P65- Angela (pt.1)

3K 70 0
                                    

---------------------

Victoria's POV

Pinapasok ko naman silang lahat sa unit ko at umupo kami sa living room. "What do you all need in this late hour?" Tanong ko sa kanila.

Alam nilang nagiistorbo sila dahil nag-english na ako eh.

"We just want to ask something" sabi naman ni anne. Tumango nalang ako kaya nagtanong na si irish, "are you connected sa pagkamatay ni angela?" Tanong niya.

Nagulat naman ako pero hindi ko na pinahalata sa kanila. Do they know? Baka alam nila kaya sasabihin ko na yung totoo, pero onti lang. I don't want them to know every details of it.

"Yes" sagot ko. Connected ako, pero hindi ako ang nagpatay, dahilan lang.

Sa tuwing may nagpapaalala sakin na may namatayan ako sa buhay, naaalala ko din kung paano sila namatay. At hindi ko mapigilang umiyak, pero iiyak lang ako kapag wala ng tao dito. I don't want them to know, it shows weakness.

"B-but you told us na wala kang kinalaman dun?" Sabi ni irish. Umiling ako, "that is a stupid lie" sabi ko.

"How dare you! For 5 years, nagtago ka ng ganitong sikreto sa amin? Sabi mo noon wala kang kasalanan pero ngayon meron?" Sigaw sa akin ni irish. Nagulat din yung mga kasamahan namin dito.

"Kung yun lang ang gusto niyong itanong, makakalabas na kayo" sabi ko saka tumayo na. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko, "at kung gusto niyo sagutin ko ng maayos, magtanong kayo ng maayos" sabi ko saka pumasok na.

Lumabas na din naman sila na gulong gulo. Si irish, galit na galit naman.

Knock knock

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko at nakita ko si jansen, "oh?" Tanong ko.

"Iyak mo lang. Tutulo na" sabi niya sakin at ngumiti ng matamlay.

"Hindi ako umiiyak" sabi ko. Umiling naman siya saka hinila ako papunta sa couch. "Nangingilid na luha mo. Pwede mo naman ikwento sa akin ang nangyari. Hindi ko ipagsasabi sa iba"

"Kung yan lang pala ang sasabihin mo, makakaalis ka na" sabi ko saka tumayo kaso hinila niya din ako paupo.

"Ang mga tao, nahihirapan magtago ng sikreto dahil kailangan nilang magsinungaling. Paano pa kaya ikaw kung hindi lang isang sikreto diba?" Sabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Sabi mo kanina, sasagot ka ng maayos kung magtatanong ng maayos yung tao. Ang tanong ko ay hindi tanong nila ngunit gustong itanong. Ikaw ba ang pumatay kay angela?" Tanong niya.

"Talino mo naman at napansin mo yun" sabi ko ng matamlay.

"So, ano na? Kwento mo na..." Sabi niya. Bigla naman nag-flash back sa isip ko. Hindi ito maaaring malaman ng kahit kanino.

Flashback:

Andito ako sa kwarto ko sa america at nakatingin ako sa isang note.

Kamatayan ang naghihintay sayo. Pagdating ng panahon, makikilala mo ako. Ngunit sa panahon na iyon, ay ang taon na kamtayan mo.

Magiingat ka... Samantha....

Bigla akong nagulat nung may humawak sa balikat ko. "Angela? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit ka may sulat na ganyan?" Takang tanong niya sa akin. Napangiti naman ako, "ah, uhm... P-prank lang i-ito" sabi ko.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon