Tory's POV
As early as 6 a.m. ay nasa school na ako dahil ang oras ng dating nila ay 6:15. Alangan ako ang susundo sa kanila? Bahala sila diyan. Di ko sila ipapasundo kahit sa driver ko....
*kei calling*
Ano namang meron dito? Sinagot ko tawag niya, at malamang sa malamang hindi ako bumabati. "Tory?"
"Wrong number. Wag mo na akong tawagan. K bye" sabi ko naman saka tinago ko phone ko sa bag. Sumilip ako sa bintana at mukhang uulan yata. With dark clouds in the morning, I guess it will rain. Pinikit ko naman ang aking mata since inaantok pa ako.
Ilang minuto ang nakalipas ng biglang bumukas yung pintuan ng malakas. Napagising naman ako at kukunin na sana yung shuriken ko kaso si kei lang pala. "Anong meron at kailangan mong buksan ang pintuan sa ganyang paraan? " tanong ko sa kanya.
"May mga babaeng humahabol sa akin sa labas eh. Anyways, about sa nangyari kahapon? Explain mo." Sabi niya saka umupo sa harap ko. "Well, in other words, para kang may taning sa buhay mo. Hindi nga lang oras ang bilang, kundi bawat na tao na nakakasalamuha mo. Sa bawat tao na nagiging close mo ay may dalawang pagpipilian. Una ay siya ang mamatay, or pwede ring siya ang magpapatay at ikaw ang mamatay"
"And in other words, kailangan mong iwasan lahat ng taong ayaw mong mamatay" sabi ko ulit. Napatingin naman siya sa akin, "teka teka, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi pa magets ng utak ko eh"
"Sabihin na nating may isang sikretong tinatago. Sikretong hmm..... Kami kami lang ang nakakaalam" sabi ko ng nagsalita siya. "Teka, sinong "kami" yan?" Tanong niya.
"Mga taong nakakaalam ng the die-saster of La famille de la reine or the die-saster of famille royale. At mga taong nakasama dun, pati na din yung mga taong namatay dun" sabi ko habang nakatingin sa langit. Yung mga taong namatay at napatay para lang protektahan ang pamilya namin.
"Teka lang ah. Ang gulo kasi eh. Ano ba yun?" Tanongg niya ulit.
"Isa itong accident na nangyari noon na nagpagulo sa lahat ng nangyayari ngayon. Kaya siguro naguguluhan ka ay wala kang kaalam alam o nakita dun" sabi ko naman.
"Pwede ko ba malaman kung ano yang sikretong yan?" Tanong niya. Napailing nalang ako, "hindi pwede. Pero kung gusto mong malaman, mamamatay ka din ngayon" sabi ko.
Napahinto naman siya saglit at napaisip, "eh pano kung..... Kung nalaman ko by my own?"tanong niya sa akin. I just shrugged, "then don't tell anyone. Not even me" sabi ko.
"Bakit naman?"
"Dahil pwede ako ang magpatay sayo mismo ngayon" sabi ko ng pahina ng pahina. Bakit ba ang sama ng tadhana? Hindi ko na nga pinapaalam kahit kanino tapos bigla naman may mga makakaalam.....
Irish's POV
Papunta na ako ng school ng mga 6:30. Si tory ay hindi nagreply, baka tulog pa yun. Ewan ko ba sa iba, at ewan ko ba sa sarili ko at ang aga ko yatang pumasok ngayon. Inis hahaha.
Kanina pa ako nagtext kila ynah, yra, anne, at jansen pero kakagising lang daw nila. Kaya bumili muna ako ng breakfast ko sa jollibee. Pagkatapos ko ay tumayo na din ako at lumabas dun ngunit may nakabungguan ako, "sorry po" sabi ko agad.
"Sorry din ija" sabi naman niya saka niya ako tinulungang tumayo. Okay, ngayon araw na ito ay para akong nawawala sa sarili ko. Basta puro ewan lang ngayon. Nung nakita ko naman mukha niya saka ako napasabi ng, "kilala ko po ba kayo? Para po kasi kayong familiar sa akin eh"
"Hindi pa tayo nagkikita ija. Baka napagkamalan mo lang ako" sabi naman niya. Iniscan ko buong mukha niya bago ulit ako nagsalita, "ahy ako nga po pala si irish. Ano pong pangalan niyo?"
"Kaizer. Ako si kai" sabi niya. May bigla namang tumawag sa kanya, "dad. Tara na po. Order na po tayo" sabi ng isang lalaking palapit sa amin. Napatingin naman siya sa akin, "magkakilala kayo ni daddy ko?"
"Namumukhaan lang" sagot ko naman.
"Teka, ikaw si irish diba?" Tanong niya. Nagulat ako ng konti dahil hindi naman siya pamilyar sa akin. "Opo" sagot ko naman.
"Ah. Ikaw yung nasa jimenez university. Nakita kita nun sa sports. Di mo ba ako natatandaan?" Tanong niya sa akin. Napailing nalang ako, "hindi po eh" sabi ko.
"Ah ganun ba. Sige, introduction nalang ulit. Ako si edward jhobert domingo, from manaleste university, yung nakalaban niyo nun" sabi niya.
"Ah oo, ikaw nga yun. Ah nga pala, una na ako. May pasok pa ako eh"sabi ko habang nakatingin sa oras. "Ah sige. Kunin ko nalang number mo kung pwede" sabi niya. Tumango naman ako at binigay sa kanya saka umalis na.
Dumiretso ako sa school, parang gusto ko yatang umuwi eh. Feeling ko wala pa mga kaklase ko ngayon dito. Pupunta na ba ako o hindi?
Hayst. Makapunta na nga lang.
Kinuha ko na bag ko at susi ng sasakyan saka naglakad na papuntang room. Nang makarating na ako sa room ay sumilip ako sa loob kung meron mang tao, and apparently ay meron. Si tory at si kei lang naman. Naguusap sila as in silang dalawa lang.
Bakit ba sila naguusap ng dalawa lang? Wala man lang ibang tao sa room? May relasyon kaya sila?
Okay geeze. Gusto ko si kei pero hindi ko siya mahal. Wala akong mahal.
Pero bakit.... Bakit ganito? Parang feeling ko ay buhat buhat ko ang buong mundo. Yung tipong parang sayo binigay lahat ng problema at gustong gusto mo nang umiyak?
"Ate ir--ish?" Sabi ng isang babae sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya, "oh? Bakit ashley?" Tanong ko. Nagtaka naman siya, "bakit po kayo umiiyak?"
Nagtaka naman ako sa kanya, "umiiyak?" Tanong ko. Tumango nalang siya.
Kinapa ko ang cheeks ko at umiiyak na nga ako. Pinunasan ko nalang ito, "ah, wala yan. Namamawis lang mata ko. Una lang muna ako" sabi ko sa kanya saka umalis.
Ashley's POV
Hmm?
Sumilip ako sa loob ng classroom nila. Si ate tory ito ah? Leader namin sa usf nun. Saka si kuya kei? Ah. Alam ko na.
Selos si ate irish kay ate tory.
Boyfriend kaya ni ate irish si kuya kei? Grabe makatingin kanina eh. Samantala si kuya kei, busy na busy sa pakikipagusap.
Baka ex ni ate irish si kuya kei? Playboy naman kasi talaga si kuya kei eh. Tsktsk. Itong si kuya kei talaga di na siya nagbago. Hayst.
Ay nga pala, may pupuntahan pa pala ako hahaha. Babush!
-------------------------------
Next UD: Saturday :)-Ishia<3
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Acción[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...