Chapter 24

5.2K 123 0
                                    

Chapter 25: Laughter is the best medicine

______________________________________

Victoria's POV

So his name's Reylan. Tss, weird. Looking at him, he looks stupid and weird at the same time. Manyak pa yata.

"Anong unang laro?" bored na tanong ko.

"Basketball" kampanteng sabi niya na akala mo ay mananalo. Not a chance.

Tinanguan ko na lamang siya.

"Saan ka pwesto?" Tanong niya. Nagsidatingan naman yung apat niyang kaibigan na mga manyakis din. Pumwesto nalang ako sa left at siya naman ay nasa right ko.

Nagsimula na kaming maglaro. Pakiramdam ko tinatapon ko lang ang basura sa trashcan. Sa huli, nanalo naman ako obviously. With the score of 108-89.

"Next game?" Tanong niya. Napataas ako ng kilay. Siya yung nakipag deal sakin.

"Ikaw ang nanalo so anong next game" sabi niya at umirap pa.

"Ikaw na, tinatamad akong mamili" sabi ko. Napaisip naman siya at napasmirk.

"How about racing?" Sabi niya. Gaya ng kanina, tinanguan ko nalang siya.

"Motor racing or car racing?" Tanong ko. Sumakay naman na siya sa motor, so that explains it.

Umupo ako sa motor na color red while siya ay nasa blue. Nagunahan kami na para bang nasa totoong racing. At una naman ako. Highset score pa nga eh. Mukhang nalugi naman siya dahil halata na sa mukha niya.

"Since it is the last one, i'll choose. How about if we fight in tekken" sabi ko. Tumango nalang siya since alam niyang talo na siya

Naglaro kami at tatlong beses ko pa siyang na-1 hit K.O.

Bye fucker.

"Close your mouth dear, papasok ang langaw" sabi ko kay Ynah bago lumabas. Damn crowds.

Pumunta na kami sa cine at hinintay yung iba. Nahuli naman si irish. Bumili lang kami ng popcorn and drinks since wala na kaming choice at pumasok sa loob ng cinehan. We don't need effin' tickets. This is my mall.

7 na nung natapos yung movie.

"Uy, isa pa. Para naman enjoy" sabi ni Irish. Akala mo kung sinong magaya, siya din naman ang natakot.

"Sige, game ako jan!" Sabi naman nung tatlo. Napatingin naman sila sa akin kaya binigyan ko sila ng questioning look. Bigla silang nag-puppy eyes na ikinairap ko lamang.

"Hindi ako pwede. Enjoy niyo nalang. Libre naman kayo jan" sabi ko.

"Is it because may school ka bukas?" Tanong ni Irish. Napatingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Paano niya nalaman?

"Huwag mo kong tignan ng ganyan. Ikaw si Victoria Anderson na nerd diba? Victoria Anderson, short for Victoria Samantha Anderson. May nakabanggit lang sa akin kanina na lalake" sabi niya. Chismosang babae nga naman.

Tumango ako at humarap sa cellphone ko, "Anyways, alis na ako. Enjoy nalang kayo" sabi ko at aalis na sana ng bigla akong pinigilan ni Ynah.

"Nag-aaral ka pa? Diba graduate ka na nung 13 ka?" takang tanong niya sakin.

"Oo, graduate na ako. Bilin lang ni tanda na dito ako mag-aral" sabi ko. Ngunit hindi niya pa din ako binitawan.

"Aalis na ako. Gusto mong isama ko kamay mo?" Sabi ko habang nakasmirk. Mukhang natakot si Ynah kaya pinabayaan niya na ako.

********

Pagkarating ko sa ospital ay agad akong dumiretso sa room nila Jansen. Kumatok lang ako at saka pumasok na din.

"Oh, ija napadalaw ka? Upo ka na muna" sabi niya. Umiling nalang ako sa magalang na paraan.

"Pwede po bang mahiram muna si Jansen?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Osige ija. Jam, samahan mo muna si Tory. Ingatan mo anak ko ija ah" sabi niya. Tumango na lamang ako. Hindi din naman ako makakasiguro kung masusugatan siya o hindi eh.

"Sorry napaaga dating ni nanay. Kadadating niya palang. Tinext na kita kaso sakto dumating ka" sabi niya. Bigla naman nag-vibrate cellphone ko. Tinanguan ko nalang siya at sumakay na kami sa sasakyan ko.

Nag-drive lang ako papunta sa bahay. Agad kaming umakyat sa kwarto at binigyan ko siya ng damit.

"Suot mo yan" sambit ko sa kaniya.

"Huh? Soldier outfit?" Naguguluhan niyang tanong.

"Training muna tayo. Tuturuan lang muna kita bago ka sumabak sa madugong laban" sabi ko. Napalunok naman siya na animong kinakabahan na natatakot.

"Takot ka ba? O kinakabahan?" Tanong ko. Ngumiti naman siya na parang nahihiya. Thinking of this, pwedeng magkalapit silang dalawa ni Anne.

"Takot? Onti. Kinakabahan? Well, 50 percent yes" pagaamin niya.

"Huwag kang matakot. Sumakay ka na sa shuttle space sa enchanted kingdom nung bata ka diba? I'm sure kaya mo yan, mas nakakakaba dun" sabi ko bilang pabiro.

"Wow, mas takot at kinakabahan ka pa dun? Samantala sa pagpatayan ay hindi?" Gulat niyang tanong na animong hindi makapaniwala.

"Tignan mo. Kapag nagugulat o natatawa ka, nawawala kaba at takot mo. Laughter is the best medicine. For fear that is." sabi ko lamang at tumalikod na sa kaniya.

"Ah, thanks. Pero takot ka talaga dun?" dahan dahang tanong niya.

"Yes. Nasira bigla yung sinasakyan namin at muntikan na akong nahulog kung hindi lang ako nahawakan ni mommy" pag-aamin ko. Half of it is true.

"Nga pala, speaking of parents, asan sila? Abroad?" Sabi niya. Tumahimik nalang ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya. Besides, sa tagal naming magkasama ng gang ko, wala silang kaalam alam kahit sila lolo sa nangyari dahil iba ang inexplain ko.

At isa pa, ayaw na ayaw kong pinaguusapan ang isyung pamilya. Ayoko silang maalala.

"P.s. Wag mo kong suntukin. Nagiiba ang kulay ng mata mo. Kakaiba pala mata mo?" Sabi niya. Niluwagan ko naman yung kamay ko at pumikit.

"Sige na. Magbihis ka na. Mag-training tayo" sabi ko at pumasok ulit sa walk in closet ko.

Kumuha pa ako ng isang pair ng katulad sa kanya at nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto ko, dun kasi siya nagbihis sa may bathroom. Pumunta lang ako sa living room at umupo.

Antagal niya naman.

"Here I am, so saan tayo?" Tanong niya. Tumayo na ako at binigyan siya ng mask.

"Here, wear this for your own protection" sabi ko. Yung mask na yun at yung sinuot niya dati ay parehas lang, kaya makikilala siya, pero sa akin hindi.

Dumiretso naman kami sa underground garage ko, "Marunong ka mag-drive?"

"Motorcycle lang. Bakit?" Tanong niya. Pumunta ako sa mga motor section ko dito sa garage ko.

"Kuha ka ng isa diyan. Sayo na iyon. Para kapag tatawagan kita kapag may laban, diretso ka na" sabi ko na lamang. Nagningning naman yung mata niya.

"Really?" Sabi niya. Tumango nalang ako at naghanap na siya. Hinahanap niya yata yung ducatti ko.

"Kung gusto mo ng Ducatti, andyan sa pinakaduluhan" sabi ko. Tumango naman siya at pumunta dun. Hinagis ko sa kanya yung susi at nasalo niya agad ito.

"Fast movement" sabi ko at napa smirk. Hindi ako kumibo at alam niya agad na ihahagis ko yung susi sa kanya.

Ngumiti siya, "Thanks"

Sumakay naman agad siya kaya sumakay na ako sa Ford ko.

"Follow me" sabi ko. Tumango naman siya at sumakay na sa motor niya. See? Ambait ko na, puta! Bakit ako nagkakaganito?!

Dumiretso na kami sa likod ng stadium. And fuck, may mga nakaparadang kotse sa lugar na kung saan ako usual nagpaparada dati. Bahala na.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon