-------------------------------
Victoria's POV
Sa pagputok ng baril na yun ay akala ko na ay ang huling tapak ko sa mundo ngunit wala akong naramdang sakit. Minulat ko mata ko at nakita kong may humarang.
"A-angela?" Utal na tanong ko. Tumingin ako dun sa lalaking bumaril kay angela at nabaril na din pala siya ni angela.
Nilapitan ko kaagad si angela na may hawak na baril, "no. Mabubuhay ka angela. Just hold on. Dadalhin kita sa ospital" sabi ko.
"Diba sabi ko sayo tutulungan kita? Di mo man lang sinabi sakin na ngayon na pala. Edi sana mas maaga kitang natulungan" sabi niya at ngumiti.
Nangingilid naman luha ko. Nakuha pa niyang ngumiti sa ganitong sitwasyon?
Binuhat ko agad siya kahit pinipilit niyang hindi nalang at agad na dinala sa hospital. Nasa taxi nga lang kami eh.
"Paano mo nalaman na andun ako?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"Nakita kita sa labas ng bahay niyo at sinundan kita. Ayun, buti palang nasundan kita kundi, napahamak ka lalo" sabi niya.
"Geeze, angela naman eh. Wag kang ngumiti. Nakakainis na. Nabaril ka na nga lang, ngingiti ka pa!" Sabi ko.
Dinala agad siya sa er at ginamot. Hindi man ako pwedeng pumasok sa loob ngunit alam kong maliligtas siya.
Nung nilabas na siya ay dinala siya sa isang kwarto na pwede na akong pumasok.
Agad naman akong pumasok dun at napabuntong hininga na lang nung ligtas siya. Lumapit agad ako sa kanya, "angela, alam mong alalang alala ako sayo?"
"Sam? Diba dapat umuwi ka na? Limang oras kang naghintay sa labas. Dapat umuwi ka na" sabi niya.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita makitang ligtas ka" sabi ko. Napangiti naman siya.
Ngumiti din ako, "salamat nga pala sa pagligtas sa akin. Pero sana, wag mo ng ulitin yun" sabi ko.
Tumango naman siya, "promise, di ko na uulitin yun" sabi niya.
"Uwi ka muna at magbihis at matulog. Balikan mo nalang ako mamaya. 4 a.m. na oh" sabi niya.
Tumango nalang ako, "sige sige" sabi ko at akmang lalabas na ng kwarto ng hinawakan niya kamay ko.
"Mag-iingat ka ah? Mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan yun. Best friends tayong tatlo nila irish, isama mo na si anne. Pasabi na din kay irish na sorry at mahal na mahal ko siya. Wag mo sana ipagsabi sa iba ang dahilan kung bakit ako namatay? Please...." Sabi niya.
"Osige bes. Para sayo" sabi ko at hinawakan kamay niya. "Saka next time, wag ka ng mag-sasabi ng ganyan. Parang mamamatay ka na eh. Ayokong mangyari yun" sabi ko.
"Merong mga bagay na hindi natin kayang kontrolin. Pero sana bes, magingat ka sa mga susunod na mangyari. Mahal kita bes at alam kong malalagpasan mo lahat ng pagsubok. Sayo na itong susi na ito" sabi niya at binigay niya sa akin yung susi.
Nagtaka naman ako, "para saan ito?"
"Malalaman mo din sa nakatakdang panahon" sabi niya. Tumango nalang ako.
Inalis naman na niya kamay niya at nagpahinga, "kung mamamatay man ako, sana sa pilipinas mo nalang ako ilibing para sa ganun, magkasama kami ng nanay ko at tatay ko"
"Bes, wag kang magsasabi ng ganyan. Hindi ka pa mamamatay" sabi ko.
Ngumiti naman siya, "kung lang naman eh. Sige na, magpahinga ka na muna. Bisitahin mo nalang ako mamaya" sabi niya.
Tumango ako, "magiingat ka dito ah" sabi ko at umalis na ng kwarto niya.
Umuwi na ako. Nagbihis lang ako at naligo dahil puro dugo na yung damit ko. Kumain na din ako at agad na pumunta sa ospital.
May nararamdaman akong kakaiba eh.
"Manong, pakibilisan nalang po" sabi ko kaya binilisan naman niya.
Nakarating na ako sa ospital at pagkapasok dun ay parnag nagkakagulo. Lumapit ako sa isnag nurse at tinanong kung anong nangyari.
"Yung pasyente po kasi sa room 409 po ay natagpuan ng may 4 na bala at mga galos din po. Wala pong nakakaalam kung paano nangyari yun" sabi nung nurse.
409? T-teka, imposible!
Agad akong tumakbo sa kwarto ni angela at siya nga yun. Room 409 kasi si angela.
Lumapit ako sa kanya at brutal nga ang pangyayari.
Ang gulo ng kwartong ito, basag ang bintana na ginamit siguro pang-escape ng pumatay sa kanya.at si angela? Naka-higa sa floor, duguan at walang buhay.
Napa-luhod nalang ako sa harap niya at hinawakan yung mukha niya. Wala ako pake kung duguan man siya, ang importante ay mabuhay siya.
"A-angela? Buhay ka diba! G-gising ka diba? H-hindi ka pa p-patay diba?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"S-salamat s-sa l-lahat, s-sam. *cough* p-pinasaya n-niyo a-ko ni i-irish a-at si r-roanne. W-wag ka ng u-m-miyak, a-ayokong n-nakikitang u-miiyak ang k-kaibigan ko. H-hangga-gang sa h-huli. P-paalam" sabi niya at sinara na niya mata niya.
Nakangiti man siyang namatay, alam kong hindi siya ganun kasaya, knowing na hindi na kami magkikita.
"A-ngela! H-huy! Wag ka namang magbiro ng ganyan! Hindi na nakakatawa. Alam mo yun? Hahaha, kanina diba gising ka? Hahaha, kanina diba okay ka lang? Diba?" Sabi ko habang tumatawa. Wala akong pake kung mukha akong mental, ang importante lang talaga ay mabuhay siya.
"Angela, hahaha gising na. Napaiyak na ako oh! Tama na yang joke mo. Hahaha, tumatawa na ako at umiiyak oh" sabi ko habang tuloy tuloy na pumapatak luha ko.
Wala. Wala na siya. Wala na siyang buhay.
Umiyak nalang ako habang katabi ko siya. Wala na yung babaeng mahilig kaming prankahin. Wala na yung babaeng laging andyan at ambilis malaman ang problema namin. Wala na siya.....
Samantha, gumising ka na sa katotohanan na wala na siya! Tanggapin mo nalang! Hindi na siya nagbibiro. Wala na talaga siyang buhay.....
Pesteng mga luha ito! Ayaw tumigil. Mga traydor!
Flashback Ends....
"Tory?" Tanog ni jansen na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko, umiiyak nga ako. Pinunasan ko kaagad yun, "hindi ako umiiyak ah. Nagpapawis lang mata ko" sabi ko.
"Hay naku. Ano ba talagang nangyari?" Tanong niya.
"May bumaril sa kanya habang nasa ospital siya. Makakaalis ka na" sabi ko. Tumayo na din ako at pumunta na sa kwarto ko. Umalis na din naman siya.
Napaupo nalang ako sa likod ng pintuan at umiyak ng maalala yung pangyayaring iyon.
Hiniling niya sa akin na dito siya sa pilipinas ilibing kaya dito siya ngayon. Nandun siya malapit sa puntod ni angelo at saka pamilya ko. Isa siya na importante sa buhay ko kaya kasama siya sa lugar na iyon.
Gusto ko silang bisitahin......
------------------------------
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...