P59- Doubts

3.2K 80 0
                                    

--------------------------------

Victoria's POV

Naligo agad ako saka nag-wig at yung cover up ko. Nag-black long sleeves lang ako saka nag-black na leggings kaso below the knee lang. Nagsapatos na din naman ako ng black, what a sad day......

Sakto namang 1:58 ay tapos na akong magbihis. Tapos ko na din tanggalin yung mga bala ng mabilisan kahit sobrang hapdi.

I don't wanna let them down because of me.....

Kinuha ko yung pana ko na nasa ilalim ng bag ko. Nakakapagtaka bakit yung bag ko ay nasa ilalim ng higaan pero isinawalang bahala ko na muna.

Nang nasa elevator na ako, di ko mapigilang mapasigaw sa hapdi. Ikaw ba naman, tanggalin mo bala mo sa paa mo at sakto ay nabuhusan ng alcohol ng di sinasadya. Peste!

Nug tumunog na yung elevator at bumukas, nagkunyari nalang akong wala lang iyon saka pumunta na sa event kug saan gaganapin ang archery.

"Tory! Buti nakarating ka" sabi ni darren saka lumapit sila sa akin. Nagtaka ako, "asan si irish?" Alala kong tanong. Napakunot naman sila ng noo, "sabi niya kaniapna eh pupuntahan ka niya sa unit mo. Di ka ba niya pinuntahan?" Tanong sa akin ni anne.

"Ah, oo nga pala" sabi ko nalang. Geeze, irish saan ka ba? Nagaalala ako sayo.

"Yow! Saan ka nagpunta?" Sabi ni Karl pagkadating niya at umakbay sakin. Napa-aray naman ako at biglang tinanggal kamay niya. "Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni jeydon.

Tumango nalang ako.

Tinawag naman na kaming players saka pumunta na sa pwesto namin. Nung nagsimula na yung laro, lagi naman akong bulls eye. Andali lang naman eh. Target ko naman kasi sa katotohanan ay gumagalaw at nakikipagbarilan pa sa akin kahit pana lang minsan gamit ko. Oh diba?

Nag-break lang muna para uminom ng tubig. Lumapit naman kami sa may water station at uminom. "Huh, nerd with a perfect bulls eye? Impressive" sabi nung katabi ko. Leader pala, si ashton.

Di ko nalang siya pinansin at nilapag na yung baso.

"I wonder if makakapag-bulls eye ka pa kung nangyari sayo ito" sabi niya saka kinuha yung salamin kong WALANG GRADO at inapakan niya. Napasmirk din naman agad siya ng mangyari yun.

Nagulat nalang ako ng may sumuntok kay ashton, "tangina pre. Walang dayaan dapat na mangyari" sabi ni jeydon.

"Jeydon, hayaan mo na. Balik ka na dun" sabi ko.

"Kakayanin mo ba? Malabo mata mo baka matalo tayo dito. Its better kung mag-back out ka na" sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Bumalik na agad ako sa pwesto ko.

Ilang minuto akong naghihintay sa pwesto ko ng bumalik siyang may ngiting wagi.

"Attention. So dahil dalawa lang naman ang nag-tie sa atin, sila nalang po ang maglalaro. For the last round, dapat matatamaan sa gitna habang gumagalaw ang boards. Don't worry, 5 na boards lang naman kailangan niyong tamaan" sabi nung emcee.

"Tss, pathetic. Binayaran" sabi ko ng malakas. Yung nagpaparinig.

Nung nag-game na, sorry siya talo siya. Wala naman kasing grado mata ko. Sirain mo man lahat ng salamin ko, wala pa din akong malabong mata.

In-announce na kung sinong winner kaya bumalik na ako sa mga kasamahan ko. Napansin kong andun na rin si irish, kararating nga lang eh. "Irish, saan ka galing?" Tanong ko.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon