P89- Shin's Curiosity To His Past

2.8K 56 3
                                    

Tory's POV

Well maybe, I do like him....

I like him as a friend.

"Well, yes. I like him as a friend. No other" sabi ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Friend? Eh bakit antagal mong sumagot? Simpleng tanong lang yun" sabi niya habang nakangisi.

"I don't know. Back to the girl" sabi ko. Hinayaan naman niya ako at back to the topic na nga ang ginawa namin.

"So yun nga. I find her weird. Lalo na si jarred" sabi niya.

"So what's the name of this girl?" tanong ko. Sinagot naman niya ako, "Elijah caamore" sabi niya.

Tumayo na ako, "Kay. Pwede ka nang umalis. I will do research on her" sabi ko.

Tumayo naman na din siya, "Osige. Alis na ako" sabi niya saka lumabas na ng bahay ko.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. At dahil nakakatamad na mag-research, bukas ko nalang siguro gagawin yun. Inaantok na din naman ako eh. Gusto ko na talagang matulog sa dami ng nangyayaring ewan sa paligid ko. Hayst, kelan nga ba ito matatapos?

-------------------
Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas pero mukhang kahapon lang yata. Basta saturday ngayon. May concert mamayang gabi, concert ko yun. Second Finale Concert ko.

Wala naman akong ginawang iba kundi umabsent sa school, kumain, mag-training, maligo, matulog. Sila jaja? Pumunta sa baguio. Ewan ko ba dun sa dalawang yun, bahala yung dalawang leche na yun sa buhay nila.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at napansin kong 4:45 na pala ng hapon. Kakagising ko lang dahil napagod ako kanina at nag-training ako. May bigla namang tumawag sa akin.

"O?" Tanong ko. Manager ko. Si Kathryn, kath nalang, bagong manager ko. Ewan ko ba sa dati kong manager. Basta may manager ako, yun na yun. "Gosh, Sam! Sabi ay dumating ka dito ng 4! 45 minutes ka ng late! Paalis ka na ba ng bahay niyo?"

At ang swerte ko ba? Hindi. Ayoko sa manager na OA. At masasabi kong OA talaga siya. Di bale, siguro sa finale concert ko ay iba na naman ang manager ko.

"Hindi. Kakagising ko lang" sabi ko sa kanya.

"GEEZE! SAMANTHA! Kanina ka pa namin hinihintay sa backstage" sabi niya sakin na pinipilit maging mahinahon. Napairap nalang ako sa kawalan, "K. Pagdating ko diyan, dapat maayos na yan. Kundi lahat kayo ay fired" sabi ko at inend yung call.

Tss, asa naman silang fired sila. Tinatakot ko lang naman ang mga yun.

Naligo lang ako saka nagbihis ng white long sleeves saka jeggings. Sinuot ko nalang yung Vans kong sapatos saka lumabas na. Sumakay ako sa kotse kong si Ford at pinaharurot ito papunta sa backstage ng concert ko.

"Hayst Sam, di ka pa din nagbabago" sabi ni Director Kim. Siya yung Director ko every time na may concert ako. Eh sa paiba iba ang bwisit na director ko, yung ibang director di ko na tuloy kilala.

"K. Maayos na?" Tanong ko nalang habang nakapoker face. Tumango naman siya, "ayos na ang lahat. Ikaw nalang ang kulang" sabi niya sa akin at ngumiti.

Pumasok na ako sa isang room sa backstage saka ako inayusan ng kung ano ano. Nag-open nalang ako sa gangster site ng isang anonymous identity dahil isang oras pa naman bago magsimula.

Wala na akong balita sa gangster na yan. Masyadong nakakakomplikado ng buhay lalo na kapag focus ka lang naman sa isang bagay. Hay basta. Bahala na sa buhay ko. Basta ay gusto ko lang makapaghiganti sa mga taong pumatay sa pamilya ko.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon