Chapter 47

3.8K 95 1
                                    

Chapter 47: Changed cause of Tradegy

______________________________________

Victoria's POV

Alam kong hindi ko na macontrol sarili ko ngayon dahil lasing na ako. Malabo din paningin ko at parang nagdo-double vision. Nananaginip na yata ako.

"Angelo?" Tanong ko at naluluha na ako. Nasalo niya ako pero hindi ko alam kung bakit niya ako sinalo.

"Angelo? Alam kong ikaw yan" sabi ko at namamaos na boses ko.

"Ako nga" sabi niya. This time, ramdam kong may tumulo na luha sa mata ko.

"Alam mo, miss na miss na kita. Sana makasama kita ulit. Sana hindi ka namatay. Sorry. Ako pa ang may kasalanan kung bakit ka namatay" sabi ko.

"Wag kang mag-alala. Wala kang kasalanan. Miss na din kita. Lagi mong tatandaan na ginagabayan kita sa langit" sabi niya at ngumiti.

"Mahal na mahal pa din kita, Angelo" sabi ko.

"Mahal na mahal pa din kita, Samantha. Salamat at naging parte ako sa buhay mo, salamat at minahal mo ako. Pero tandaan mo, magmahal ka din ng iba. Huwag kang masyadong maging bulag sa pag-ibig" sabi niya.

"Ayaw mo na ba sa akin?" malungkot kong tanong.Nginitian niya naman ako.

"Hindi naman sa ganun. Magkaiba lang tayo ng mundo. Pero tandaan mo na minahal at mahal kita" sabi niya. Iniscan ko yung face niya.

"Hanggang ngayon, ikaw pa din yan. Alam na alam mo sarili mo at kamukha na kamukha mo pa din yung lalaking mahal ko" sabi ko. Ngumiti na naman siya. Hinawakan ko siya sa mukha niya.

"Bago ka magpaalam sa akin dahil alam kong maglalaho ka na, pwede bang humingi ng favor. Last kiss...." sabi ko. Napatango naman siya. Nilapit ko mukha ko at hinalikan siya.

Ilang segundo ang lumipas, may naririnig akong nagbubulungan. Hindi ko maintindihan nung una kaya binuksan ko mata ko. Dilim. Yan lang nakikita ko. Biglaang kumulog kaya napapikit ako.

"Nasa akin ang best friend mo. Kunin mo sa akin kung gusto mo. Kamusta na pala ang mahal mo? Diba biglaan siyang naglaho?" Sabi niya. Binuksan ko mata ko biglaan at nandito ako sa building na kung saan nangyari ang kinakatakutan ko.

"Where is he?!" sigaw ko nung lumabas yung leader nila. "Why would I tell you? Si master lang ang nakakaalam niyan." Mapaglarong tanong niya habang nakangisi.

"Fuck! Tell me! I swear, I'll kill you if you touch him!" Sabi ko. Galit na galit na ako. Nakita ko sa salamin repleksyon ko at color pink na ang mata ko. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya minabuti ko ng sumigaw.

"Argh! Shit! Bwisit ka! Asan siya?! Asan ang bestfriend ko?!" malakas na sigaw ko.

"Sabihin niyo kung asan siya?! Peste kayo! Mga hayop" sabi ko. Nagsilabasan naman yun mga taong nakapaligid sa akin. Kanina ko pa nafifeel yung presence nila pero hinayaan ko nalang.

Nagsimula silang umatake kaya naman nakipaglaban na ako. Iwas, suntok, sipa. Yan lang ang ginagawa ko. Bigla naman akong nadaplisan sa braso, causing my arm to bleed.

"Shit! Sinasabi ko sa inyo, papatayin ko kayo kung hindi niyo sabihin kungg nasaan ang bestfriend ko!" sigaw ko sa kanila. Kahit na nanghihina ako ay pinilit ko pa ding tumayo.

"Fuck you! All of you! Papatayin ko kayo! Argh, bakit niyo pinatay ang bestfriend ko kung wala siyang kinalaman sa lahat!" Sabi ko. Tumawa naman siya ng parang isang demonyo.

"Malamang sa malamang, best friend mo. Sa buhay, may damayan" sabi niya at tumawa ulit.

Nilapitan ko siya at sinuntok, puro iwas naman siya kahit sa pag-sipa ko. Kumuha ako ng shuriken at kunai, na kakaalala ko lang ngayon, na lagi kong dala. Tinamaan siya sa braso at dumugo din ito, at nadaplisan ko din siya sa pisngi niya at sa eyebrow. Hinagis ko ito sa direksyon niya, naiwasan niya lahat maliban sa isa na tumama sa paa niya.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon