Chapter 33

4.2K 101 0
                                    

Chapter 33: Red note

______________________________________

Victoria's POV

Dumating na ako sa bahay nila. First time ko dito. Honestly, mas malaki pa bahay namin kaysa sa kanila. Pero, maluwang talaga bahay nila.

"Welcome sa bahay ate Ry!" Sabi ni Nick at hinila ako palabas ng kotse papasok sa isang kwarto.

"Ligo ka muna at magbihis ka. Then maglalaro tayo" sabi ko. Tumango siya at dumiretso sa kwarto niya.

Pumasok ako sa bathroom at saka naligo. Nag-suot lang ako ng short at loose shirt. Pagpapawisan din naman ako mamaya eh. Tinali ko yung buhok ko into bun. Hindi ko binasa buhok ko. Baka kasi may biglang bumukas ng pinto at makita pa.

I have a strange feeling na iba ang mangyayari ngayong gabi.

Naglaro lang kami ng naglaro. Well, mostly siya then tutulungan ko lang siya. Dumating si Jeydon na nakangisi sakin pero inirapan ko siya. Bahala siya sa buhay niya. Akala mo kung sino.

After naming maglaro, kumain lang kami. Not minding Jeydon again. Parehas lang naman kaming walang pake at tahimik. Si Nick lang ang nagsasalita sa amin tapos tatango tango lang ako.

Nagluto yung chef nila, kaya wag kayong magisip na may magluluto sa aming tatlo. First, bata si Nick kaya hindi siya pwede. Second, bisita ako kaya hindi ako ang magluluto. Third, marunong ba magluto yang Jeydon na yan sa katamaran niya sa buhay?

"Nick, tulog na" sabi ko. Nagpout naman siya, "Ate, laro pa tayo."

Napangiti ako sa cute niya, aminin ko, ang cute niya. Ang ganda ng mommy niya eh. Yung daddy niya gwapo siguro, di ko pa kasi nakikita, laging nasa ibang bansa.

"Sige na ate, laro pa tayo. Please" sabi niya at nagpuppy eyes pa.

"Tulog na nick. Malapit na mag-8 oh" sabi ko.

"Sige ate, good night" sabi niya na lamang at naglakad na papunta sa kaniyang kwarto.

"Sige. Good night Nick. Bukas nalang ulit tayo maglalaro" sabi ko. Pumasok sa room niyang nakangiti. Pumasok na rin ako sa room ko. Pagod na ako...

Naligo lang ulit ako, hindi ko pa din binasa buhok ko. Nagsuot ako ng bagong damit. Short at shirt na color black. Tinanggal ko yung salamin ko nang may biglang nag-call. Kinuha ko yung cellphone ko at pumunta sa may veranda, "Hello?"

"Baby~~~ kamusta ka diyan?" Hyper na tanong niya. Napairap ako sa kawalan, "Hoy Tanda, hyper mo na naman. Childish pa rin. Hindi ka magbabago?"

"Humahaba sentence natin ngayon ah? Improving! Kaso hindi mo nasagot tanong ko" sabi niya at alam kong nagpo pout ito. Tss, mga isip bata nga naman.

"Anong meron Tanda? Hindi ka naman tatawag kung hindi importante sasabihin mo eh" sabi ko.

Napasigh siya, "Located ka na. Nalocate ka na sa Philippines. Alam na nila kung sino ka, and they know you as Victoria Anderson"

"What? Paano nilang nalaman na andito ako?!" Sabi ko habang nakakunot ang noo ko.

"They have the best hacker system. Nakaimbento sila ng bagong hacker security. Hindi lang iyon. May freezer ray na din sila" sabi niya. Improving ang skelenials ahh?

Skelenials na galing sa Skeleton Gang. Madami sila and it even consists reapers, mafiosos and assassins. They are the second most populated gang in the world next to my gang. Well, tribe pala.

Gang ko kasi lima lang kami plus yung isa pang group na kasama si Jansen. Our goal is to protect at ilayo sa kapahamakan ang lahat ng members. While their goal is to destroy us and ilapit sila sa kapahamakan.

And me, as whoever I am, I will do anything para hindi mangyari yun sa tribes ko.

"How did they do that? Do we even have our new inventions?" Tanong ko.

"Yes, we have our improved lasers and they're opposite, melting ray" sabi niya.

"Good. May plano ba silang umatake?" Tanong ko. Planning an attack needs not only a plan but a full detailed strategy with skilled members.

"We aren't updated yet. Sasabihin ko nalang sa iyo kung meron nang update" sabi niya. Napabuga nalang ako ng hangin at saka inend na ang call.

Matutulog na sana ako ng mag-ring ulit yung isang cellphone ko. What is up with them at tumatawag ng ganitong gabi?

Unknown number? And from the looks of it, gangster yata ito. Inaccept ko yung call at gumamit ng voice changer.

"Hello?" Takang tanong ko.

"Well hello, Reaper or Deadly Viper. Oh, should I say Victoria?" Mapaglarong tanong niya. Sino ito?

"Who is this?" Cold kong tanong.

Napasmirk siya sa kabilang linya, "Take this as a warning. Your death is marked on the calendar" sabi niya at inend yung call. Puta, sino ba iyon?! Argh!

Humiga na ako at nag-hula kung sino iyon. Gumamit ako ng voice changer, ganun din siya. Alam kong lalaki yun. Impossibleng nasa gangster world siya. Now, I only have one guess, skelenials.

Napabangon ako at inopen yung laptop ko. Niregister ko yung account ko na Gangster Princess. Madaming nagulat na nagonline ako at nagpost. Madami ring nagcomment na paano ko daw nahack or bakit ganun daw pinost ko. Bahala sila diyan.

Shinut down ko na yung latop at nilock yung pinto sa veranda. Tianggal ko na yung contact lens ko. Lahat ng windows dito ay sinugurado kong nakalock. Napansin ko lang na bukas yung pintuan kaya sinara ko ulit.

"Nilock kita kanina ah?" bulong ko sa sarili ko at napaupo na lamang sa higaan. I feel someone's presence near me.

Never mind that.

I am feeling na malapit na ako mag-explode dahil sa skelenials na yan at something na hindi ko alam. Oh well......

********

"Hello dear" sabi ng isang babae. Hindi ko maaninag yung mukha niya.

"Miss na kita. Tandaan mo na lagi akong nasa side ng hindi mo namamalayan. Hindi man kita maalala, pero lagi kang nasa isip ko" sabi niya sa malambing na boses.

Nawala na siya, may pumalit namang isang lalaki na yumakap sa akin, "miss na kita. Pinapatawad na kita. Mahal na mahal kita!" Sabi niya. T-teka, sino itong mga ito?

Bakit hindi ako makapagsalita? Anong meron?

Napayakap naman ako sa kaniya, "Miss na din kita. Salamat! Best friend pa rin tayo?"

"Oo naman! Ikaw ang best friend ko eh! Just be careful of your surroundings. Nasa tabi mo lang ako, binabantayan ka" sabi niya. Napangiti nalang ako at biglang nagliwanag.

********

Nagising nalang ako na nakatali ako sa isang upuan. Napatingin ako sa relo, 12:17 palang ng umaga. Anong ginagawa ko dito?! Bakit ako nakatali dito?!

"Red note, Miss Victoria Anderson" sabi ng isang lalaki na nagtatago sa dilim at napa-smirk.

Red note? What the hell is going on?!

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon