Prologue

1.4K 14 0
                                    

[3 years ago]

The world is more dangerous than you think. Hindi man open sa lahat ng tao pero may mga organisasyong nakakalat sa paligid na napakadelikado.

"Antagal mo" asar na sabi ng isang babaeng kanina pa naiinip sa kakahintay.

"At least nakarating haha" sabi naman nung lalaking kadarating lamang. Inirapan lang naman siya neto.

"Pero sigurado ka ba dito? Bata palang tayo pero gagawin na natin to. Alam mo naman kung gaano kadelikado ito diba?" sambit nung lalaki.

"Kung ayaw mo, hindi ka sana pumayag sa kagustuhan ko" sabi naman nung babae.

"Astra, delikado ito. Ayaw mo man lang ba tumawag ng back up?" sabi nung lalaki.

"Kung gusto mong mapagalitan, go ahead basta di ako masasama sa gulong yan" sabi naman nung babaeng tinawag na Astra.

"Tss. Tara na nga" sabi naman nung lalaki kaya naglakad na sila papunta sa isang kotseng naghihintay sa kanila.

Mga bandang 11 na ng gabi ng makarating sila sa destinasyon nila. Mga tatlong kilometro ang layo mula sa lumang building.

"Astra, ayaw mo ba talagang tumawag ng backup?" huling tanong ng lalaki sa kaniya.

"Dark knight, she can handle it. Tiwala nalang tayo sa kaniya" sabi naman ng lalaking nagmaneho ng kanilang sasakiyan.

"May tiwala naman ako but fuck, this is dangerous. Ayoko lang mapahamak siya, " sambit naman nung lalaking tinawag na Dark Knight.

"Pero kaibigan ko ang kinuha nila!" naasar na sambit ni Astra at nauna na lumabas.

"Jaze-" sabi ni Dark Knight pero nagsalita bigla ang lalaking nagmaneho na tinawag na Jaze.

"I quit being a gangster. Don't call me Jaze bruh. At isa pa, sundan mo na si Astra. Ayokong mapahamak siya. Mahal ko yang pinsan ko kahit na matigas ang ulo" sabi niya kaya napatango na lamang si Dark Knight at agad na sinundan si Astra papasok sa lumang building.

Ilang minuto ang lumipas ng bigla ay bumalik si Dark Knight sa sasakyan kung nasaan si Jaze nakaupo.

"Oh? Saan si Astra?" takang tanong ni Jaze habang nagcecellphone.

"Nasa loob pa. Pero-" hindi na natuloy ni Dark Knight ang kaniyang sasabihin ng sinagot ni Jaze ang cellphone niya.

"Oh? Gago, bat ka napatawag?" tanong ni Jaze sa kaniyang kausap.

"Tinakas mo na naman kapatid ko noh?" sabi nung nasa kabilang linya.

"Sino sa kanila?" ngising tanong ni Jaze sa kaniyang kausap.

"Pre. Tigilan moko. Pauwiin mo na siya. Baka mamaya magising si mama sa kwarto niya. Kasama ni Second si tita Stella sa Japan. Wag mo nga akong ikumpara sa makakalimutin kong kapatid" sabi ng kaniyang kausap kaya napabuntong hininga na lamang si Jaze.

"Oo nga pala. Nakalimot na ang lahat, siya lang hindi. Edi siya na ang may matalas na utak" sambit niya sa kaniyang isip.

"Pauwi na kami, wag kang magalala" sabi niya at saka binaba ang kaniyang cellphone.

"Sino?" takang tanong ni Dark Knight.

"Si First" sambit niya at tinago na sa loob ng kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone.

"Bakit daw?" takang tanong muli ni Dark Knight.

"Pinapauwi na si Astra. Baka mamaya daw magising si mama niya at malamang wala sa kwarto niya" sambit nito kaya nagtaka si Dark Knight.

"Huh? Hindi mo ba pinapunta dito mama niya?" takang tanong ni Dark Knight sa kaniya kaya napatawa ng onti si Jaze.

"Bruh, buntis mama niya, 6 months na. Di pwedeng masyadong gumalaw mamaya niya at baka maapektuhan kapatid nila Astra" sabi niya.

"Kakakita ko lang kay Queen. Akala ko pinapunta mo siya dito" sabi nito kaya laking gulat ni Jaze sa nalaman.

"Bakit di mo agad sinabi?!" OA na sambit ni Jaze sa kaniya.

"May tumawag sayo. At akala ko tinawag mo mama niya. Isa pa, di ko alam na buntis mama ni Astra. Ilang buwan din ako nawala" sambit nito.

"Dito ka lang. Pupunta ako sa loob" sambit nito at mabilis na tinakbo ang lumang building.

"Shit" mahinang sambit ni Dark Knight sa sarili at sinuntok ang punong malapit sa kaniya.

"Kuya, pakisundo ako. Bibigay ko adress sayo" sambit ni Dark Knight sa kaniyang tinawagan na butler niya at agad na sinend ang adress kung nasaan siya.

Ilang minuto lang ang lumipas nung napansin niyang nandiyan na ang kaniyang butler. Sakto namang nakita niya sila Astra na paikaikang naglalakad habang inaalalayan ni Jaze.

"Astra" gulat na sambit nito at agad na tinulungan sila ngunit napahinto silang tatlo sa paglalakad nung narinig nila ang malakas na pagsabog ng lumang building.

"M-ma..." luhaang sabi ni Astra habang nanginginig pa.

"Take her home. Babalikan ko si tita" sambit ni Jaze at agad na tumakbo pabalik sa nagliliyab na apoy. Sakto namang napansin ni Dark Knight ang sasakiyan na mabilis umalis sa kabilang kanto.

"Kuya habulin niyo yung sasakiyan na iyon! Dalian niyo!" sambit niya at kaagad na umalis ang sasakiyan na dapat niyang sasakiyan pauwi.

"Si mama... Tell me, buhay pa si mama diba?" luhaang sabi ni Astra. Hope is in her eyes. Hoping na sana buhay pa nga ang mama niya at hindi namatay sa insidenteng iyon..

"She's alive. Don't worry" sambit ni Dark Knight at niyakap si Astra saka hinalikan ito sa noo.

"I want to rest. This is all just a bad dream. Buhay si mama. Buhay siya" sabi ni Astra kaya pinunasan ni Dark Knight ang kaniyang luha saka ito binuhat papasok sa kotse ni Jaze.

"I'll take you home" sabi nito. He too was hoping na buhay pa nga sana ang Queen. But fear was greater. He was losing hope.

"I'll borrow your car for a while. Babalikan kita" sambit ni Dark Knight sa kaniyang earpiece na narinig naman ni Jaze.

"Sige. Bilisan niyo pero magingat ka. Ayokong mapahamak pa lalo si Astra" sambit nito. Agad namang pinatakbo ni Dark Knight ang sasakiyan at idiniretso sa Headquarters ni Astra.

"Please stay safe" sambit ni Dark Knight habang sinusulyapan ang babaeng tulog na.

Sometimes, we make decisions of our own base on our feelings. Yet those decisions aren't always right and might lead you to greater consequences or risks. But no matter what, no matter when. Despite that you fail, and will sometimes fail again, stand up and be firm. Stand up and be brave. Stand up and stand tall.

You will be victorious.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon