Jeydon's POV
3 sabog ang nangyari nung nagsimula ang concert na ikinagulat ng lahat. Buti nalang at napanatiling bukas ang mga daan kung kaya't agad agad nagsilabasan ang lahat ng tao dito. Susunod na din sana ako para lumabas ngunit may naalala ako...
Samantha Anderson
Agad akong nagtungo sa likod ng isang puno at sinuot ang isang maskara na lagi kong dala. Pagkatapos ay nagtungo ako papunta sa stage na punong puno ng usok. Pwedeng dahil sa pagsabog or sa effects.
Umkyat ako sa stage at napansin kong bukas ang trap door. Ito siguro ang ginamit niya para makatakas agad. Pero impossible. Hindi ko pa siya nakitang lumabas.
Agad akong dumiretso sa backstage at may napansin akong isang babaeng nakamaskara habang nakikipaglaban sa mga lalaki. Teka, victorious?! At pansin ko din sa logo nung mga lalaki, skelenials?!
Connected ang Victorious at ang Skelenials?!
Nagulat nalang ako ng may nagpaputok sa direksyon ko at buti nalang ay natamaaan lamang ang aking braso. Di naman malalim kaya kayang kaya ko pang makipaglaban.
Kinuha ko naman agad ang baril ko at pinatama ito sa kanya. Sakto naman ay nagsidatingan ang tatlong lalaki. Suntok iwas sipa iwas lang naman lagi. At dahil boring ay agad kong tinapos ang laban namin.
Sinundan ko si Victorious at napansin kong pumunta siya sa left side. Dead end yun ah?! Pero mukhang may hinahabol na lalaki eh.
Agad akong pumunta dun at sinundan sila patungo sa isang room kung saan puno ng salamin. Practice room siguro.
"Kaya mo pa nga ba?" Tanong nung isang lalaki sa kanya. Sinuntok naman siya ng malakas ni Vcitorious na dahilan ng pagkatumba. Agad namang tumayo ang lalaki at nag-counter attack ngunit agad itong nasanggahan ni Victorious.
Nag-back flip naman si Victorious kaya ay nasipa niya yung lalaki sa panga. Napahiga naman ang lalaki ngunit nakatayo din naman. Aba, malakas at hindi pa nalagod sa mga atake ni Victorious.
Agad namang tumakbo ang lalaki papunta sa isang kwarto kaya naman ay agad siyang sinundan ni Victorious patungo doon. Susunod na din sana ako ng may mga humarang na naman sa daan ko.
Nagbarilan lang naman kami at agad din namang natapos ang laban. Ngunit may mga natamo akong sugat. Dalawang sugat sa mukha, isang malaking sugat sa braso, at isanng bala ng baril sa may paa.
Hindi maaari. Kailangan kong tulungan si Victorious mula sa lalaking iyon...
Agad akong tumakbo papunta sa loob ng kwarto at di ko ininda ang sakit at hapdi sa aking katawan. Nakita ko naman silang naglalaban sa gitna ng kwartong ito. Basag din lahat ng gamit. Mga vase na nadito na nakalagay sa isang glass box ay basag.
"Victorious" sambit ko. Tama ako. Si Victorious talaga ito.
Napatingin naman siya sa akin at nagulat, "Black Dragon?" Tanong niya.
Magsasalita pa sana ako ng sinuntok siya sa mukha niya na naging dahilan kung bakit nagdugo ang kanyang labi. Susuntukin sana siya muli nung lalaki ng humarang ako kaya ako ang nasuntok.
Pero ang di ko inakala ay nasuntok niya ako sa may braso ko kaya agad akong napahawak dito. Napakunot naman ng noo ang lalaki at sinipa ako papunta sa isang gilid.
Sinipa siya ni Victorious ng pagkalakas lakas na dahilan ng pagtalsik niya sa isang gilid at agad na lumapit sa akin. "What are you doing here?" Tanong niya sa akin.
Ewan ko ba pero dalawang Victorious ang nakikita ko.
"Victorious at victorious?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Nagsasalita siya ngunit hindi ko marinig ang sinabi niya. Unti unti ng dumidilim ang paningin ko.
Nakita ko na lamang siya nabiglang napatalsik sa isang gilid dahil sinipa siya nung lalaki, until pure blackness invaded my sight.
Jayce's POV
"Black!" Sigaw nung Dragon Heir members at agad na nilapitan ang isang lalaking nakalumpasay sa sahig na punong puno ng dugo.
"Victorious!" Sigaw naman nung mga Alpha Phoenix members at lumapit si Senatorious at Ice sa kanya. Biglaang sumugod naman si Thunder at Silver dun sa lalaki.
Mahigpit ang laban. Kahit anong atake ang gawin nilang dalawa, sabay man o hindi, ay agad na nasasangga nung lalaki at tumatawa pa. Timang lang?
Nagulat naman kami ng may isa pang babae ang pumasok dito at sumugod. Ako pa talaga ang sinugod. Agad naman akong umiwas ngunit nasipa pa din niya ako na dahilan kung bakit ako natumba.
Pinilit kong bumangon ngunit mahapdi.
Makakabangon na sana ako ng may sumipa sa likod ko. Nagsalita naman yung isang babae, "You really think you can beat me with that kind of strength? Pathetic" sabi niya habang nakapatong ang kanyang paa sa likod ko.
"Mimick? You challenged her?" Tanong sa akin ni Silver D. Napailing naman ako kahit na nanghihina na ako, "n-no"
"Kinda w-weird. 346 d-days ang s-sabi ninyo, p-pero 332 d-days pal-lang ang n-nakalip-pas n-na a-araw. T-tell me, m-marunong ka ba t-talag-gang mag-bil-lang?" Tukso ko sa babae.
"Just like the poet said, 13 explosions. Only 10 explosions has happened. This is only the phase two of our plan" sagot nung babae. Magsasalita pa sana ako ng naramdaman kong nawala ang presence niya sa likod ko.
Napabangon naman ako ng konti upang makita ang nangyayari.
Lahat ng kasamahan ko ay nakatulog. Siguro dahil sa pagod sa pakikipaglaban at sa dami ng natamong sugat. Ang nakatayo na lamang dito ay yug sinabi nilang si Victorious at yung babae saka yung lalaki.
"Game's Over" sabi nung babae at sinipa si Victorious na naging dahilan kung bakit siya natilapon sa kabilang banda. Ito lang ang huli kong narinig at nakita dahil biglaan ay nag-black out ang paningin ko.
Is this the end?
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Akcja[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...