Chapter 38

4.2K 96 0
                                    

Chapter 38: Alpha Phoenix Gang

______________________________________

Jeydon's POV

Natapos na yung laban ng mahihina ng may nagsalita sa speaker, "Okay. We have an important announcement from the leader of Deadly Duo"

"As you all know, I am Victorious and I have a gang name deadly duo which Senatorious is a member of. Now, I want to inform you that my gang, Deadly Duo, is discharged" sabi niya na ikinagulat ng madami. Pati din kami.

Nag-away ba silang dalawa ni Senatorious? Tsk, sayang, galing pa naman nila.

Or isali ko kaya sila sa gang ko?

"But I have a new gang that is formed with Senatorious and other members" sabi niya. Tsk, sayang. Ayun na sana eh!

"I want you all to meet them" sabi niya at may apat na taong nakamaskara ang tumayo at tumabi kay Victorious.

"Diba sila yung gang ni Deadly Viper? Nag-quit na ba sila?" Sabi ni Darren.

"Baka nalaman ang plano ni d
Deadly Viper na papatayin niya ang Prinsesa at Reyna kaya nag-quit na sila" sabi ni Karlos at tumawa sa sarili niyang joke. Tss, takas yata ito sa mental ah?

"Thunder" (si Irish po iyan)

"Silver" (si Anne po iyan)

"Fire" (si Ynah po iyan)

"Ice" (si Yra po iyan)

"And I am their leader. Our gang is now called, Alpha Phoenix Gang" sabi ni victorious at binigay yung mic sa emcee. Pagkatapos naman nun ay umupo na sila.

Alpha Phoenix Gang? Ang ganda ng name ng gang nila ah.

Wala namang masayang panoorin sa mga naglalaban kaya umalis na kami dun at umuwi.

Nakakapagtaka kung bakit umalis yung apat na yun sa gang ni Deadly Viper. Ang lakas ni Deadly Viper, tapos gagamitin niya lang sa wala.

Habang papunta kami sa kotse namin ay may tinawagan si Red,

"Yow! Balita ko umalis na mga gangmates mo ah? - Grabe ka sakin! Nabalitaan ko lang kanina eh. - Duh, inannounce lang po formally! - Ay hindi, hindi ako nagulat. - Tss, bahala ka na nga diyan. Ganda mo kausap ah!" Sabi niya. Napakunot naman bigla noo niya.

"Hello?" Tanong niya kaso nakita niyang end call na pala kaya napapoker face.

Inakbayan naman siya agad ni Kai at napangisi, "Yow! Sino kausap mo?"

"Tss, wala kang pake" sabi niya at agad sumakay sa kotse niya at umalis. Nagkatinginan yung tatlo.

"Problema nun?" Tanong ni Darren. Napailing naman yung dalawa.

Sumakay na din kami sa kotse namin at umuwi na. Inaantok na ako eh.

Victoria's POV

Nagising ako dahil sa bwisit na alarm clock sa labas ng kwarto ko. Tss, bumangon ako na parang zombie sa bagal at binuksan yung pintuan. Sinipa ko ng malakas yung alarm clock at microphone kaya nasira ito. Dumating naman bigla si Irish.

"Ay, sinira mo na naman? Tss, bibili nanaman ako ng bago. Inuubos mo pera ko ah!" Sabi niya sakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at saka sinaraduhan ko nalang siya ng pinto. Napahiga na ako ulit sa kama. Inaantok pa ako ng may sumigaw sa labas ng kwarto.

"Hoy! Iya! May pasok po ngayon! Monday po!" rinig kong sabi niya mula sa labas.

Napabangon naman agad ako. Aish! Ginulo ko buhok ko, monday pala ngayon! Bad trip! Makikita ko nanaman yung mga nakakasukang itsura ng mga phantom na yun!

Tss, si Calvin, humanda din yun sakin. Di man lang niya ako pinagtanggol at umangal na siya nalang kasama ko sa contest.

Naligo lang ako at nagbihis ng simpleng shorts at loose shirt. Sumakay na ako sa kotse kong si Dark at pinaharurot papunta sa cover house ko. Umakyat na ako papunta sa kwarto at nagpalit ng damit na school uniform. Kinulayan ko na yung buhok ko kanina sa room ko kaya naglagay nalang ako ng contacts at magic cream. Next time, bibili nalang yata ako ng wig para hindi na ako mahirapan sa pagkulay ng buhok ko.

Tumakbo ako kaagad sa room ko at pagdating ko dun ay hingal na hingal. Umupo na agad ako sa upuan ko.

"Mukha kang nag-marathon ah" sabi ni Jansen pero di ko nalang siya pinansin.

Kinalbit ako ni Jeydon kaya napatingin ako sa kaniya, "What?"

"Truth. You. Jarred. Now" sabi niya. Aba, makapag-command.

"None. Stay out of someone's bussiness" sabi ko at inirapan siya. Magsasalita palang sana siya ng pumasok na pinsan ko. Nakangiti na naman.

Aish! Pakibura nga yang labi niya! Nabwibwisit ako sa ngiti niyang iyan eh!

"Class, I have news. So, hindi na po matutuloy ang campus festival. Pero matutuloy pa rin po ang Campus King and Queen sa December na po. As for the sports, maglalaban nalang sa Univeristy Fest. Namili po ang mga guro sa mga sasali" sabi niya at nakangiting nakatingin sa akin. Bigla naman akong napasapo sa noo, don't tell me na sinali niya ako?! Tss.

Nag-discuss lang siya hanaggang sa may nagpatawag sa amin. Yes, kasama ako dun. Pinapatawag ako ng principal nila.

Tss, I hate meetings.

Pumunta naman agad kami sa meeting room at ilang saglit lang ay dumating na yung principal. Ay teka, sub lang pala ng principal. Basta principal na din.

Unfortunately, may kumausap pa sa kaniya sa labas kaya nananahimik kami dito nang biglang tumunog cp ko. Sinagot ko naman ito ng hindi tumitingin sa caller.

"Babe! Kamusta ka diyan sa Philippines?" bati nung nasa kabilang linya. Napasapo nalang ako sa noo ko, di ko dapat sinagot tawag nito eh!

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Aish, kay lolo mo malamang. Sabi niya dadalhan mo siya ng madaming candies kaya super happy eh. By the way, babe, bakit hindi mo ako tinatawag na babe?" Tanong niya. Tinapat ko naman agad cellphone ko sa bunganga ko.

"BABE MO MUKHA MO! LETCHE KA!" At pinatay yung tawag. Binulsa ko naman agad ito at napatingin sa mga taong andito.

"What?" Sabi ko habang nakakunot noo ko. Lahat sila nakatingin sa akin eh. Dukutin ko kaya eyeballs nila?!

Umiwas naman sila ng tingin at nagdaldalan ulit. Ayan, diyan kayo magaling. Daldalan, chismosa, chismoso, kung sino at ano ang pinaguusapan. Tss.

Bumalik naman agad yung principal at tumayo na sa stage. Tss, ano ito? Show or graduation para tumayo siya sa gitna na may mic at table pa?

Tss, ang init na naman ng ulo ko. Bwisit kasing hinayupak kong pinsan na yun eh! Idagdag mo pa yung gagong makaasta na boyfriend ko na may babe pang nalalaman.

Isa pa yung tanda, feeling naman niyang bibilhan ko siya ng candy. Di man lang niya ako sinabihan hanggang ngayon na bumisita siya sa pilipinas.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon