Irish's POV
It hurts. Based on what i saw, my heart shattered into a million pieces. I may not be sure of the question why, but it literally kills me emotionally whenever i see both of them. I can't stop thinking kung sila na ba o ano. Masyado na silang secretive sa hindi naming alam na dahilan.
Hayst. Kaya ayokong umibig eh. Lecheng pagibig nga naman oh.
Kinuha ko nalang muna phone ko sa bag ng biglang nag-vibrate ito. Binasa ko lang naman ang mga message at sa iisang tao lang nanggaling. Kay ej.
Nag-hi lang naman siya ng paulit ulit. Tapos nagpakilala din na si ej yun just incase daw na nabura o hindi nasave yung number niya sa phone ko. Tapos kinakamusta ako. Yun lang naman. Kaya nag-reply back nalang ako, "hi. Sorry late reply. Recess kasi namin at naiwan yung phone ko sa room"
Sinarado ko na yung bag ko at lalabas na sana ako ng room ng bigla siyang nagmessage. "Kamusta na? Okay ka lang ba?" Bigla naman niyang tanong nang may nakabungguan ako sa may pintuan namin. Nung una akala ko ay pader ang nabunggo ko or yung pintuan, pero si tory lang pala.
"Sorry" bigla kong sabi. Baka naman pansinin na niya kami this time. "Tumingin ka sa dinadaanan mo next time. Wag harang" sabi niya saka umupo sa inupuan niya kanina. Ibang iba sa toryng kilala ko.
Ipagpapatuloy ko nalang sana ang paglalakad ko nang may nakabungguan na naman ako. Ilang beses ba kailangan ako bungguin?!
Hinarap ko naman yung lalaking nakabunggo sa akin. Hawak niya phone niya at nakatalikod na siya sakin pero hindi siya nakatingin sa phone niya. Busy magtext. Samantalang di man nagrereply sa mga messages namin kanina, buset.
"Kei" sabi ni tory habang nakatingin sa lalaking nakabunggo sa akin. Nagulat naman ako nung lumapit yung lalaki sa kanya. Si kei pala yun. Tignan mo nga naman. Akala ko ba't nasa canteen ang mga ito? Tss...
"Uso magreply" sabi ni ej sa text. Shonga ko. Tumalikod na ako sa kanila at umakyat nalang papunta sa rooftop habang nirereplayan si ej nang, "haha. Kaya pa naman. Nabubuhay pa din. Ikaw?"
"Okay naman kasi nakakausap na kita" sabi niya. Magrereply sana ako ng bigla siyang nagcall. Nagkwentuhan lang kami hanggang si di ko napansing time na pala. "Ej, sorry. End call mo na. Kanina pa pala time"
"Ah sige sige. Mamaya nalang ulit" sabi niya at inend yung call.
Pumasok na ako sa classroom. Na-late man ako ng 25 minutes ay binigyan nalang muna ako ng warning.
Jeydon's POV
2 weeks nalang bago yung competition para sa campus king and queen. Bahala na. Wala akong pake diyan. Wala din namang pake yung kapartner ko. Lagi daw siyang busy.
"Jeydon, di pa kita nakitang nag-practice para sa talent mo sa campus king and queen ah?" sabi ni mama sa akin pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Ma naman. Wala naman akong balak sumali diyan" sabi ko. "At isa pa ma, wala din naman pake yung kapartner ko. Wala kaming pake kung kami ang matalo"
"Oh comeon jeydon. Gusto mo bang si cassandra nalang partner mo?" bigla niyang sabi. Pinause ko muna yung nilalaro kong video game, "ma naman. Edi mas lalo akong nawalan ng gana"
"Hmm.... sayang naman. Nakakahiya kay Ms. Anderson na mag-special number siya. Tapos ang anak ng may-ari ng school ay matatalo. Come on jeydon, be a model sa school" sabi ni mama. Bigla akong napatingin sa kanya, "si samantha?" tanong ko.
"Sino pa ba" sabi niya at ngumiti. Naalala ko pa nung una ko siyang nakita dati. Nasa america ako nun at may pinakita sa akin yung pinsan ko na babaeng nasa picture. Nung una ay di ko siya pinapansin, pero nakita ko ulit, wala na. Nagandahan na talaga ako.
Curiosity kills the cat sabi nila, ayun, sinearch ko siya sa net at siya pala yung sikat na babae. Yung babaeng nasa picture ng mga billboards na hindi ko napapansin dati. Pero nung nakita ko siyang maigi, yung isang memory card ko ay punong puno na ng picture niya. Fan ako eh.
"Nga pala anak, may request sana ako" sabi ni mama saka umupo siya sa tabi ko dito sa couch ko sa kwarto. "Ano naman iyon ma?"
"Pwede bang mag-artista ka ulit?" sabi niya sa akin. This time ay seryoso na akong napatingin sa kanya, "Ma naman. Ayoko na"
"Please.... kapalit lang ng pag-special number ni Ms. Anderson" sabi niya.
Napaisip ako. Di bale, pwede naman siguro noh? hindi ko naman siya makikita dun. "Sige na nga lang ma"sabi ko as my final decision.
"Sige. Thanks anak. May kakausap sayo bukas na manager. Kapartner mo naman si Ms. Anderson anak eh" sabi niya saka lumabas na ng kwarto ko.
Napatulala ako. Si Ms. Anderson talaga?! Tss..... Wala naman chance na magkakaroon ng kami, so why bother?
Tinuloy ko nalang ang paglalaro ko ng video games. Nang malapit ko na matapos ang level ay may biglang tumawag sa akin. Pinause ko nalang ulit yung laro at sinagot yung tawag.
"Jeydon?" tanong sa kabilang linya.
"Oh?" tanong ko. Kinuha ko lang muna yung baso at uminim ng juice. "Pare, kilala mo pa ako?"
"Hindi. Bakit?" sagot ko naman sa kabilang linya. "Si jonas to pre. Di mo na ako naaalala?"
"Hindi pa din. Kaano ano kita?" sabi ko at tinuloy ang paglalaro. Nagsalita naman siya, "Si vader to pre. Di mo pa din ba ako naaalala?"
"Oh? Bakit ka napatawag? Saan mo nalaman number ko?" sabi ko. Si vader, kasama ko dati sa mafia ni dad. Matagal na yun. Last na nakasama ko siya ay 3 years ago na yata yun, may pinapatay si daddy sa amin nun. Pero after nun ay tumigil na ako. Hindi na ako ganun kasaya sa pagpatay.
"Pinapapunta ka dito ni boss" sabi niya nang hindi sinasagot ang tanong ko. "Tiantamad ako. At bakit hindi siya ang tumawag?"
"Busy daddy mo" sabi niya. Whatever. Lagi naman busy yan eh. Wala nang alam na gawing iba kung hindi yan. Tss.
"Ayoko. Bahala kayo sa buhay niyo" sabi ko at inend yung call. Pinagpatuloy ko nalang yung paglalaro ko. Peste.
------------------------
Yow guys! Hahaha....So bale, matagalan na talaga ang updates ngayon. Wahaha...
Tamad po kasi ang author niyo xD
Pero don't worry guys, sobrang lapit na po ang ending nitong book (She's The Victorious)
Yun nga lang ay may book 2.
So bitin po talaga itong book na ito dahil hindi naman ako ganun kagaling gumawa ng story and hanggang book ** po ito. Secret muna kung anong book haha.
Yun lang, thanks for reading! Hope you'll vote, comment, and share this book. Enjoy~
~Ishia<3
![](https://img.wattpad.com/cover/67590619-288-k560898.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...