Chapter 5: Phantoms
______________________________________
"Ew, nagpapasok nanaman sila ng scholar dito?""Nerd? Tss, ampanget niya"
"Yuck, she is soooo baduy"
"Gross, a nerd! Why is she even here?"
Ewan ko ba kung bulungan pa ba ang tawag diyan kung naririnig naman sila sa malayo. Tss, bobo pala sila eh.
Hindi ko nalang sila pinansin. May narinig naman akong nagsalita.
"The Phantoms are here!"
Tumili naman yung iba sa kanila at dumiretso agad sa labas kung saan madami na ang tao. Whatever.
Sino ba sila? Phantoms? Familiar. Are they a gang or something?
Tinignan ko dito mula sa malayo kung sino ang mga iyon pero sa dami ng mga tao na nakaharang, hindi ko na sila nakita.
Isang lalaki lang ang nakita ko. Nagkatinginan kami at inisnoban ko nalang siya. I mean, why would I care?
Umalis na ako dun since wala naman akong pake. Dumiretso nalang agad ako sa office para alamin kung saan at anong mga requirements ko.
Darren's POV
Ako si Darren Joseph Larria, 17 years old and super gwapo. Rich and isang gangster. The top one gang in the whole gangster sa philippines, of course. Dragon Heir nga pala name ng gang namin. Known as phantoms sa school.
On the way na ako ng school nang naisipan ni Karl na paunahan makarating sa school.
Si Karl nga pala ang pinsan ko, Karlos Miguel Alcantara. Parehas kami ng middle name which is Galliento.
"Hahaha first ako" sabi niya pagkarating namin malapit sa school.
At ako? Poker face. Ililibre ko siya ng isang gallon ng ice cream eh.
"Oo na, manahimik ka nalang at hintayin nalang natin yung iba" iritadong sabi ko. Proud na proud. Palibhasa, minsan lang niya matalo ang isang gwapo tulad ko.
Umupo muna ako sa bench at hinintay namin yung ibang dumating.
"Finally, nandito na rin kayo" sabi ko. Tumayo na ako at pumasok sa kotse, ganun din sila. Huling dumating si leader eh. Palagi naman.
Pumasok na kami sa loob ng school at ayan nanaman po yung mga bwisit na babaeng nagtitilian sa labas ng kotse namin. Bumaba na kami. Todo kaway naman ako at ngiti.
Nilibot ko yung paningin ko hanggang sa may nakita akong babaeng nerd. Napatingin din siya sakin. Nagkatinginan kami for almost 3 seconds ng inisnoban niya ako at umalis.
Aba, ibang klaseng babae. Kinalbit ko si Karl at tinanong kung kilala niya ba yun.
"Karl, kilala mo yung babaeng yun?" Tanong ko sa kanya at tinuro yung babaeng pumasok sa building.
Maka-snob wagas eh. Sino ba yun? Di siya familiar sa paningin ko eh. Baka isa sa ex ko? Wait, wala pala akong ex na na nerd.
"Hindi man. Bakit ba?" Tanong niya. Sinagot ko naman siya, "Inisnoban ako eh"
"Hahahahaha, isang Darren Joseph Larria ay inisnoban? Hahahaha, baka isa sa mga ex mo" sabi niya. Umiling naman ako. Bwisit, kailan pa ako nagkaroon ng girlfriend na nerd?
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...