P51- Advise

3.8K 79 3
                                    

-------------------------

Jayden's POV

And there she goes.

Si tory back to cold.

Tumalikod siya sakin at tuluyan ng umalis sa breakfast hall.

Lumapit ako sa mga kaibigan niya, "ano bang nangyari?" Cold kong tanong. Nagtaka naman sila, "saan?" Tanong ni anne.

"Kay tory" sabi ko.

"Ewan. Inaasar asar lang namin siya na baka kayo na. Tapos eh nagiba na kaming topic dahil napapansin naming hindi siya umiimik. May malalim siyang iniisip. Ilang saglit tumayo na siya at ayun, kinausap mo" pagaamin ni ynah. Tsk.

"Ano bang meron at ganyan ka maka-react?" Nakangiting tanong ni jansen. Umiling ako, "wala. Geh, una na ako" sabi ko at umalis na sa breakfast hall. Naririnig ko pa nga silang nangaasar eh. Except dun sa amie at alya. Tapos tinatawag din ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinapansin.

Alam niyo, may napapansin ako kay alya. The way she looks. Parang kamukha niya si tory. Pero imposible naman ang naiisip ko. Na baka nanay niya ito? Tss, wala din pala ang utak ko ngayon.

Pumunta ako sa kwarto ni tory at kumatok. "Tory? Anjan ka ba?" Tanong ko.

Tinignan ko yung side ng pinto, nandito siya. Malalaman naman eh. Kung green ibig sabihin ay nandun siya dahil nilock sa loob yung pinto. Kung red, wala siya dahil nilock ito sa labas.

"Tory, kung ano man ang nagawa ko o nila, sorry. Hindi ko man alam ang ginawa ko, pero hindi ko talaga sinasadya" sabi ko at napayuko.

Wala namang sumagot pabalik kaya inisip ko nalang na baka tulog siya. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin.

Pumunta ako sa may seashore at umupo dun sa malaking bato.

Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang nangyayari sakin?

"Yow! Bakit ka andito pre?" Tanong ni raph. Isa sa basketball player. Umiling ako, "wala lang. Nagpapahangin lang" sabi ko.

"Buti ka pa, nagpapahangin lang. Ako may problema" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ano namang problema mo?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, "bakit? Magaadvise ka? Naks naman. Nagiiba ka tol!" Sabi niya.

"Kanina pre tawag mo sakin. Ngayon tol. Yung totoo? Bahala ka na diyan sa buhay mo. Nagtatanong ng maayos yung tao" sabi ko at akmang tatayo na sana ng hinawakan niya kamay ko. "Sornah. Ito na. Sasabihin na"

Umupo na ulit ako at pinakinggan ko siya.

"There is this girl na lagi kong pinagtritripan. Actually, in other words, nagpapapansin. Gustong gusto ko siya magmula nung nakilala ko siya. Mabait, mapagmahal, at maganda sa paningin ko kahit sa iba hindi. Pero lagi ko siyang nilalait kahit kabaliktaran nun ay ang totoo. Until, one day, nag-ayos siya. Pinakulot niya sa baba yung buhok niya, nagaayos na ng ginagamit, at lagi na siyang nagpapaganda.

Gusto ko sanang umamin sa kanya na gusto ko siya kaso lang...... Baka isipin niya na nagkagusto lang ako sa kanya dahil gumanda siya at mga ganun. Kung sasabihin ko naman na dati ko pa siyang gusto, baka naman sabihin niya na nagpapalusot lang ako. Or baka paglaruan ko lang feelings niya. Di ko alam ang gagawin ko..." sabi niya.

Napaisip ako sa ganun. Oo nga noh? Parang narerelate ako diyan at kay tor-- este, mali! Hindi ako relate! Mali lang yang nasulat ni author!

"Raph, kung gusto mo siya, aminin mo. Huwag kang matakot. Hinaharangan ka lang ng mga what ifs mo. Kung ayaw niyang maniwala, patunayan mo. Baka mamaya magkaroon pa siya ng iba. Edi talo ka dahil sa mga what ifs mo" sabi ko.

"Salamat si advise pre. Pero, marunong ka pala mag-advise? Kala ko cold ka nalang lagi" sabi niya.

Napapoker face naman ako, "tss, lahat ng tao marunong mag-advise pero yung iba, hindi kaya magadvise sa sarili. Geh, una na ako" sabi ko at tumayo na.

Umalis na ako dun pero hinabol niya ako, "salamat ah" sabi niya sabay akbay sakin.

"Tss, oo na. Dun ka na" sabi ko at tinanggal yung pagkakaakbay niya sakin.

Pumunta ako sa unit ko at natulog na muna.

Calvin's POV

Nagising ako sa kwarto ni jayden. Gulong gulo pa din isipan ko. Kaya naman minabuti ko munang lumabas ng kwarto niya.

Bumalik ako sa unit ko at nilagay ko yung mga gamit ko. Ilang sandali lang ay pumunta ako sa rooftop. Hindi naman sinabing bawal eh.

Napaisip ako sa mga sinabi ni tory.

Paano niya ba nalaman patungkol sa rickrick? Hindi kaya...... Aish! Pero impossible eh! At yung panaginip niya? Dark knight. Paano niya nalaman yun?

Isa din ba siyang gangster? Or isa siya sa mga natulungan ko nun?

Aish! Gulong gulo na ako!

"Tama na yang paggulo ng buhok mo. Mamaya makalbo ka" sabi ng isang babae sa likod ko. Napatingin ako bigla sa kanya, "jansen? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

Napangiti naman siya at tumabi sa akin, "may bumabagabag lang sa isip ko. At gusto ko ding magpahangin eh. Eh ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong niya pabalik.

"Ganun din eh" sabi ko at tumingin ako sa beach.

"Ah. Patungkol ba yan kay tory?" Sabi niya. Tumango ako. "Talino mo talagang nerd ah! Pero, huwag mo nalang ipagsabi sa iba ah" sabi ko.

"Ah. Sige. Una na ako ah. Di ko ipagsasabi yan. Trust me" sabi niya at nagmamadaling umalis.

Hays. Itong dalawang nerd na ito, ang gulo din. Akala mo hindi nerd si jansen at tory eh. Grabe sila gumalaw. Daig pa ang babaeng maarte eh. Tss......

Nagpalipas lang ako dito ng ilang minuto at naisipan ko na ding bumaba. Dumiretso na ako sa breakfast hall.

Napansin kong wala pa yung dalawa. Kaya ayun, nagaasaran na naman yung mga lalaking ito. Sinasabi nila loveteam daw kasi parehas daw wala sila.

Napatingin naman ako sa ibang estudyanteng andito, nananahimik sila pero deep inside, galit yang mga yan kay tory. Tss, hearththrob ba naman kasi with the nerd? Tss.....

Dumating na din yung mga pagkain kaya nagsimula nang kumain yung mga estudyante.

Ilang saglit lang ay dumating sila ng sabay. Nakaalalay pa si jeydon kay tory. Shet, nakakaselos ito ah! T-teka, selos? 0.0 gusto ko si tory.....

Napatingin ako sa reaksyon ng iba, ayun sila. Parang nandidiri, yung iba napapairap nalang. May napansin naman ako. Isang lalaki, nakasmirk siya habang nakatingin sa dalawa. Hinding normal smirk, yung parang may gagawin siyang masama. Aish! Ewan ko sa sarili ko!

Teka, bakit nga ba sila sweet sa isa't isa? Napansin ko din yan sa bus, sa airplane, at kung saan man. Tss. Couple na kaya sila? Bwisit! Sana hindi....

"Kalma lang pre. Mamamatay na yang mga pagkain mo" pagbibiro ni kei. Napatingin naman ako sa pagkain ko, oo nga pala, may pagkain sa harap ko.

"Malulunod yata tayo sa lalim ng dagat ni jarred oh!" Sabi naman ni darren. Pero hindi siya pinansin ni jarred at nananahimik pa din. "Huwag kang maingay. Kahit nalulunod na ako sa dagat niya, manahimik nalang. Ayoko namang masuntok noh" bulong ni Karl.

Tss, mga ito talaga, ang hilig mangtrip!

Pumunta naman si jeydon sa gilid ko at kumain na. Nangasar naman yung tatlo sa kanya. Tss, bahala sila diyan sa buhay nila.....

-----------------------

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon