P57- You're My Weakness And My Strength

3.3K 91 1
                                    

-----------------------------

Victoria's POV

Pumunta kami dun sa malaking bato na tinuro niya at may bumukas naman dun. After ilang moments ay nakalabas din naman agad kami sa forest.

"Hanggang dito ko lang kayo maihahatid. Magiingat kayong lahat" sabi ko. Tumango naman sila at umalis na pero naiwan si tin at kumapit sa kamay ko, "ate, sama po ako sa inyo"

"Di pwede. Mapapa--"

"Sige na. Sama mo na. Bata lang yan eh" sabi ni silent breeze. Binigyan ko siya ng death glare, "edi ikaw magsama sa kanya. Kapag ito napahamak ah!" Sabi ko.

"Ikaw na. Kanina sabi mo sa kanya makikita niya mama niya" sabi niya sa akin. Napatingin ako kay tin, oo nga pala, yun yung sinabi ko sa kanya.

"Osige. Pero dito ka lang muna. Babalikan kita" sabi ko saka ko siya itinago sa isang matago at madilim na parte. Binigay ko sa kanya yung phone ko, "tawagan mo ko kapag may kumuha sayo. Pindutin mo ng matagal yung 1"

"Teka, san ka pupunta?" Tanong sa akin ni silent breeze nung naglakad ako pabalik. "May aasikasuhin lang. Diyan lang kayo" sabi ko saka tumakbo pabalik sa loob.

Nung nasa may room akong walang pintuan at window, inon ko yung relo ko saka tinawagan si irish, "hello?" Tanong ko.

"Victoriaaaaaaaa! Saan ka ba nagpupupunta?!" Sabi niya sa akin.

"May hinahabol lang. Okay pa ba kayo jan? Wala bang nanggugulo jan?" Tanong ko saka umakyat na pabalik kanina.

"Wala naman. Balik ka dito before 3 kasi maghahanda ka sa game mo. Btw, nakita mo si calvin?" Tanong niya. Huh? "Bakit? Wala siya jan?" Curious na tanong ko.

"Parehas kayong wala eh. Kala namin magkasama kayo" sabi niya.

"Baka naman naglibot lang siya jan?" Tanong ko.

"Bakit asan ka at bigla ka nalang nawala?! -- jayden! Wag kang magulo! Kausap ko siya-- may tinatanong lang ako. Wag kang madamot-- aish! Asan ka ba kasi ha?" Sabi nung dalawa at halatang nagbubulyawan na. Naririnig ko naman yung mga mahihinang tawa sa background nila. Hindi pala mahina, malakas pala. Tss..

"Basta. Wag niyo muna akong hanapin. Babalik din ako before 3. May hin--" di ko na natapos pagsasalita ko ng may bumaril. Umiwas ba ako? Hindi naman ah-- bakit ako sinundan ni silent breeze?!

"Hoy, ano yang naririnig namin? Mga putok ba yan ng bala?" Biglang bulyaw ni jayden. Tss, istorbo na mga ito. "Hindi. Sige, una na ako" sabi ko saka inend yung call.

Umakyat ako sa ceiling saka pumunta sa tapat ni silent breeze. "Pst, bakit ka ba sumunod ha?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa paligid niya pero walang tao. Napairap nalang ako sa kawalan, "taas" sabi ko. Tumingin naman siya sa taas at nanlaki mata niya nung nakita niya ako, "nice! Anyway, wala. Tutulungan lang kita"

"Sige. Diyan ka lang at matutulungan mo na ako. Malaking tulong na yun!" Sabi ko saka pumunta sa fifth floor.

Napalaban na nga ako dito eh. Sa dami ba naman nila tas ako lang? Malamang mapupuruhan ako dito. Aish, matagal pa itong labanan at 1:08 na ng hapon! Geez, dapat nakalabas na ako dito ng 1:30!

Jeydon's POV

Nagaalala ako. Ewan ko bakit pero nagaalala ako kay nerd. Siguro dahil malapit na yung archery game niya? Hayst.

"Jeydon, kalma. Tumawag naman na siya eh" sabi ni darren. Napahilamos naman ako sa mukha, "ayun nga eh. Tumawag siya tapos parang busy pa pna pagod at hihingalin anytime. May narinig pa tayong mga nagpapaputok!"

"Tinamaan ka kay tory! Gusto mo siya noh?" Tanong sa akin ni Karl. Nilayo ko naman mukha niya, "spell asa! Dun ka nga" sabi ko.

"Maghanda na yung mga kasama sa table tennis" sabi ko saka tumayo. Nagtaka naman sila. "Eh, kuya..... 1:10 palang. 1:45 pa ang paghahanda. Hindi niyo po ba narinig kanina?" Sabi nung isang babae. Taxi? Texi? Ano na pangalan nito? Tss....

"Ah, ganun ba. Sige, magkita muna kayo. Maglibot tayo mamaya sa meeting room" sabi ko saka naglakad paalis nang may kumalbit sa akin. Si jarred lang pala, "diba dapat maglibot muna kayo, magkita tayo mamaya sa meeting room?"

"Tss, oo. Sige lang" sabi ko.

Ginulo naman agad ni kei buhok ko, "pansin ko lang ah? Bulol ka na ba? Sinong nanggugulo sa isip mo ha?" Sabi niya. Tss.....

"Wala!" Sabi ko at tinanggal ko yung kamay niya na ginugulo buhok ko.

"Aysus. Wala daw. Si tory lang yan eh" sabi naman ni ynah. Tch.

"Malay niyo, hindi na makabalik leader niyo. Diba sabi niyo may narinig kayong ptok ng bala? Baka naman............ Namatay na siya?" Sabi nung leader na si ashton ba yun?

Nilapitan ko kaagad siya tsaka kinwelyuhan siya saka hinampas sa wall, "pare, wag kang magsasalita ng ganyan kung ayaw mong makita ang kamatayan" maangas kong sabi.

Nag-smirk naman siya, "what? Just saying the truth" inosenteng sabi niya.

Binigyan ko siya ng death glare, "hindi yan ang mangyayari. Mabubuhay siya" sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay, "what makes you think so? Isang nerd? Mahina at lampa yang mga yan"

Bigla ko naman siyang binugbog at pumutok naman ang labi niya. "Sinasabi ko sayo pre, kung ayaw mo pang mamatay, huwag mo kaming pakialaman" sabi ko saka umalis. Baka hindi pa ako manggigil na patayin siya.

Oh well, i think...... She is my weakness and strength

Aish! Ano bang nangyayari sakin?!

Jarred's POV

"Aysus! Ayos ah. Inlab si leader sa isang nerd" sabi ni kei. Tss, as if namang maiinlove siya dun. Di man type ni jeydon ang nerd at cover up lang naman yun ni tory.

"Hahaha, unti unti ngang bumabalik si jeydon eh" sabi naman ni darren. Tumango naman si karl. "Bagay nga sila eh" sabi niya.

Tss, bahala sila diyan. Aalis muna ako.

"Pre, saan ka pupunta?" Tanong sakin ni kei. Humarap ako sa kanya, "wala kayong pake. Maglilibot lang muna ako. Baka mahanap ko si calvin" sabi ko saka umalis na.

Stress aabutin ko sa mga ito eh.

"Hi jarred! Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni roanne. Tinignan ko siya, "hahanapin si calvin" sabi ko.

"Samahan na kita. May balak din akong hanapin siya eh" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay, "bakit?"

Ngumiti siya sakin, "wala lang. Basta! Tara na" sabi niya sakin sabay hila kung saan saan.

Ashton's POV

Wow. Leader ng Jimenez University ay isang nerd lang? Tapos yung anak ng may-ari ng university nila ay co-leader lang? Tss, pathetic.

Oh well, alam ko na pala kahinaan niya. Isang nerd.

Mr. Jeydon Jimenez, humanda ka na sa pagkatalo mo. Dahil alam kong kami ang mananalo ngayon, ngayon na alam ko ang kahinaan mo.....

-----------------------

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon