P78- Secret's Out

2.9K 78 0
                                    

-----------------------------

Tory's POV

Naligo at nagbihis lang naman ako sa bahay ko saka bumalik sa cover house ko. Simple shirt and pants then all my cover up. Kinuha ko yung phone ko na kanina pa sa kotse ko nagriring.

"Hey sammy!" Bati ng tatlo sa kabilang linya. "Oh what's up?" Bati ko naman.

"We're coming tomorrow!" Masayang sabi nila. "K." Sabi ko naman.

"Oh, bout that. Uhm.... How do we greet for 3'rd death anniversary?" Tanong ni jaja sa kabilang linya. "Whatever" sabi ko saka inend yung call. Sabi ni jones ay dating daw nila ay sa wednesday? Ang gulo nga naman ng buhay.

Umupo lang ako sa couch namin saka inon yung television. Geeze, ang dumi na pala dito. Oh well, yung kwarto at parking lot lang naman kasi ang usually na ginagamit ko. Mukhang haunted house na nga yata sa labas eh.

Nilipat ko yung channel papunta sa gangster channel saka pinanood ang news kung ano na ang mga kaganapan dito. Bakit ang sabi ay wala na ang gangster princess? Eh andiyan pa naman siya katabi nung queen?

Aish, jarred. You're getting on my nerves.

May kumatok naman sa pinto kaya tumayo ako at binuksan ito. "Oh, joshua. How're you?"

"Masaya naman since date natin ngayon. Ano? Ready ka na?" Sabi niya. Tumango nalang ako. Ok lang naman siguro na ganito nalang suot ko diba?

Hinatid niya lang ako papunta sa kotse niya saka siya na ang nagdrive. Kumain lang kami ng lunch saka nanood ng movies. Then hinatid niya din ako pabalik sa bahay. "Enjoy ka?" Tanong niya.

Tumango nalang ako at ngumiti ng konti para hindi mahalata.

"Absent ako bukas ha? May importante lang na gagawin" sabi niya. "Ah, sige" sabi ko naman. Wala din naman akong pake -.-

"Teka lang. May kukunin lang ako sa kotse" sabi niya saka pumunta na sa kotse niya. Bigla naman nagring yung phone ko, "si red to" sabi niya bigla.

"Oh? Bat ka naman napatawag?" Tanong ko saka napairap sa kawalan. "May sasabihin lang akong importante. Yung impos---"

"Hold on a sec" sabi ko naman.

"Hey... Uhm... May gusto lang sana ako sabihin" sabi naman ni joshua. "Ano naman yun?" Tanong ko. Lumuhod naman siya saka inabot yung bulaklak. Teka, ano ako? Patay na?

"Uhm... Will you be my girlfriend?" Sabi niya.

"Sure. Why not?" Sabi ko naman. Bigla naman niya ako hinug. "Yes! Thank you!" Sigaw naman niya. Tss, pasalamat ka sinabi kong sure. Kundi hindi pa yan tapos. "By the way, saan ka pupunta bukas? Sayang naman at aabsent ka sa school. I mean, yung girlfriend mo hindi umabsent at hindi aabsent sa future"

"Aw, di ka ba proud na boyfriend mo ko?" Tanong niya. Pwedeng suntukin ko na ito? Kadiri lang magpout ng lalaking ito eh. "Syempre... Proud naman ehem. So.... Saan ka nga pupunta bukas?" Tanong ko ulit.

"Malapit lang sa taqcuiyos. May pinapaasikaso lang sakin si... Daddy ko" sabi naman niya. Gandang palusot. Nasa states pa dad niya. Hahaha, tingin naman niya mabobola niya ako.

"Ah sige. Ingat ka" sabi ko naman. Tumango naman siya at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng bahay saka tinapon yung bulaklak sa may storage room. Kasama na dun yung mga bulaklak at yung mga notes na binibigay niya sa akin. Pati yung mga kung ano anong papel ang binibigay sa akin dahil nga madami akong bashers.

Dahil wala naman akong magawa at maaga pa, I decided to go somewhere. Kinuha ko yung kotse kong si dark saka pumunta sa downtown at bumili ng mga gamit na kailangan ko.

Kei's POV

Dumiretso lang ako sa downtown at pumunta sa starbucks. Impressive nga at nandun na si boss eh. Hahaha.

Nagorder lang ako ng dalawang donut at dalawang frappe. Wag kayo, mauubos ko talaga ito.

"Takaw mo talaga" sabi ni karl sa akin. "Buhay gwapo eh" sagot ko naman saka kumagat sa donut.

Bigla naman akong sinapok ni darren sa batok ko, "loko. Wag feeling. Di ka gwapo" sabi niya.

"Dahil ako ang gwapo" sabi naman ni karl. "Ulol ka. Di ka gwapo karl. Ako kaya ang gwapo"  sabi naman ni darren.

"Hoy. Tigilan niyo na nga yan. Lahat kayo panget. Walang gwapo sa inyo. Kaya manahimik na kayong tatlo" sabi ni jarred.

Napatingin ako sa kanya at napasmirk, "sorry bro. Secret is out" sabi ko naman. Napakunot naman siya ng noo, "anong secret?"

"Kayo ha. May tinatago kayo sa amin" sabi naman ni karl. Aba't si leader nalang hindi nagsasalita sa amin ah? Bahala siya diyan, mapapanis laway niya.

"The identity of someone who isn't famous is really famous" sabi ko saka nagsmirk. Nagulat naman siya kaya tumayo siya, "tantanan mo ko sa ganyan mo kei. Sabihin mo sakin kung sino yan privately"

"Privately? Bat di niyo pa sabihin sa amin yan" singit ni darren. "Oo nga. Bat di pa natin sabihin sa kanila?" Sabi ko naman.

Bigla naman akong hinila ni jarred papunta sa labas ng starbucks. "Sino naman yang sinasabi mo?" tanong niya sa akin.

"Oh you know. A girl. Nerdy. Not famous. And is literally hated by many. But the opposite of everything I just said" sabi ko naman.

"At sino naman yan? Ang gulo mo din noh. Sapok gusto mo?" Sabi niya sakin. "Teka, hinay hinay la-" sabi ko ng makita ko si tory sa labas ng isang flower shop. Anong ginagawa niya dun?

"Hoy. Sino na?" Tanong sa akin ni red na hindi ko napansin. "Teka lang. Diyan muna kayo. May... pupuntahan lang ako" sabi ko at sinundan si tory.

The heck?! Siya yung mabilis na nagpatakbo ng kotsa noon sa racing?! Natatandaan ko itong kotse na ito eh. Ito yung kotseng gustong sirain ni leader at yung driver nito. Hahaha hindi na kayang gawin ni leader yun kung sakali man.

Sinundan ko lang siya at bumaba siya sa isang cafe. Huminto siya sa pwesto niya at napabuntong nalang ng hininga. Ilang saglit lang ay pumasok na din siya.

I got a weird feeling for this. Kailangan ko lang siyang sundan to know what is up with her.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon