Chapter 27: Secrets of Eliyah and knowing Alya
___________________________________
Victoria's POV
Lumabas na ako ng stadium habang hawak hawak yung sugat ko, ayoko nang nandun. Damn crowded.
"Victorious, right?" Tanong ng isang gang member. Golden card? Hmm, bakit ito lumapit sakin?
"Obviously" sabi ko at nag-roll ng eyes. Damn. Heller? I need to heal my wounds?
"Green dragon nga pala" sabi niya at nag-bow.
"Green dragon? In what gang are you?" Sabi ko. He seems familiar. His presence, his voice, everything.
Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay, "You don't know?"
"Kung alam ko, hindi na sana ako nagtanong. Tss, stupid. Una na ako" sabi ko pero hinawakan niya ako sa right hand ko. Putek, kung saan pa ako may sugat.
"Wait" sabi niya. Binawi ko naman agad yung kamay ko dahil masakit talaga.
"What?" I asked him. I guess he was stunned, by the looks of it.
"U-hm, green dragon from the top 1 gang, dragon heir. Gusto mong tulungan na kitang g-gamutin yung mga s-sugat m-mo?" he offered. Is he scared or nervous?
"No, I can manage" sabi ko at umalis. Familiar talaga siya. Hmm, baka nakalaban ko nung ako pa si Deadly Viper sa America.
********
Sumakay na ako sa kotse ko at binuksan yung isang cabinet dun. Kinuha ko yung aid kit at naglabas ng betadine. Nilagyan ko ng betadine yung sugat ko sa left cheek at yung nasa rigt hand ko. Nilinisan ko din naman ito gamit ang alcohol dahil may mga dugo pang tumutulo. Pagkatapos ay nilagyan ko nalang ng band aid.
Hinayaan ko ng tumulo yung dugo sa tiyan ko dahil wala naman akong tela na dala para takpan ito. Dumating naman si senatorious.
"Okay ka lang ba?" tanong niya ng may pagaalala at nilagay niya ang pera sa may loob ng drawer.
"Okay na ako. Nalagyan ko na ng band aid yung sugat ko sa cheek at sa kamay ko. Eh ikaw? May sugat ka ba? Meron pang betadine, alcohol at band aid dito" sabi ko.
Pinapasok ko siya sa sasakyan ko at ginamot niya yung sugat niya. Maliit lang naman eh. Isa sa may kamay niya at isa sa may leeg niya. Hindi nga masyadong halata yung sa kamay eh.
"Kaya mo naman magdrive?" Tanong niya. Yun lang pala eh.
"Oo" sabi ko na lamang kahit hindi naman ako ang magdrive.
"Osige, ingat ka. Una na ako" sabi niya. Tumango naman ako.
Umalis na siya at hindi ako komportable na nakaganun lang siya. I mean, pumasok siya sa kotse ko as senatorious, lumabas na siya lang at nakahelmet, tapos pupunta sa hospital at tatanggalin niya yung helmet niya. Delikado kung may nanunuod sa amin.
"Ford, follow her" sabi ko sa kotse ko. Nagsalita naman siya.
"Yes, VS" sabi niya at umandar na ito. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa may parking lot ng hospital.
Pinark niya ito sa ilalim ng puno at bumaba. Tinignan niya muna kung may nakasunod sa kanya at nung feeling niyang wala ay tinanggal niya na yung helmet niya.
Hindi man lang niya ako nakita? Tss, ang galing naman niyang tumingin. Turuan ko kaya siya kung paano makiramdam kung may sumusunod sa kanya?
"Ford, at the mansion" sabi ko. Umandar naman siya agad.
"Yes, VS" sabi niya. Nahuli yata ngayon ah?
"VS, gas needed" sabi niya.
"Ford, nearest gas station" sabi ko. Nagpagas lang ako ng full tank. Meron pa palang bukas na gas station kahit malapit na mag-12 ng gabi? Delikado na kaya iyon.
Bumalik din naman agad kami sa mansion. Naligo agad ako sa kwarto ko. I let the water down to my stomach. Ang sabi ay hihinto siya sa paglabas ng dugo for a moment. Pagtapos nun ay ginamot ko na ito ng maayos. Nagbihis lang ako in my pajama suit at natulog na. Naalala ko yung balak ko na kausapin yung prinsesa. Tss, next time nalang.
Eliyah's POV
I was searching for her and hoping na buhay ang totoong prinsesa ng gangsters. Alam kong buhay pa siya.
Kasalanan naman ito ni mommy. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging ganito kalaki ang problema namin. All she wants and ever think of is fame, power, and throne.
I love her too much but she never even noticed me as her daughter.
Kanina pumunta ako sa stadium na wala siya at mga body guards. I watched everyone how they fight para malaman ko kung andito lang siya nagmamasid. And success naman dahil meron na akong hula.
Si VICTORIOUS.
Yung nangyari kanina? I have a 50% guess na siya iyon. And about 50% na may alam siya patungkol dito. I don't see anyone else na pwede kong pagkuhanan ng chance to know the history of the legend.
"Sinong may sabi? Hindi ako takot. Victorious pala" sabi niya. Nagulat naman yung Hawk Gang.
"What? Hindi porket nagiba ang mask ay hindi siya iyon. Meron nga diyan na nagkukunwaring sila yun para lang sa kapangyarihan and fame eh" patama niya.
I admit, may kasalanan din ako at hindi lang si mommy. Hindi ko lang inakala na ganito na agad ang mangyayari, no one can control her anymore. Gusto ko lang naman na mapansin na niya ako bilang sarili niyang anak at mahalin ako eh.
Tumingin siya at nagulat ako sa kanya. Ako din ba yung pinatamaan niya?
Well, baka may alam siya patungkol dito. Napasmirk siya at nag-bow.
"Oh, your highness. Good evening" sabi niya. I'm having doubts about her. But still, I want to know her so badly.
I want to know her in my own ways without anyone else knowing.
I know she knows something.
The legends.
That's all I need in her.
To answer the legends.
50% ang guess ko na siya ang gangster princess at yung half ay may alam siya patungkol dun. Alam niya kaya kung sino ang gangster princess?
Sana nga.
Alya's POV
Papunta ako ngayon sa bago kong trabaho. Nakapasok ako sa isang fashion bussiness na pagmamay-ari ng mga Anderson.
Actually, about that, hindi niyo ako kilala noh? Well, me too.
Ang alam ko lang ay nagising ako sa hospital one day kasama si Amie sa loob ng room. Parehas lang kami ng edad na 48 years old ngayon.
Ang natandaan ko lang ay birthday ko at isa akong nanay na may tatlong anak na buhay at isang anak na namatay sa loob ng tiyan ko. Hindi ko alam ang pangalan ko kaya binigyan niya ako ng pansamantalang pangalan, Alya Buenafacio.
Ang sabi sakin ni Amie ay habang naglalakad daw siya sa labas ay nakita niya ako malapit sa isang gusaling nagliliyab ng apoy na naka dapa. Dinala niya daw ako sa hospital at nalaman niyang buntis ako. Hindi nakayanan ng baby ko kaya namatay yung baby at ako lang ang nabuhay.
Kakalipat ko lang din pala dito sa bagong town, at simula nung lumipat ako dito, nagsimula akong managinip lagi na nasa apoy ako, may sumabog at natumba ako.
About Amie? Katrabaho ko din siya. Parehas kaming baguhan.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...