P83- The Sub-Teacher

2.7K 67 2
                                    

Tory's POV

Pabalik na kami sa room ni kei dahil time na rin naman. Sinabihan ko lang naman siya ng mga dapat na gawin niya gaya ng pagsira niya ng sim card niya at pagiwas nalang muna sa mga kaibigan namin hanggang matapos ang gulo. Mahirap na kaya dapat magiingat nalang muna.

"Uy kei, tory, saan kayo pumunta?" Tanong sa amin ni yra.

"Sa labas lang" sagot ko. Umupo naman kaming dalawa sa pinakagilid kung saan malayo kami sa mga kaibigan namin.

Maya maya ay may biglang lumapit sa amin. Si jeydon. "Si red di niyo kasabay?" Cold na tanong niya.

Umiling ako, "hindi namin alam kung nasaan siya" sabi ko sa kanya saka humarap na. Tumango nalang siya saka bumalik na siya sa upuan niya.

"Jansen!" Tawag ni jeydon kay jansen. Napalingon naman si jansen sa kanya, "bakit?" Tanong naman ni jansen.

"Dito ka nalang sa upuan ni tory"sabi niya saka niya pinaalis si cassandra sa upuan ko. Nagtataka man si jansen ay umupo na siya sa upuan ko.

"Tory, parang nakita ko kanina si red" pabulong na sabi sa akin ni kei. Napatingin naman ako sa kanya, "asan siya ngarud?" Tanong ko.

"Kanina nung naguusap tayo sa garden may nakita akong tumatakbo na babae na naka-hood. Tapos sumusunod naman sa kanya si red. Hindi lang ako sigurado kung si red yun, kasi ambilis niyang tumakbo eh" sagot ni kei sa tanong ko.

Ah, siya ba yun? "Saan naman sila pupunta?" Tanong ko.

"Malay ko. Nakita ko lang sila kanina palayo sa school. Papasok dun sa forest na katabi ng garden" sabi niya.

Nakakapagtaka naman. Bakit naman siya may hahabulin na babae? Hindi kaya.... skelenials? Oh what the heck. Kung ano ano nang naiisip ko dahil sa problema na yan. Tss.

Pero... wala naman kasing kasiguraduhan. Mapuntahan na nga lang siya habang wala pa si daisy.

Lalabas sana ako ng may pumasok na teacher. Napatingin siya sa akin dahil ako nalang ang nakatayo. Tinaasan ko siya ng kilay, "who u?"

"I am Ms. Fashia Portella. I will handle your section until Mrs. Daisy will be fine. She has a high fever now. Who are you miss?" Sabi niya. I just shrugged at aalis na sana akk ng pinabalik niya ako sa upuan ko, "seat down missy. Bawal lumabas ng classroom dahil time na"

"Someone's life is in trouble" sabi ko. Napasmirk naman siya, "yes. It will be your life when you get out. You'll be reported to your parents"

"Oh really? Report it" sabi ko as I look at her like I am challenging her.

"Tory...." pambabanta sa akin ni ynah. Napairap nalang ako sa kawalan saka umupo na.

Lahat gagawin ko, malayo man kayo sa akin basta maprotektahan ko lang kayo.

Natapos na ang introduction ng buong klase ngunit parang galit sa akin si portella. Oh well, at least hindi ako ang galit sa kanya at maiistress.....

Nagdidiscuss lang siya nang biglang bumukas yung pintuan. Niluwa nun ay si jared. "Sorry I'm late ma'am" sabi niya saka napasmirk.

"Okay lang yan jared right? Umupo ka na sa seat mo. Ikaw nalang wala" sabi ni ma'am saka bumalik sa pagsusulat sa board.

Nakakapagtaka man ay hinayaan ko nalang at tinuloy ko na yung pagsasagot sa seatwork namin. Andali lang naman nito eh. Graduate na ako remember?

Pagtapos ng seatwork ay tinignan niya ang oras. 10 minutes nalang before breaktime kaya inannounce niya na matutuloy na daw yung campus king and queen ganern ganern. Final na daw. Makakasabay na daw nun ang prom sa gabi. And gaya ng dating pinagplanuhan, kami ni jeydon ang kasama. Sinama nga din si jansen na nerd, tapos pinilit nila si calvin. Pinagtritripan lang naman kami kaya napasali kami eh. Oh well, okay lang naman na sa akin kung malaman na nilang ako si samantha.

Nagdabog pa nga si cassandra na dapat daw ay siya at si jeydon pero mas agree siya na kasama ako. Kaya ayun, wala na siyang magawa.

Sa december pa naman iyan. Haba pa ng practice. Sanay naman na ako diyan.

Sabay lang kami ni kei nagrecess at talagang di namin sinabayan yung iba.

Ynah's POV

Nakakapagtaka. Anong nangyayari kay tory? Nilalayuan niya ba kami?

"Hey guys" bati sa amin ni red habang nasa likod niya ang barkada niya. Pero wala si kei. Kasama niya si tory kaninang lumabas ng room eh.

"Uhm.... hi" sabi ni anne na parang may pagaalangan na nahihiya yata. Or nagtataka yata. "Sabay sabay na tayo maglunch" sabi niya saka ngumiti.

"Okay ka lang ba red?" Sabi ni darren sa kanya at hinawakan ang noo niya. Tinanggal naman ito ni red, "ano ba. Okay lang ako. Wala akong sakit. Tara na. Recess na"

"Sigurado ka ba jan red?" Tanong ni anne sa kanya. Tumango lang siya at nauna nang maglakad palabad ng room. Sinundan nalang namin siya papunta sa canteen.

Nakita naman namin si tory kasama si kei. Sabi na eh. Pero ibang iba ang awra nilang dalawa eh. Si kei ay parang tumino na. Seyosong usapan na nga din sila. Wala nang magulo, maingay, at playboy na kei. Wala na din yung tory na kilala namin, unti unti na siyang lumalayo sa amin.

Hindi kaya may sikreto silang dalawa na sila na? Kawawa naman si jeydon at si irish. Saklap.

"Teka lang ah. May nakalimutan ako sa room eh" sabi ni irish.

"Ah sige. Balik ka dito ah" sabi ko naman. Tumango siya at nagmadaling umalis. Oh well, kapag ang isa nga naman ay umibig, hindi na maiiwasan ang pagseselos.

"Tara. Hanap na tayo ng vacant seat" sabi ni karl sabay napatingin sakin at ngumiti. Napangiti na din ako at umiwas na din. Mapaghalataan pa kami >.<

"Osige. Tara" sabi ni red. Nagkatinginan naman kaming lahat nung naghanap na si red ng mauupuan. Nangyari kay red at biglang nagiingay na?

Pinabayaan nalang muna namin kaya umupo na kami sa seats.

Nagtabi naman kami ni karl as usual seating. Then katabi niya ay si red and next to him ay si roanne then si irish sana kaso wala pa. Katabi ko naman si yra sa kabila ko at sumunod naman sa kanya ay si darren. Sumunod ay si calvin then si jansen at si jeydon. Tapos 2 vacant chairs pa dito sa round table namin. Wala kasi si tory at si kei.

As usual, nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa nagtime na. Kaso di na dumating si irish. Nalate pa nga sa next class namin. Ano kayang nangyari dun? Matanong nga sa kanya mamaya. Curiosity kills kasi....

----------------------
Readers paramdam naman kayo sa comment kahit isang tuldok lang xD

-Ishia<3

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon