami ni lolo mo" sabi niya. Napataas naman ako ng kilay, "Si tanda? Andito siya?"
"Oo, kaso nasa airplane palang yun. Osige Sam, una na ako" sabi niya. Inend ko naman yung call at napabuntong hininga. Ayos na din siguro yan, para naman makilala ni Nick si Caddie.
In-on ko yung relo ko at sinabi kay ford, "Ford. Underground garage. Cover house. Now"
"Yes, VS" sabi niya at alam kong umalis yung ng patago. Mas magaling pa ang kotse ko kaysa sa mga tao. Jusko.
"Ate! Tara na at your house?" Sabi ni Nick na kararating lang ng kwarto ko at basa pa ang buhok. Tumango ako at kinuha ko na yung dalawang bag making sure na wala akong naiwan dito.
Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa garage nila. Sinabihan ko yung yaya nila na ibabalik ko din siya ng mga gabi siguro. May laban pa ako niyan eh.
Dinala kami sa cover house ko at bumaba na kami. Pumasok na kami sa loob at uupo na sana siya sa couch, "Wag. Wala pa tayo sa bahay ko"
"Ha? Hindi mo ba ito bahay ate?" Tanong ni Nick at napailing naman ako na pinagtakahan niya.
Tumayo naman siya ulit at sinundan ako. Pumasok kami sa underground parking lot at nandun naman si Ford. Pumasok ako sa driver's seat at umupo naman siya sa passenger's seat na gulat. Tinanggal ko salamin ko at nag-drive papunta sa mansion. Manually.
*******
"Dito ka nakatira ate?" Gulat na tanong niya nung bumaba na siya sa kotse. Napatango na lamang ako at pumasok sa pintuan.
"Waaaah~ mas malaki pa bahay mo kaysa sa bahay namin!" Sabi niya. May lumapit namang maid.
"Miss Sam, may bisita po kayo sa labas" sabi niya. Tinanguan ko nalang siya.
"Behave ka muna dito" sabi ko. Tumango siya at umupo sa couch.
Pumunta ako sa pintuan at nandito si Tita Stella. Magkakasundo naman siguro silang dalawa.
"Hi Sam. Andito na si Caddie. Kakausapin ko lang lolo mo at susunduin ko siya dito ng 8" sabi ni Tita Stella. Buti naman at nakilala niya ako kahit papaano. Ganda niya mag-greet noh?
Tumango nalang ako at may nag-hug sa akin. Wow, baby sitter na ba ako? Tss, sa ganda kong ito?
Umalis na si Tita Stella at nagsalita naman si Caddie, "Ate Sam, ikaw na ba talaga yan? Bakit black hair mo?"
"Wala lang. Pink din yan mamaya. Nilagyan ko lang ng color na ganyan he-he" sabi ko. Inalis naman niya ang hug at ngumiti.
Pumasok na kami sa loob at pumunta kay Nick. Nagpakilala sila at naging close din naman sila agad then naglaro sa may playground. Since ilang beses nang pumunta dito si Caddie habang wala ako sa Pilipinas ay memorize niya na bawat part ng mansion.
Yes, pwede naman sila since pamilya din naman kami.
"Huwag kayo magulat ah. Diyan lang kayo at wag aalis" sabi ko at pumunta sa kwarto ko. Naligo lang ako and balik na sa pink yung hair color ko. Nagbibihis lang ako ng may kumatok sa kwarto ko.
Bawal sila pumasok eh. Plus, yung fact na hindi ako sanay na nagbibihis sa walk in closet or sa bathroom.
"What?" Tanong ko.
"U-uhm.... M-may l-lalaki p-pong naghahana-ap sa inyo sa l-labas" sabi niya habang nakayuko pa.
"Geh" sabi ko at pumunta na sa pintuan. Naka-fitted shirt lang ako at short. Bakit? Pambahay lang naman ah?
Binuksan ko yung pintuan, at bakit andito si Jarred?
"Who are you?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Tory" sabi niya.
"Tory? Who the heck is that? Do I even know you? Oh wait, ikaw yung anak ni Mr. Jack Almonez, right?" sabi ko sa kaniya.
"Uh... Yes" sabi niya. Uncomfortably.
"Oh. Do you need something, Mr. Almonez?" takang tanong ko sa kaniya.
"Do I look like a fool to not know that it is not you Tory?" Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Tory is not here. If you need her, she is in the mall" sabi ko at akmang isasara na yung pinto ng biglang tumunog naman phone ko.
"Is it?" Tanong niya habang nakasmirk. Siya pala ang tumatawag, sakto kasi na yung phone ko ay nasa lamesa na rinig hanggang dito ang ringtone.
"Fine! Anong kailangan mo?" inis na tanong ko na lamang sa kaniya.
"Deadly Viper. Reaper. Victoria Anderson. Reason" sabi niya at mukha pa siyang seryoso.
"It is something for you to find out" sabi ko at sinaraduhan ko siya ng pinto. Aish! That guy!
Pumunta ako sa kusina dahil nagugutom na ako. Dumating din naman sila Nick at Caddie at sakto ay luto na ang lunch. Kumain lang kami.
"Si ate Tory? Asan po siya ate Sam? Not that ayaw ko po kayo kasama ah" sabi ni Nick na parang nagtataka.
Napatawa naman si Caddie at napa-smile ako ng onti, "Nick, ako si Tory"
"Seriously, hindi mo nakilala si ate Sam dahil nagpalit lang siya ng hair color? Hahahahaha" asar niya kay nick.
Napapoker face naman si nick, "tss. Ang ingay mo"
Well, a brother is a brother. May times na parehas sila ng ugali eh.
After naming kumain ay natulog lang ako habang sila ay naglaro sa may pool. Bahala muna sila diyan. Gusto kong matulog, maaga pa naman bago ako pumunta sa GW.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...